Chapter 27: New Year

7 2 0
                                    

Ashani's POV

December 31 na ngayon, mamaya new year na kaya nag p-prepare na sila mommy at tita claire, ang napag usapang susuotin namin ay color pink kaya papunta kami ng derosa twins sa mall dahil bibili kami ng susuotin, sa sasakyan na kami ni klia dahil tinatamad ako magdrive, si lylia wala kayong aasahan jan

tahimik kaming tatlo ng makarating dito kami sa entrance ng mall, iniwan ni klia sasakyan niya dito at binigay yung susi sa mga bahala na magpa-park at binigyan lang siya ng number para makuha mamaya, pagkapasok namin ay dumerecho kami sa botique ng tita ni savannah, dahil marami daw bagong labas don ngayon

"oww, goodmorning cleverz, sakto marami kaming bagong labas at sale ngayon, pasok kayo" sabi ni tita amy, ang tita ni sav na close din samin

"nice yon tita, marami ba kayong pink dresses? pink kasi ang theme namin mamaya sa new year eh" sabi ni lylia at nginitian naman kami ni tita at tinuro samin kung asan ang mga pink dress

"omg this is so cute, I like this one" sabi ni lylia na nakahawak sa hot pink bodycon mini dress, ang napili ko naman ay etong ruffled v-neck dress na may pagkapeach ng onti, at ang kay klia naman ay ang pink polcadats sweater dress, pumunta na kami sa cashier at babayaran na sana pero bigla nagsalita si tita amy

"nako, wag niyo ng bayaran yan christmas gift ko na sainyo yan" sabi niya

"tita nakakahiya naman po" sabi ko

"nako Ashani, para naman bago kayo sakin, take it as a gift na okay?" sabi niya

"thank you po, mauuna na po kami tita" sabi ni lylia at umalis na kami don, kumain muna kami saglit sa kenny rogers at umuwi na, dumerecho ako ng kwarto ko at natulog saglit.

Nagising na ko ng 11pm, ang haba nanaman pala ng tulog ko, chineck ko ang phone ko at laging gulat ko dahil 10 missed call at 5 messages galing kay kirby

love:

hey

love:

are you busy?

love:

eat your lunch huh

love:

otw to batangas, we're going to my grandparents house to celebrate the new year

love:

are you sleeping? sleepwell love, I love you

kaya tinawagan ko siya agad

"hey" bungad niya sakin 

"I'm sorry, kakagising ko lang" sabi ko sakanya, hindi ko man lang kasi naramdaman yung tawag niya

"that's okay love, magbihis ka na it's already 11:05 na oh, I'll call you later okay?" sabi niya, sweet

"hmm okay, bye" sabi ko

"I love you" dagdag niya 

"I love you too" sagot ko at inend na ng call, pagkatapos ay dumerecho na ko sa cr para makaligo na at makapag ayos na

11;45pm na ko natapos, tinext ko sila klia kung nasaan at nasa rooftop daw silang lahat kaya dumerecho na ko doon at nakabihis na din silang lahat

"sleepyhead forever huh" pang-aasar sakin ni lylia at tinarayan ko lang siya 

"10 minutes left, let's take a photo fam" sigaw ni klia at umayos na kami

"smileeeee" sigaw niya at nag smile kaming lahat, wacky don,wacky dito, family pic ng derosa, at syempre family pic din namin, nang matapos ay biglang tumawag sakin si kirby

"hmm?" sagot ko sakanya

"5" sigaw ni louie

"tingin ka sa langit ha, para kunyare magkasama parin tayo ngayon" sabi niya

"4" sigaw naman ni myla

"sure love" sagot ko 

"3" sigaw ni klia 

"love, walang iwanan ha" sabi naman niya sa kabilang linya

"2" sigaw ni lylia 

"I love you Kirby Jah Villanueva" sagot ko sakanya

"1, HAPPY NEW YEAAAAAAR!!" sigaw nilang lahat

"I love you too Ashani Mei Enriquez, Happy New Year, more new year to come loveee" sabi niya at nakatingin lang ako sa langit, nakangiti, lord thank you for giving this man to me, sana wala ng hadlang

"Ahaha,Happy New Year din love, sige na makipagbonding ka muna jan sa family mo" sabi ko sakanya

"yes boss, I love you" sabi niya at pinatayan ko na lang siya ng tawag, paulet ulet eh haha

"Happy New Year AM!" sigaw ng derosa twins sakin

"Happy New Year guys!" ngiting sabi ko sakanila at nag hug kaming lahat,pagkatapos ay kumain kaming lahat


Dear God, 

thank you for another year na binigay mo saming lahat, sana aya wala ng dumating na problema, Amen.


Princetown University (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon