The 4th Chapter
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ko magalaw ano mang parte ng katawan ko, nawala ang epekto ng alak sa katawan ko bat ginagawa ni Dylan to!!Nakaramdam ako ng inis at sa wakas naitulak ko sya papalayo saken. PUTCHA ANO YON!!!
“Damn it…..Argel Im so sorry……shit” narikig ko ang lahat ng sinabi nya pag katapos nya kong halikan pero sadyang nawala ako sa sarili at bago pa nya matapos ng buo yung sinasabi nya ay bigla ko nalang syang tinalikuran at sumakay sa sasakyan.
“Ma’am san po tayo?” Tanong nung driver ng taxi pag sakay ko.
Wala sa ulirat na sinabi ko yung address ko.
Pakiramdam ko napakabagal ng byahe di mawala wala sa isip ko yung nang yare, gusto kong sumigaw sa inis bat di ko man lang agad sya tinulak nawala ako sa sarili sa sobrang pag kabigla putcha hindi yon nakakatuwa!!! Wala akong kwenta!! pano nalang pag nalaman yon ni Jessica magagalit yon malamang sa malamang!!Babaero si Dylan alam ko yon dahil minsan ng sinabi ni Jessica sakin yon at sinabihan nya din ako na iwasan kong maging isa sa mga babae ng kapatid niya just in case na manglandi to dahil magagalit talaga sya,
Nasaksihan ko din naman kung pano mag papalit palit ng babae si dylan, hindi ko alam kung pano ko to sasabihin kay Jessica o dapat ko pa ba tong nasabihin pa malaking gulo to pag nag kataon dahil I’m sure as hell na mag aaway silang mag kapatid at pwede pang malaman ng magulang nila yon pag nag kataon nakakahiya yon!! nakakagago ang ginawa ni Dylan halatang di nya yon pinagisipan!!! Napaka daming tanong na nabuo sa isip ko, bat nagawa nya yon? bat wala akong nagawa agad ? Kinginaa namannn….
“MA’AM!!” malakas na tawag saken ng driver dahilan para bumalik ako sa ulirat napatitig ako sa kanya ng di ko malaman kung anong uunahin ko yung pagiisip ba o pag kagulat ko sa tawag nya.“AYOS LANG HO BA KAYO? LALAGPAS NA HO KASI AKO SA STREET NA SINABI NYO, DITO HO BA TALAGA KAYO MA’AM?” tanong pa ng driver pag tingin ko sa daan lagpas na kami sa dorm tinuro ko sa driver yung dorm tas bumalik sya don pag tapat sa dorm binigyan ko ng 200 yung driver wala nakong plano pang kuhanin yung sukli gusto ko ng mag kulong sa kwarto ko kaya pag abot ko ng bayad binukas ko agad yung pinto ng taxi
“Sainyo na ho yung sukli” sabi ko bago ko lumabas
“Kung ano man pinag dadaanan mo iha daanan mo lang wag mo tambayan, mukang lakas ng dating sainyo ni pogi e, first kiss ma'am?swerte nyo! Wag na kayo kiligin” biglang pahabol na mabilis na sabi ni manong bago ko tuluyan isara yung pinto pag tapos non ay dali dali itong pinatakbo yung taxi nya.‘Wag ho sana kayong mabungo’ sabi ko nalang sa isip ko antanda tanda na chismoso saka HINDI KO FIRST KISS YUNG KUNG SINO MAN YON!! Dat pala kinuha ko yung sukli ko! Jaheeee!!
Kinuha ko yung susi sa bulsa ko tas binuksan ko yung gate ng dorm at pusmaok sa loob.
“Jusko kang bata ka!! Nagulat moko!” sigaw ni manang Lourdes ng muntik na kami mag bangaan dahil palabas sya ng dorm tas papasok naman ako.“Pasensya na ho” paumanhin ko, tutuloy na sana ko sa taas ng hilahin ni manang yung braso ko
“Totoma ako gusto mo sumali? Amoy alak kang inday ka!” may nakakalokong ngiti si manang Lourdes habang tinatanong nya kung gusto ko bas yang samahan uminom tinitigan ko lang sya kung nasa mood ako kay baka inasar ko pa sya “toma” nanaman ang ginamit nyang pang aya uminom imbis na “shot” dahil nakakatanda yon, di mahigpit sa dorm si manang gusto nya lang ay malinis, walang gulo at bawal mag patulog ng boyfriend sa dorm pwede mag papunta pero bawal matulog, pwede din uminom basta kasama sya cool na matanda si manang baka nga di ka manalo dito pag nag padamihan kayo ng jowa.didirestsyo n asana ko sa taas ng hawakan nya yung braso ko.

BINABASA MO ANG
Expect The Unexpected (Ongoing)
RandomArgel Lisian Kadupul isang babaeng nasa huling taon na ng pagiging dalaga nangangarap na maayos ang buhay nya't maging isang manunulat at makapasok sa The Max isang kilalang kompanya na magaling gumala ng mga palabas at libro kasama nya sa byahe ng...