Chase 10 - THE PURSUIT ENDS

251 16 0
                                        

Third Person's Pov:

She had regrets when she flew off to Seattle. What if binigyan niya ito ng chance mag-explain? Padalos-dalos kasi siya, hindi niya tinanong ang lalaki kung bakit kasama nito si Erin at bakit ito nagyayakapan. 

And what's their conversation all about? Baka namisinterpret niya pang lahat at nadala siya sa selos. Baka may dahilan ang lahat pero padalos-dalos kasi ang mga desisyon niya, hindi siya nag-iisip nang mabuti. Ngayon pa siya nagsisi nang makadapo na siya sa Seattle. 

Napahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa inis na nararamdaman. "Ang tanga mo! Dapat tinanong mo muna!" She sighed.

She landed safely yesterday and right now, she had no contact with him because she destroyed her sim card the moment she flew here in Seattle. 

Ngayon ang daming what ifs sa utak niya dahil sa kabobohan niyang umalis at hindi man lang pinakinggan ang rason nito baka mas may malalim pang dahilan kung bakit nakipag-usap siya kay Erin at na misjudge niya lang dahil sa selos at kirot sa puso niya.

Napaiyak na lang siya habang naglalakad at huminto siya sa starbucks para uminom ng kape. She wiped her tears first because people might stare at her. Baka maweirduhan ito sa kanya dahil umiiyak siya. 

"God.. Why am I having regrets now?" She asked herself while waiting for her turn to order.

"Maam?" The server asked for her order. Doon niya lang napansing kinakausap niya na pala ang sarili niya at lumilipad ang utak niya.

She faked a laugh. Nag-order na lang siya ng espresso para tapos na. Nakakahiya na rin kasi sa server, naabutan siyang kinakausap ang sarili at wala pa sa sarili. Baka akalain nitong nababaliw na siya.

Umupo naman siya sa isang table malapit sa isang window para hintayin ang order niya. Napatingin siya sa labas at nakita niya ang isang babae at isang lalaki. Nag-uusap ito nang masinsinan hanggang sa biglang tumulo ang luha ng babae.

The lady hugged the man but the man broke free from her arms. He left the woman crying on the street. Kumunot ang noo ko, grabe naman ang lalaking yon. Hinahayaan niya lang umiiyak ang babae parang nangyari lang sa kanila ni Drake.

But despite the fact that Drake hurt her, she still wants to be with him. It hurts not being able to see him for years. Kinaya niya naman noong wala na siya pero ngayon, bakit mas lalo pang sumisikip ang puso niya sa ideyang hindi na talaga iyon mauulit pa?

A tear fell from her eyes but she went back to reality when the server called her name.

"Miss Illa." The lady called her for her coffee. Tumayo na siya mula sa pag-iisip nang malalim at naglakad papunta sa counter para kunin ang kape niya.

"Thank you." She said to the server first before she go. Dinaanan niya muna ang babaeng umiiyak pa rin, dahil awang-awa siya rito nilahad niya ang kamay niya para magbigay ng panyo.

Napatingin ang babae sa kanya at mas lalong humagulgol, nashock naman siya sa nangyari rito at tinitingnan na siya ng mga tao sa paraang mapanghusga. "Psst.. Ngawa ka ng ngawa diyan, mukha kang unggoy oy, walang poise!" She said because she was confident that she will not understand her because the woman looks like an American citizen.

But she was wrong because she replied, "Ano bang pakialam mo? Kung ikaw kaya masaktan?"

"Chaka. Naintindihan mo ko! Ay! Tayo ka na riyan, tinitingnan ka na ng mga tao, mahiya ka sa kapwa pilipino mo! Pag ikaw nagviral sige ka." Natakot naman ito sa sinabi niya at naglakad sila para makahanap ng upuan sa isang malapit na park.

Pursuit ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon