Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa heater. Nagpapainit ng tubig si Ate Din. Tulog pa si Julia habang si Rachel ay naghihilamos sa CR.
"Ate Din dinamihan mo yung tubig?" medjo paos pa yung boses ko, halatang bagong gising.
"Yes. Maglalagay lang ako sa oatmeal at tea ko tapos sayo na yung tira."
Naupo ako sa may study table namin sa gitna at hinintay na kumulo ang tubig. Wala kaming pasok dahil Linggo. May game sa school pero wala kaming balak manood. Sunday is rest day!
Lumagitik ang painitan ng tubig. Habang nagsasalin si Ate Din ng mainit na tubig sa kanyang oatmeal at tea ay kinuha ko yung mug ko at isang sachet ng Kopiko Blanca saka bumalik sa upuan ko. Iniabot ni Ate Din sa akin yung painitan, nagsalin ako ng tubig sa mug ko at nilapag sa mesa yung painitan.
Binuksan ko yung messenger ko. Syempre para icheck if chinat niya ulit ako. Shet nagiging habit ko na. Masamang pangitain ito.
Hindi ako nabigo dahil may chat nga siya. Napangiti na naman ako.
*Cedric Dimaano:
Good night 😊Nagchat pala siya kagabi hindi ko man lang nabasa. Nagreply na lang ako ng good morning.
Maya-maya ay nagising si Julia. Para siyang zombie na umupo sa tapat ko, ang gulo gulo pa ng buhok.
"Pag nakita ka ni Edward na ganyan hitsura mo turn off na yun." bungad ko.
"Wala kang pake!" Psh. Sungit! Isip bata talaga to.
Nilapag ni Ate Din sa harap ni Julia yung mug niya na meron ng gatas saka nilagyan ng mainit na tubig na natira ko kanina.
"Thanks Ate Din, mwah!" may pa-flying kiss pa.
"Hay naku prinsesa Julia." pagkomento ko. Binelatan niya lang ako.
"Oh! Pinahamak ako niyan kahapon kay Tropa tss." Iniabot ko sa kanya yung box na pinadeliver niya daw ayon kay Tropa.
"Akin to?" Humigop siya ng gatas bago tinuon ang atensyon doon sa box. "Akala ko sa'yo to. Akala ko pinaprank mo lang ako eh." Tss. Di talaga to nagbabasang batang to.
"Wag na wag ka na daw magpadeliver dito sabi ni Tropa. At sinabihan ka niyang bansot!" binelatan ko siya. Tumawa naman si Ate Din at si Rachel nang banggitin ko iyong "bansot".
"Psh. Wala siyang pake! Matandang hukluban siya!" tumawa lang kaming tatlo sa asal ni Julia.
Pinapanood ko si Julia habang binubuksan niya yung box. Baka kung kanino na namang merchandise yun. Sana all maraming pera kagaya ni Julia.
"Ano ba yan?" paguusisa ko.
"Every girl's dream!" nagmamalaki pa siya.
"Baka lalaki talaga ako. Di ko pangarap yan." biro ko.
Nang mabuksan ni Julia yung box ay nanlaki ang mga mata niya at agad niya itong sinarahan saka humigop ng gatas.
"Bakit? Mali? Patingin!" pamimilit ko pero si Julia ayaw mapilit niyakap na yung box.
Lumapit na din tuloy si Ate Din at Rachel sa kanya. Ayaw niya talaga papilit kaya inagaw ni Ate Din yung box sa kanya. Nang mabuksan ni Ate Din yung box ay natigilan kaming tatlo at nagtinginan. Si Julia dali-daling sinarahan ulit yung box.
"Ate Din your dreams, they're in the box!" biro ko saka utas kaming tatlo sa pagtawa.
Hindi umiimik si Julia dahil sa sobrang hiya. Ikaw ba naman makatanggap ng isang dosenang large size na briefs. HAHAHAHA! Siraulo yung nagdeliver! 😂
BINABASA MO ANG
The Moment I Came To Like No. 11
Historia CortaSa bawat pagguhit ng lapis at pagkalat ng mga tinta, umaasa na ang sarili ko ay makita. Ang bawat larawang binuo ng pagaalinlangan, tanging kasiguraduhan ay nasa iyong mga mata. ~ Para kay 11 Ang lungkot na tinatago sa'yong mga mata, sa bawat pagngi...