IV: I Got to Say "Hi 11!"

13 0 8
                                    

"Nginitian niya ko! Nginitian niya ko! Nginitian niya ko!" halos maalog ng tuluyan ang utak ni Julia ng dahil sa pagyugyog ko sa dalawang balikat niya.

"Ate Din help! Nasusuka ako." at bigla siyang natumba sa kama niya. Patay! Napasobra ata.

"Huy Juls, ok ka lang?" Nakonsensya naman ako ng konti. Eh kasi naman hindi ko macontain yung umaapaw kong kilig. Nginitian ako ni 11 kaninang tanghali sa canteen. Ibig sabihin naalala niya ko. Kilala niya ko!

"Hindi! Hindi ako okay! Pag natapon yung inaral ko kanina naku patay ka talaga sakin El!" - Julia

"Woah nagaaral ka pala?" pangaasar ko tapos tumawa si Ate Din at si Rachel.

"Oo kaya! Nagpaturo ako kay Rachel!" sinimangutan niya ako.

"Aba ngayon lang nagaral yan, mainit init pa utak niyan." pangaasar ni Rachel.

"Umuusok pa bhe." nanggatong pa talaga si Ate Din.

"Eh kasi naman si 11 kasi eh! Hinawakan niya yung kamay ko! -- "

"Nahawakan. Hindi hinawakan!" basher talaga tong si Julia.

"Che! Wag kang epal! Tapos bago ako umalis, tiningnan ko siya. Nginitian niya ko!"

"Landeee" sabay sabay pa silang tatlo.

Sobrang kinikilig talaga ako. Hindi ko kasi inexpect na makikita ko siya at napakaswerte ko pa kasi naka face to face ko pa 😍 Akala ko nga wala siya sa school kanina. Ambait talaga ng langit sa akin! Sobra sobra pa ang binigay.

Nadagdagan pa ang biyaya ng langit nang pagbukas ko ng facebook ay isang magandang balita ang bumungad.

Cedric Dimaano accepted your friend request.

"Yiiiieeee!! --"

"Ssshhh!" saway nung tatlo. Gabi na kasi at baka natutulog na yung ibang mga estudyante sa kalapit naming units. Baka rin sugudin kami ni Tropa.

"Sorry. Inaccept na ni 11 yung friend request ko!" pabulong kong sabi pero tama lang para marinig nilang tatlo. Pigil na pigil pa ang kilig ko niyan.

"Gaga, matutulog ka ha. Baka mamaya hindi ka na matulog. " - Ate Din

"Wala naman akong klase bukas."

"Kaya magpatulog ka." - Julia

"Opo Ma'am."

Ibang school ang maglalaro bukas. Sabado kaya wala akong klase kaso papasok pa rin ako dahil magkikita kami nina Rose, Jenny, at iba ko pang mga kagrupo para pagplanuhan iyong seminar na ihohost namin. Ok lang naman na ma-late pumasok bukas.

Pinatay ko na yung ilaw sa kwarto at saka nahiga sa kama. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang tumunog yung phone ko. Yung notification ringtone pag may nagchachat.

Sino namang magcha-chat ng ganitong oras?

Binuksan ko yung phone ko at nakita ang chat head ni Cedric Dimaano!!

Shems. Nagbubunga na ba yung pagpupuyat ko sa pagdodrawing ko sa kanya?

*Cedric Dimaano:
Hi. Ikaw yung babae kanina sa canteen, tama? I mean yung taga South? 😊

*Ako:
Oo haha

Typing...

*Cedric Dimaano:
Sorry pala.

*Ako:
Saan?

*Cedric Dimaano:
Yung milo 😅

Naginit na naman yung pisngi ko ng maalala ko yung pangyayare about sa milo. Naman pinaalala pa nito.

The Moment I Came To Like No. 11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon