Chapter 8: Period

11 4 0
                                    

klia's POV

Monday, papasok na kaming cleverz sa classroom maliban kay AM, absent siya dahil first day ng period niya, nakakulong lang siya sa kwarto niya buti na lang at hindi kami umuwi ng condo kagabi dahil ayaw din ni AM kaya sa mansyon na kami natulog, maaga kaming pumasok dahil malayo ang mansyon dito. Pagkarating namin sa classroom ay nagulat kami dahil andon na ang wekings akala ko wala pa dahil wala mga sasakyan nila sa parking lot.

"good morning girls, ang pogi ko diba?" bungad samin ni franz, napakayabang talaga netong baluga na to

"good morning klia" sabi ni yuan sakin habang nakangiti, nginitian ko rin siya at umupo na kaming lahat at pinaikot namin ang mga upuan para makaharap sakanila, vacant naman ang first subject namin

"mukhang kulang kayo? asan ang leader?" sabi ni kenji at inayos din nila ang upuan nila, si kirby naman tahimik lang pero nakikinig din

"remember? it's her week?" sagot naman ni sav at bigla naman silang tumango lahat at naalala ang kwento namin

"pwede ba bisitahin mamaya?" tanong naman ni kirby at nag ayiiee muna kaming lahat bago sumagot

"try it kirby"  sagot ko at nag wink sakanya, mukha naman kinabahan ang gago hahaaha

"kamusta ang trabaho?" tanong naman samin ni daphne

"yung about sa foods yung hotel na ang bahala sa buffet, may food taste bukas  babalikan namin ni yuan" sabi ko sakanya at nag nod naman siya

"yung sa invitations naman, nag email na kami kay AM pero for sure next week niya pa mache-check yon, you know AM never gumalaw ng iba yon pag week niya" sabi ni sav at "yeah" lang ang sagot ni daphne

"for Team Media, ayos na ang lahat" sabi naman ni Kirby at nag thumbs up lang si daphne at nagphone, ako naman ay nagdrawing lang sa sketch pad ko at ang boys ay naglaro ng online games habang girls naman ay nag cellphone lang din. Maya maya pa dumating na ang prof namin, tuwing monday ay hanggang 12 lang kami.

pagkatapos ng subjects namin dumerecho na kaming lahat sa parking lot, kaya pala wala ang mga sasakyan nila naka big bike pala sila, nang lahat kami ay nakasakay na sa kanya kanyang sasakyan namin mabilis na nagpunta na kami sa mansyon.

*mansyon*

"good afternoon cleverz, nag lunch na ba kayo?" tanong samin ni manang lita at agad akong umiling

"tamang tama, kakaluto lang namin sumunod kayo samin at kumain na kayong lahat" sabi ni manang lita at naglakad na papunta sa kainan, sumunod na din kami pati ang wekings, umupo na kamiat naghaing na ang mga katulong dito ang mga niluto nila ay buttered shrimp, pork steak at sinigang na baboy, for desserts naman naglabas sila ng mango graham cake

"wow mukhang masasarap po ang luto niyo" sabi naman ni franz habang kumikinang ang mata 

"nako iho, nambola ka pa" sabi naman ni manang lita

"nako manang lita, wag ka magpauto jan sa tanga tangang yan" sabi naman ni savannah, nako magsisimula nanaman tong dalawang to

"tumahimik kayong dalawa, manang si AM po? naglunch na po ba?" sabi naman ni daphne

"nako iha, yun nga eh hindi pa tumatawag dito sa baba simula kaninang umaga" nag-aalalang tono naman ni manang, tumingin kaming lahat kay kirby at nakita namin ang nag aalalang mukha ni kirby

"kumain na muna tayo, mamaya aakyatin natin siya" sabi ko naman kahit sa totoo lang kinakabahan ako, si AM yon may period baka maging dragon hahaha. pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami, umupo ang iba sa sofa na nasa tapat ng kwarto ni AM, nagkatinginan kaming lima kung sinong kakatok sa kwarto ni AM agad naman naming tinulak si sav papunta sa pinto ni AM kaya wala siyang nagawa

Princetown University (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon