seven: her

12 0 0
                                    


Alam mo talagang Midterm Exams week na kapag mukha nang library ang sinasakyan mong jeep. Lahat ng studyante na sakay ay tutok sa kanya kanyang notes, yung iba nagmememorize. Yung iba naka-index cards pa. Shallah! At yung ibang libro ay may mga highlights pa. Hell week it is!

Tuwing exams week ay half day lang palagi ang pasok. Minsan 1/4 day lang kapag isa lang ang subject na kailangan i-take. More time to gala with friends after. Anong review review? Stock knowledge lang 'to no! Char.

Since isang subject lang ang naka schedule for today ay maaga ang uwian namin. Nang makatapos na ako sa exam at nakapag ayos ng sarili ay lumabas ako, I'll just wait for these animals outside.

"Cat." Palabas palang ako ng pinto when I heard Chyle call me. Lumingon naman ako agad, di man lang ako naghintay ng 3 seconds. Kainis.

Tiningnan ko siya at hinihintay kung ano man ang sasabihin niya, he bit his lip and scratched his hair lightly. "Sa labas nalang." He whispered nang makalapit siya sakin, his head slightly pointing at our classmates na nakatingin sa amin. Mga tsismosong 'to!

"Cat pangalan niyo?" I joked, and they laughed, at least those na nakitingin.

This is the last week of this sem before our short vacation. Tapos 3rd year na kami next school year. Hay, how fast the time flies!

Unlike what I have watched sa movies na nagkamabutihan ang bida sa crush nila after some time, sa buhay ko, walang nangyari.

Katabi ko halos buong sem si Chyle sa ilangs subject namin pero hindi kami nagkamabutihan, I never do the first move sa kahit na sino. So since walang naging landian this sem, you know what that means. He didn't make any move either.

Pero nakuntento nalang ako because I actually got to know a lot about him. Not as a friend but as a classmate. He's nice and clicks with everyone around him. He's smart and funny. He's also not trying hard magpa mysterious, unlike guys that most girls find attractive. He's not the type na tahimik sa isang sulok with a badboy look. He doesn't look masungit, just shy. But he talks to people and doesn't act cold towards anybody lalo na girls. But he's not flirty either. He's just- exactly my type.

"Can I ask for a favor?" Sa tuwing may sasabihin siya sa akin puro pabor nalang hinihingi ah. Oo ko naman ang hingin mo next time, bro.

I sighed. "Na naman?" Wow kala mo naman talagang di ko siya pagbibigyan.

He chuckled, and the gates of heaven opened again para bang bumubukas ang gate at lumalabas si Lord to tell me Anak pagbigyan mo na. "Ano ba yun?" Kunwari napilit lang.

"I have a party to attend to later tonight, pero hindi ako papayagan ng kapatid ko so I told her it was a class semester ender party..." I don't know if may kasunod pa siyang sasabihin or he's waiting for me to react.

"How old are you?" Pinipigilan ko ang sariling matawa. Bakit hindi siya papayagan ng kapatid niya? What is he? A teenager?

"Twenty."

"I'm 19. Ano tingin mo, mas may tiwala siya sakin?"

"This is the time to use your President of the Class card, Cat. Sige na, please." Those eyes, hindi pa nga siya nagpapa awa or nagpapa cute pero naka oo na ako sa isip ko.

"Ano naman favor magagawa ko, ipagpaalam ka? Ayoko nga!" His sister looks and sounds intimidating as hell! She's scary.

"Ihahatid niya daw ako later, it's a club party, I told her the class party would be in a private event's venue." He's biting his lips again.

"Chyle! I can't organize a party for you nang ganito ka short notice. Ano ako genie? Luh?" Pag iling ko. Nawawala ba siya sa wisyo?

"Uhm, no. Walang ganoon. I just told her I'll pick you up dahil sabay tayong pupunta dun sa event, so she would believe me." He smiled na para bang nagpapacute, or nagpapa awa.

Fuck, Marry, or Kill?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon