Sav's POV
Sanaol talaga may lovelife, silang lima may lovelife na ako na lang wala, pero kahit ganon masaya parin ako
"San kayo sa sembreak?" Tanong samin ni franz, oo nga pala siya lang din pala ang walang lovelife sakanilang lahat, pero never kong magiging jowa yan eww
"Bahay" bored na sagot ng derosa twins
"Province" sagot naman ni daphne, aww poor jandy, mukhang di niya makakasama si daphne sa sembreak
"Condo lang" sagot naman ni trixie
"Texas" bored na bored na sagot ni AM, napatingin naman kaming lahat sakanya lalo na si kirby, isa din pala to di makakasama ang love of his life hahahaha
"What? Eh gusto ni mommy sa texas eh" bored na sagot samin ni AM at nagtanguan lang kami
"Hoy ikaw daldalita? Di ka sasagot?" Sabi naman sakin ng gagong franz
"Sa sementeryo, sama ka?" Sabi ko sakanya at nanlaki ang mata niya, uto uto ang gago
"Bakit dadalawin mo yung puso mong patay na patay sakin?" Mayabang na sagot niya at pinakyu ko agad siya
"In your fucking dreams" mataray na sagot ko sakanya
"Sus, wag mo na itanggi savannah, alam ko naman" mayabang na sabi niya, putangina sasapakin ko to
"Wtf are you sayin' huh? Are you out of your mind? Never akong maiinlove sa gagong madaldal" sabi ko sakanya at nagtawanan naman ang cleverz at wekings
"You know what, bagay kayong dalawa parehas kayo maingay" sabi ni AM, tinarayan ko lang siya
"Yeah,kayo lang naman na dalawa ang hindi pa taken dito eh hahaha" pang aasar din ni kirby at pinakyu ko lang siya, nagtawanan naman ang iba
"Uloks dude, kung di ka pa hinamon ni Ashani sa basketball non, hindi ka magpaparamdam sakanya, TORPE!" Sabi naman ni franz at tumawa, nakitawa na rin ang iba maging si AM
"Torpe ka din kaya, remember nung nasa bahay namin kayo may gina-" tigil na sabi ni kirby dahil tinakpan ni franz ang bibig neto
Franz POV
Gagong kirby to, sasabihin pa sa harap netong daldalita na to yung reaction ko dun sa fake call nila, edi mas lalong nag assume tong si daldalita
"Mga gago, si jandy single din yan di pa umaamin kay-" naputol ang sasabihin ko ng batuhin ako ni jandy ng binder
"Bakla ka ba? Bat ka namamato?" Tanong ko sakanya, potek muntik pa masira ang napakagwapong face ko don ha
"Dude, wag mo ko dinadamay sa feelings mo kay savannah" sabi naman ni jandy at nagtawanan silang lahat maliban samin ni sav
"Eww never/never" sabay na sagot namin ni sav at tumawa nanaman silang lahat.
Never akong maiinlab sa babaeng to,never!!