Chapter 2.

35 1 0
                                    


I am all smile, proud of what I prepared for my family. Blitz ate a lot, same with my two little boys. Nakakataba Ng puso. Ang sarap sa pakiramdam.

My mom taught me to cook and cooking is also my passion. Masaya ako dahil naluluto ko iyong request Ng Asawa at mga anak ko. Naluluto ko kung ano Ang gusto naming mag-pamilya and not depending on deliveries and take outs.

Maingay Ang bahay kapag nandito Ang dalawang makulit at Ang Mas makulit sa dalawa. Hindi ko mapigilan Ang ngumiti at palaging nagpapasalamat sa panginoon sa mga biyayang binigay sa akin.

Life is good. Wala na akong mahihiling pa. I am successful at age of 19, happily married at 27 and have my little family at 28. I feel fulfilled, accomplished and blessed.

"Oh siya, dun na kayo sa sala. Magliligpit na ako Ng pinagkainan natin. -saad ko pagkuway

"Thank you honey for the sumptuous dinner, always. -wika ni blitz

"Thank you mommy! -sabay namang saad Ng dalawang makulit

Ngumiti ako bilang pagtugon sa kanila, sinenyasan ko si blitz na dalhin na Ang mga Bata sa sala para makapanood sila Ng t.v dahil sabado naman bukas.

Katulong ko sa pagliligpit si yaya maning tubong ilocos, na Siya ding yaya Ng dalawa na nag-aasikaso din kapag nasa skwelahan. She's with us for almost 5 years, 6 months pa Lang nun Ang bunso ko.

I like her because she's hard working, dedicated at Wala Kang maririnig na reklamo galing dito. Ginagawa nito Ang trabaho kahit hindi mo na pagsabihan pa. All around. Kaya, Ang swerte ko na siya Ang katulong ko dito sa bahay at Ng mga Bata sa skwelahan.

"Manang, ako na Po Ang maghugas Ng mga pinggan. Ilabas niyo na Lang Po yung mga basura natin, sabado bukas dadaan Ang truck. -kuway wika ko

Tumalima naman agad ito, pagkuway narinig kong May nagbukas Ng ref kaya bumaling ako sa kanan kung nasaan Ang ref.

"Are you not yet full hon? -I asked when I saw blitz sneaking around

"Ice cream honey, the boys like too. -ngisi ni blitz

"Oh. Nakalimutan kong bumili kanina, isang cup na Lang meron diyan Hon. Paghatian niyo na Lang, though kulang pa yan sayo.

"Honey naman! Bibili na Lang tayo sa Sunday pagkatapos magsimba. -saad naman nito at bumalik na sa sala

I just continue washing the dish when yaya maning went in carrying huge box. Kumunot Ang noo ko Ng makita ito.

"Ma'am, May package po. NASA Labás Lang Ng gate, nakapangalan Kay sir blitz. -saad ni yaya maning Ng makita siya sabay latag dito

"Ang bigat pala ma'am. -Dagdag uli ni yaya

"Ano naman kaya Iyan? -curious kong saad

Curiosity kills the cat, mabilis kong tinapos Ang paghugas Ng pinggan at iniwan na Ang iba Pang gagawin Kay yaya maning.

"Hon! -sigaw ko habang sinisipat Ang malaking box

Nakapangalan nga kay blitz pero Wala namang pangalan Ng sender.

"What's that? -bungad ni blitz na nakatingin sa box na sinisipat ko

"I don't know. Nakita ni manang sa May gate ngayon Lang, nakapangalan sayo kaya dinala niya dito sa loob. Nag order kaba online? Ano iyan? Ba't Ang laki? -sunod sunod kong saad

"What? Wala akong inorder honey, Wala naman akong ine-expect na package. Alam mo naman na lahat Ng transactions ko naka-address sa office hindi ba? -kunot noong nito

"Baka Nakalimutan mo Lang? Try to check, Baka nagkamali Lang.

Agad namang kumilos si blitz para kunin Ang cutter.

"Baka Nag order ka hon? Hindi mo na natandaan? -kuway saad ko

It's strange.

"Not that I know honey. -wika naman ni blitz na nagbubukas na Ng box gamit Ang cutter

Tumaas Ang kilay ko Ng makitang puru dyaryo Ang Ang laman nito, all crumpled into pieces. Blitz looked at me in unbelievable look.

"Is this a prank? -he asked

"What? I don't know!

Nilabas nito Ang mga dyaryo sa loob and in the inside of it leaves me terrified.

"Bato?! -sabay naming bulalas ni blitz

"Who the hell send this? -malumay pero May Diin na saad ni blitz

Kaya pala mabigat, pwera sa dyaryo na nasa ibabaw May dalawang malaking bato pa pala sa ilalim. That explains why the box is thick.

"Baka pinaglalaruan ka Ng mga kaibigan mo hon?

"The boys will not gonna do this to me but let me call them and ask. -saad ni blitz at tumayo na

"Sino namang loko loko Ang gagawa niyan? -habol kong saad

Tinawag ko si yaya maning para tulungan ako sa pagligpit Ng kalat. I saw how curios she looks but hesitant to ask.

"Manang, next time Po kung walang name Ng sender sa package Huwag niyo na Lang pong kunin, diretso na Po sa basurahan. Ang Dami na pong mga tao na walang magawa sa buhay kundi abalahin pa Ang buhay Ng iba. Kita niyo naman po ito, hindi namin alam ni blitz kung kanino galing. Tapos puro dyaryo at bato Ang laman. -mahabang litanya ko

"Naku naman! Sino naman kaya Ang gagawa niyan sa inyo ni sir ma'am? Pasensya na po, Akala ko mga kakailanganin ni sir sa opisina kaya dinala ko na dito. Pagkalabas ko kasi kanina Ng Gate Ma'am nasa gitna talaga iyan, tapos Ang laki Ng pangalan ni sir na nakasulat. -wika naman ni yaya

"Hindi ko din Po alam Manang. Maging ako din Po pareho tayo Ng Akala. Sige Po, iwan ko na muna kayo. Samahan ko na muna yung mga Bata sa sala, nasa taas si blitz katawagan Ang mga kaibigan. Sabi ko nga baka nga naman mga kaibigan niya na mga loko-loko na pinaglalaruan siya. Alam mo naman Ang grupo ni blitz, mga palaro at mahilig mag asaran Akala mo'y mga isip Bata.

"Baka si sir gerry o di kaya si sir benj, pareho naman silang mga mahilig mang-asar Ma'am eh.

"Iyon na nga Manang. Yung mga dyaryo Po itabi niyo na Lang iyan magagamit pa natin iyan sa dirty kitchen sa labas, Pang gawa Ng apoy para sa pag-ihaw Ihaw natin.

"Sigi Po maam, ako na pong bahala dito.

Tumungo na ako sa May sala, naabutan ko Ang dalawa na nanonood pa Ng paborito nilang palabas.

"Hey boys, how are you doing? -bungad ko sa dalawa

"Mommy tomorrow is Saturday, can me and little brother play our tablet?

Ngumiti ako at tinabihan Ang dalawa sa pag-upo, they gently cuddle and waiting for my response.

"Okay then, 1 hour. Not unless, after you eat breakfast tomorrow, take a shower first then drink your vitamins. -i answered

"Yes!
"Thank you mom!

The joy of being a mother. Ang sarap.

"And no fighting. -i added

"Yes Mom! -the two answered in unison

After that, the two was talking about what they are watching. Hindi ko man maintindihan o makuha Ang sinasabi nila pero tumatango din naman ako kahit papano. They are talking too much that I don't know how to answer properly since Wala akong alam sa pinapanood nila.

Blitz on the other hand, going down the stairs na naka kunot noo. Naabutan niya Ang aking tingin na puno Ng kuryosidad.

"Hindi galing sa kanila, Wala silang alam. -he said blankly

"Then where it came from?

SomedayWhere stories live. Discover now