Chapter 32:Retreat Day 2

5 2 0
                                    

Ashani's POV

5am kami ginising para sa morning devotion daw, at pagkatapos ay zumba daw pft, nandito kaming lahat sa court at nasa kalagitnaan ng zumba, inexcempted nila ko dahil may period daw ako, etong si kirby naman ay nag inarteng masakit ang ulo para hindi makapagzumba. Hanggang lunch na lang kami dito at mamaya ay papasyal daw kami.

Pagkatapos ng zumba ay nag breakfast na kami, bigla naman naglapag si Justin ng fruits sa harap ko, tinignan naman siya ng masama ni kirby kaya nagtawanan sila kenji,pft

"broo HAHAHAHA" natatawang sabi pa ni fritz

"stop being jealous kirby, friends na lang kami ni Ash hahaaha" natatawang sabi ni Justin at tinarayan lang siya ni kirby.

nagsimula pa ang ibang activities at naglaro din kaming lahat, may trust and fall pa at kung ano, ano pang activities, hindi lang simpleng activities dahil may meaning ang lahat ng activities na ginagawa namin.

Pinabalik na kami sa room para makaligo na at para tuloy na ang last activities, long sleeve turtle neck na color black lang ang sinuot ko at color white na high waist jeans at tamang black sneakers lang at red bonnet cup, ang derosa twins naman ay naka black leggings, pink na hoodie kay lylia at blue kay klia, pagkatapos naka white shoes din sila, bilib din ako dito kay savannah na kahit malamig nakuha niya padin mag high waist denim shorts at v-neck longsleeve na yellow lang at may nakapatong na jacket at naka pink na rubber shoes, habang si TJ naman ay naka brown longsleeve loose shirt at naka ripped jeans at naka boots ng black, si daphne naman ay naka longsleeve button down blouse at naka high waist jeans, parehas din siya sakin na   naka black sneakers katulad sakin at naka baseball cap na denim color na may nakalagay na cleverz, pinagawa kasi namin yan nung first anniv namin magkakaibigan.

pagkalabas namin ay sinalubong kami ng wekings, pare-parehas silang naka longsleeve na plain ang kulay, iba iba nga lang ang color ng sakanila at pare-parehas din silang naka jeans maliban kay kenji na nakaripped jeans din katulad kay TJ, kaya inasar nanaman sila ni sav

"nako trixie at kenji pasimpleng couple ha!" natatawang sabi ni sav

"wow kala mo naman hindi kayo parehas naka yellow ni franz, savannah the daldalita" natatawang pang-asar din sakanya ni kenji at tinarayan niya lang ito, pagkadating namin sa court ay umupo na kami sa table ng grupo namin para hintayin ang last activity namin.

"you okay?" tanong sakin ni kirby pagkaupo namin

"uh yeah" sagot ko sakanya at nag nod lang siya, sa totoo lang hindi ako okay dahil ang sakit ng puson ko, kaso wala akong hot compress at isa pa may activity pa kami, dumating naman si Anne at Justin pati na ang ibang taga M.U dito kaya nagsalita na ang facilitator

"okay for our last activity, it can be called "The Colored Papers", may tatlong iba't ibang colored paper na ipapamigay sainyo and iisipin niyo kung kanino niyo ito ibibigay, the Red one it means you feel sorry for that person, the purple means you feel thank you and the yellow is your promise to that person, kahit sino sainyo ang pwedeng mabigyan niyan, taga Princetown ka man or taga Meadow, at pag nabigyan kayo ay pupunta kayo dito sa harap at pag nabuo na kayo ay magpi-picture kayo for remembrance"paliwanag ng facilitator at nagpaikot na ang mga colored papers

"So let's start" sabi nung facilitator at nagsitayuan na ang group 3 dahil sila ang nabunot, pagkatapos nilang lahat ay group 4 na at pagkatapos ng lahat ay group 1 and 2 na at agad tumayo si Anne

"for the red one, I'll give it to Ashani" nakangiting sabi ni Anne kaya tumayo ako at lumapit sakanya

"I'm sorry Ashani, sa lahat ng nagawa ko from the past, lahat ng bagay na yon narealize ko nung panahong umalis ka na samin at nagpakalayo dun ko narealize na mali, maling mali ako, I'm so sorry for that" mangiyak ngiyak na sabi niya at nginitian ko lang siya

Princetown University (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon