II: ✉ PM Sent! Dead End?

10 0 9
                                    

Time check: 9'o clock, base sa liwanag mula sa bintana, umaga na, at tanghali na akong nagising.

Date check: Monday, wala akong klase. Kailangan ko lang magreport sa thesis adviser ko mga bandang 4:30 ng hapon.

Room check: Ako na lang mag-isa.

Haaaaaaayyyy! Ang sarap maghikab habang nagiinat. Inaantok pa ko 😪

Bumangon na ako at naghanap ng pwedeng maluto sa aming mahiwagang cabinet. May natira pang ramyeon 🍜 at isang sachet ng Kopiko Blanca. Kelangan ko ng mamili ng groceries 😔

Nagsimula akong magpainit ng tubig at nagbukas ng cellphone habang hinihintay itong kumulo. Binaha ng notifications ang facebook ko. Gaano ba kaactive sa social media ang nasa friend list ko? When I checked, puro invites sa iba't ibang pages, comment ni ganito sa post ni ganito, may ilang nagreact sa shared post ko, at may announcement sa South University Official.

Announcement❗
The Collegiate Athlete's Association Basketball League is back!

The much awaited event will be held for 3 days at South University's Indoor Sports Arena and outdoor courts. Activities start at 8:00 AM until 5:00 PM.

1st Day will be North University vs. South University on May 29, Friday.

Everyone is also encouraged to participate in mini games facilitated by our very own student council members.

Watch out for freebies, exciting prizes, and delicious foods!

Check our page regularly for more updates.

*Tickets available at Php150.00

LOL. Hindi na naman kami papalabasin ng campus until 5pm, -____-

Manonood kaya yun sa Friday?

Psh. Di man lang ina-accept yung friend request ko.

Kusang lumagitik ang painitan ng tubig hudyat para iparating na tapos ng kumulo ang tubig. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang ramyeon para lumambot ang noodles, nilagay ang condiments, tinakpan ulit, at saka tinimpla ang kape.

Tatlong araw na akong nabubuhay sa noodles. Baka sa halip na mas humaba ang buhay ko dahil sa pansit ay mas lalong umikli ng dahil sa UTI. Kailangan ko na ng totoong pagkain.

Habang kumakain ay nirereview ko yung thesis paper ko na ipapacheck ko mamaya sa adviser ko. Konting revisions lang at insert ng pictures ng simulations na ginawa ko pa noong Sabado ng umaga. Medjo may pagkatamad talaga ako 😅

Muntik na akong masamid habang hinihigop ang huling sabaw ng ramyeon dahil sa biglang pagkatok sa pinto ng unit namin.

Sh*t!

Dali-dali kong tinago yung heater sa laundry basket ni Julia at tinakpan ng ibang damit na kinuha ko sa kama ni Ate Din. Bawal kasi sa dorm yung mga gamit na nagcoconsume ng malakas na kuryente unless maga-additional bayad ka which is ayaw namin. Kuripot kami. Akala ni Tropa laptop lang ang meron kami.

Parang iniwan na ng kaluluwa ko ang katawan ko at the same time ay nabunutan ng tinik sa dibdib nang buksan ko ang pinto.

"Ah yung org chem na libro daw ni Rachel. Nasa ilalim daw ng unan niya." --> Si Angelo, ang bestfriend ni Rachel since no one knows. President ng CHEMSOC, candidate for Cum Laude. Frustrated singer. Pero hindi talaga sila magkasundo ng mga nota.

"Angelo! Bwiset ka! Akala ko si Tropa." sabi ko na medjo mahina yung dulo.

Tinawanan niya lang ako kaya tinalikuran ko na siya para kunin yung libro ni Rachel.

The Moment I Came To Like No. 11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon