Pagpasok ko sa venue ay isang malaking banner ang makikita sa entrance na may nakasulat na Art Fair Philippines 2020 8th edition.
Ang Art Fair Philippines ay isang platform para sa pagsasagawa ng exhibits at auctions ng iba't ibang modern o contemporary visual arts dito sa Pilipinas. Sinimulan ang proyektong ito noong 2013 at taon-taong may ganitong event. Hindi lang sa Pilipinas kundi pati iba't ibang arts sa Japan at Southeast Asia ay isho-showcase dito. Philippine Art Events Inc ang nangangasiwa sa event na ito. Sa bagong edition ngayong taon ay nasa mahigit 60 galleries ang ipapakita nila. May bagong section para sa Japanese style mangaka at animation. Mayroon ding bagong section para sa film.
Umaalingawngaw sa buong hall ang kantang Alone ni Marshmello. Sobrang daming art enthusiasts at practitioners ang nakikita ko sa paligid. Parang napakaliit ng mundo para sa katulad kong beginner pero sa isang banda ay nakakaexcite at nakakachallenge.
"Good morning Mam! Welcome to Art Fair Philippines!" dalawang babaeng nakacosplay ang bumati sa akin sa entrance ng hall. Ngumiti ako at dumerecho sa registration booth. Kailangan kasing isubmit yung printed copy ng registration form na finill up-an online.
Sa unang lane ako pumila. Nang turn ko na ay ibinigay ko yung registration form at saka pumirma sa attendance sheet. Iniabot sa akin noong babaeng organizer ang ID ko at manual kasama ang event flow. Kinuha niya rin yung baggage ko at saka binigyan ng keycard. Sila na daw ang magdadala ng gamit ko sa quarters. Ok.
Habang marahang naglalakad papalapit sa mga inarrange nilang upuan malapit sa ginawa nilang stage ay binabasa ko yung manual.
"Hi. Pwede bang ikaw ang maging ka-buddy ko?" familiar yung boses.
Tumingin ako sa taong nagsalita. Parang biglang tumalon ang puso ko nang makita kung sino iyon. Magkahalong kaba at kilig yung nararamdaman ko.
Ang pogi niya!
Nagpagupit siya!
Bat ganon, mas lalo siyang gumwapo?
Napalunok ako.
"Elaine Sorry. I've been quiet these past 2 weeks. Pero sana ok lang sayo na maging partner ako?"
Yes!
Si 11, umattend din siya ng art convention!!
Tadhana ba ito?
Wala akong karapatang magalit. Masaya akong hindi niya talaga ako kinalimutan.
Ghaad nawala agad yung disappointment ko towards sa kanya. Anong meron sayo Cedric Dimaano?
"Sige! Partner tayo." pumayag ako.
Napangiti siya sa sagot ko at saka napakamot sa ilong niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon pero wala na akong pakialam, basta partner na kami.
Ang pogi niya talaga ngayon.
Dapat siguro nagpagupit din ako?
Sa 3rd row malapit sa aisle kami umupo ni 11. Ang awkward. Hindi pa nagstart yung program kaya walang ibang bagay na mapagtutuunan ng atensyon. Kailangan naming magusap!
"Sooo... mahilig ka rin pala sa arts?" ako na ang unang nagsalita.
"Yeah, sort of." kitang kita ko sa mga mata niya na parang buhay na buhay ang art sa mundo niya. Para bang hinihigop ako ng mga titig niya at ginagawang obra. Posible kayang mapansin niya kung ano ang sinisigaw ng mga drawing ko?
Ngumiti ako at ganoon din siya. May mga bagay talagang hindi mo maipaliwanag ng mga salita. Sa puntong iyon, kahit nauubusan kami ng mga salita, parang naiintindihan namin ang isa't isa. Nakakagaan ng pakiramdam. Art is something that makes you breathe with a different kind of happiness. Totoo talaga yun.
BINABASA MO ANG
The Moment I Came To Like No. 11
Cerita PendekSa bawat pagguhit ng lapis at pagkalat ng mga tinta, umaasa na ang sarili ko ay makita. Ang bawat larawang binuo ng pagaalinlangan, tanging kasiguraduhan ay nasa iyong mga mata. ~ Para kay 11 Ang lungkot na tinatago sa'yong mga mata, sa bawat pagngi...