one: federezo hall

84 7 5
                                    

"Sabi ko naman kasi sa inyo may multo nga daw don, ayaw niyo maniwala."

Pabalik na kami ngayon ng mga kaibigan ko sa classroom. Nagtatakbuhan kami kaya't hingal akong nagsasalita. Galing kami sa Federezo Hall, ang pinaka lumang building sa University namin.

Hindi pa ako dito nag-aaral, alam ko na ang kwento ng mga kaluluwa na gumagala raw doon. Mahilig kasi ako mag-basa sa mga spooky pages sa facebook, at isang beses habang nag-sscroll ako sa mga istorya na nakapublish roon, may nabasa akong kwento tungkol sa building na yun.

Pagka-basa ko nung sinubmit na kwento ng sender, nakita ko na tiga-rito siya sa University na pinapasukan ko ngayon.

Mula noon, palagi na akong nagbabasa ng mga confessions, mga kwento na tungkol sa school na 'to. Wala lang. Mahilig lang talaga ako, kahit sa movies paborito ko ang mga horror.

Hindi naman sa hindi ako takot sa multo, pero hindi pa kasi ako nakakakita kaya wala lang naman sa akin.

Pero ngayong gabi, hindi ko alam pero natakot ako.

************************************************

"Guys! Announcement!" Sigaw ko para kuhanin ang atensyon ng maiingay kong kaklase.

Sari-sarili ang grupo ng magkakaibigan sa classroom. Yung iba nag-kekwentuhan, yung iba tamang Mobile Legends lang, yung iba tulog, yung iba nag-ggroupfie pa.

"Nagtext si Sir, may emer--"

Hindi pa ako tapos mag-salita ay nag-hiyawan na ang ilan sa mga hinayupak kong kaklase. Excited kayo, guys?

Nagsimula ng mag-tayuan sa kani-kanilang upuan yung iba, mayroong mga naka-sukbit na ang bag sa likuran at sa balikat, mayroon ding mga nagsisilagayan na ng pulbos at nag-sspray na ng pabango.

"Uwing-uwi naman kayo mga animal sige lumabas na kayo! Wag kayo magtatanong sa GC kung ano assignment ah!" Sigaw ko. Nakaka-bwisit 'tong mga 'to akala mo mauubusan ng jeep pauwi.

"Bilisan mo na kasi, dami naman kuda ni Cata!" sigaw ni Jeff, kaklase kong papansin na di mahal ng mama niya.

Hindi ko na sila hinintay na magsi-upo ulit nang ituloy ko ang sinasabi ko kanina.

"O take 2 ha. Nagtext si Sir, may emergency daw siya hindi niya sigurado kung makaka-habol siya sa class tonight, so hindi niya na tayo paghihintayin. In short walang klase."

Tumigil ako saglit para huminga. Walang violent reaction? Aba, tingnan natin sa susunod kong sasabihin.

"Pero may iniwan si Sir na gawain. At hindi 'yon sa bahay gagawin, dito lang sa room."

At tulad ng inaasahan ko, nagsi-ngawaan na ang mga hindot na parang mga asong umuungol kapag madaling araw.

"Pucha! Pa VIP talaga si sir!" inis na sabi ni Gidya, isa sa mga kaibigan ko.

"Pwede naman ipauwi nalang yan! Bwiset!" nagmamaktol na sigaw naman ni Hannah.

"Kanino ipapasa yung gagawin, Cat?" Mahinhin na tanong ni Soph.

Si Soph lang naman yung kaklase mong linta at pabida. Hobby niya ang sumipsip sa lahat ng prof. Sinusundo sila sa faculty kapag time na nila, at tinutulungan sila sa mga bitbit nila kapag pabalik na. Siya rin yung kaklase mong pinapa-alala sa mga teachers na may quiz o assignment kahit nakalimutan na. Siya ang pambansang pet.

Fuck, Marry, or Kill?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon