Lylia's POV
"Babe tara na" sabi niya at agad ko siyang tinarayan
"Eww don't call me babe" sagot ko naman sakanya
"Girlfriend kita lylia duh" sagot naman niya sakin, tinarayan ko naman siya
"Lylia, fritz dalian niyo naman" sabi ni klia, nandito kami sa parking lot ng PTU, papasok na, oo si fritz ang jowa jowahan ko sa wekings at syempre bilang mabait na boyfriend daw ay ipagdadrive niya na lang daw ako, ewan ko ba bat nagsusunod sunuran ako dito sa gagong to, kung pano naging kami? Ganto
Flashback
Kahit ayokong magdrive papunta sa mall eh nagdrive pa din ako para makapag shopping, bwiset kasi si klia at AM ayaw ako samahan tinatamad daw sila, si savannah naman hindi nagrereply sakin, si TJ kasama si kenji nagsimba daw at si daphne naman madami daw ginagawa kaya no choice ako.Nandito na ako sa mall at kakalabas ko lang galing sa isang botique, papasok na ulet ako sa iba. Pagkatapos ko mamili ng mga dress and clothes, shorts and skirt ay naisipan kong umuwi na nasa parking lot na ko ng makita ko si fritz at may kausap na babae, hindi ko naman sinasadya marinig pinag usapan nila
"I'm sorry fritz pero di na kita mahal, you deserve better, sorry" sabi nung babae at umalis na
"Hannah please" sabi niya pero di siya narinig nung hannah, girlfriend niya ata, nilagay ko naman sa sasakyan mga pinamili ko bago ko soya puntahan nakakaawa eh
"Hoy, why are you crying?" Mataray na tanong ko sakanya
"Lylia" sabi naman niya
"Yes?" Tanong ko naman sakanya at bigla akong niyakap, wtf? Chansing ah
"Thank you" sabi niya at tinignan ko naman siyang nagtataka
"Hahaha, by the way will you be my girlfriend? For fun lang" sabi naman niya at binatukan ko naman siya
"Gago di ako nakikipaglaro" masungit na sabi ko sakanya, huh paglaruan daw ba ako
"Oh sige for dare na lang, pumunta tayo sa condo nila Ash at mag racing tayo sa swimminh pool don, pag nanalo ako girlfriend kita, pag ikaw nanalo di kita girlfriend" sabi naman niya
"Huh, ako pa hinamon mo ah, sige tara" sabi ko at sumakay na sa kotse ko, hindi ko na ipapaalam kila AM na gagamit ako ng swimming pool ng condo nila kilala naman ako dun eh, buti na lang nakabili ako ng swim suit ngayon, nagpunta na ko ng banyo at nagpalit pagkatapos ay lumabas na ko
"Ready?" Tanong niya sakin at nag nod ako
"Get set" dagdag niya pa
"Go" sigaw niya at sabay kaming nag dive dito, fuck bat nauuna siya? Hindi pwede to, kaya mas binilisan ko pa pero sa huli talo padin ako, pagkaupo namin ay nagsalita ulit siya
"So pano ba yan?" Tanong niya sakin, I sighed
"Okay fine" sagot ko sakanya at nginitian naman ako
"So anong meron? Bat andito kayo?" Biglang tanong ni AM shet nahuli kami
"Ah, nakikiswimming lang Ash" palusot ni fritz, hindi bebenta yan kay AM, tinignan ako ni AM, okay give up na.Pinaakyat niya kaming dalawa sa unit niya kung saan kami nakatira
"Magbihis muna kayo bago magpaliwanag" utos niya samin, itinuro ko naman kay fritz yung cr dito sa baba at ako sa taas, buti na lang namili din siya ng damit niya kanina, pagtapos ko magbihis ay bumaba na ako, tapos na din pala tong tukmol
"Now speak" sabi ni AM, nakakatakot talaga to kaya hindi pwedeng magsinungaling dito dahil matalino to, kilala niya ko pag nagsisinungaling o hindi, kaya pinaliwanag ko ang lahat sakanya kaya nag nod siya, simula non pagbabarahin ko siya may panlaban na siya sakin at nanalo pa din siya, pft
End of flashback
"Lylia? Fritz? Tama ba ang nakikita ko? Nakaakbay si fritz sayo? Omgg" salubong samin ni sav, oo punyeta nakaakbay tong gago sakin kaya tinarayan ko na lan siya at umupo na sa pwesto ko, pinalibutan naman nila ako kaagad, fuck
"Looks like you have to tell them na lili" sabi sakin ni AM at nag nod na lang ako, hays
Fritz POV
"Girlfriend ko si lylia" inunahan ko na si lylia magsalita, nagulat naman silang lahat except kay Ash,kirby at klia
"What?" Tanong ni savannah
"Yeah" sagot ni lylia
"Fritz, may hannah ka" bulong sakin ni franz
"Wala na yon" sagot ko sakanya
"So gagawin mong rebound si lylia?" Tanong niya at hindi naman ako nakasagot, Sa totoo lang hindi ko din alam bat hinamon ko si lylia bilang maging girlfriend ko, pero nung nakita ko siya sa parking lot nun nagpapasalamat talaga ako kasi feeling ko matutulungan niya ko maka move on kay hannah, minahal ko ng sobra yung babaeng yon, nagseryoso ako sakanya pero niloko lang din pala ako, hindi sa gagawin kong rebound si lylia pero feeling ko talaga matutulungan niya ko tsaka isa pa hindi mahirap gustuhin si lylia.