Chapter 29: Retreat Day 1

5 2 0
                                    

Ashani's POV

today is the day of our retreat, andito na kaming lahat sa PTU at hinihintay na lang ang dalawang bus na sasakyan namin, nandito na rin pala ang wekings nakatayo sila sa likod namin habang kaming cleverz ay nakaupo sa waiting shed

"AM kindly call tita gail, asan na ba ang mga bus na sasakyan natin, naantok pa ko tas ang aga nila magpapapunta dito,di ako kumportable sa suot ko" pagrereklamo ni sav, naka p.e uniform kami kaya komportable naman kami sa suot namin, sadyang nakakaantok lang talaga dahil 5am in the morning na, kaya nag iinarte yan si sav

maya maya ay nandiyan na ang mga bus na sasakyan namin,umakyat na kami sa unang bus at sa medyo dulo kami umupo, nilagpasan naman ako ng cleverz kaya agad akong nagtaka sakanila at tumingin lang sila

"jan ka kirby, tabihan mo yan si AM may dalaw nanaman yan eh" sabi ni daphne at tinulak si kirby sa tabi ko, totoong may period ako ngayon, ayoko sana sumama pero no choice ako dahil hindi pwedeng excempted ako dahil sa anak lamang ako ng may-ari ng school.

Daphne's POV

nakita ko namang tulog na si AM sa tabi ni kirby kaya ayos na ko, first day kasi ng period niya kaya nag-aalala kaming lahat baka kasi may mapagbuntungan nanaman ng galit yan, knowing AM madaling uminit ang ulo niyan.

"babi anong iniisip mo?" tanong sakin ni jandy, nasa pinakalikod kasi kami, katabi namin si TJ at kenji na tulog din

"si AM, may period kasi siya ngayon, sana di siya atakihin ng dysmenorrhea niya" sabi ko at humiga sa balikat niya

"hindi yan, andyan naman pangpakalma niya eh, tulog ka na" sabi niya at nag nod lang ako, gaya ng sabi niya ay nakatulog nga ako, nagising lang dahil sa ingay ng adviser namin

"okay gr12 students,andito na tayo sa retreat house dito sa baguio, kaya magsigising na kayo dahil pupunta na kayo sa mga room niyo" sabi ng adviser namin kaya nagsitayuan kaming lahat, except kay AM at kirby dahil tulog pa ang dalawa, kaya agad lumapit si kenji sakanila para gisingin

pagkababa naming ng bus ay pinapila muna kaming lahat dahil sasabihin daw ang rules ng adviser namin

"okay gr12 students, andito na ang kasabay nating school at dinidiscuss narin sakanila ang rules, sa gagawing activities ay may posibilidad na ipaghalo kayong lahat para maging close kahit di naman kailangan, pero dahil isa yon sa rules ay yun ang susundin natin" sabi ni Ms.Rachelle

"ofcourse,hiwalay ang room ng girls and boys, 2nd floor ang girls and 3rd floor ang boys, bawat rooms ay may tig aanim na small beds, kayo na bahala kung saan kayo at sino ang room-mates niyo, I'm giving you 30 minutes para mag prepare, and one more thing bawal muna kayo magpalit, mag p.e uniform muna kayo" sabi niya at nag sign na ng go, syempre ang ka room mate ko ay ang cleverz, pagkadating namin sa room 202 ay binaba ng wekings ang gamit namin at umakyat na rin sila, pagkatapos ay nauna ng pumasok si AM at humiga sa napili niyang kama na malapit sa terrace neto

"tingin niyo guys? sino kaya yung kasabay nating school?" tanong agad ni sav, hindi rin naman kasi namin alam, sana lang ay matitino ang students nila

"Meadow University" sagot ni AM ng nakapikit kaya agad kaming nagtinginang lima at tumingin sakanya, dumilat naman siya at tsaka umupo sa kama niya na katabi ng kama ko

"It's okay guys, sinabi na sakin ni mommy yon after the meeting, ang sabi ko ay ayos lang at kasama ko naman kayo pati na sila kirby kaya don't worry" sabi niya at tsaka nag ponytail ng buhok, napabuntong hininga na lang kaming lima,alam kasi naming dun nag aaral sina Justin at Anne, pero dahil nga si AM yan ay okay lang daw sakanya.

Princetown University (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon