three: washroom ghosts

47 3 7
                                    

It has been a week since that day when Chyle shifted.

Everything is normal pa rin naman sa klase, ako lang ang hindi. Naging less masungit na ako sa mga hayop sa zoo a.k.a BSTM 2E.

Syempre, baka matakot crush ko sa akin kaya kalmado lang ako palagi. Always in the good mood ako pagpasok, hanggang uwian.

One week na rin ang nakalipas noong hingin ni Chyle ang mobile number ko, pero ngayon lang siya nagtext sa akin.

Pinamimigay ng prof namin ngayon ang mga test papers mula sa long test noong nakaraang Friday.

Kinakabahan ako dahil hindi ako masyadong nakapagreview dahil surprise quiz 'yun. Although nagbabasa naman ako palagi sa bahay, hindi ko masyado inalala mga nabasa ko kasi hindi ko naman alam na magkakaquiz pala.

Well, surprise quiz nga e!

Mas kinabahan pa ako dahil habang pinamimigay ang mga papel ay bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang disappointment pagkakita ng mga scores nila.

Maliban syempre kay Sophia na cinongratulate pa ni Ma'am dahil sa mataas niyang score. Okay, sana all. Sincere na 'to. Sana all mataas nakuhang score.

"Vargas." Ayan na. Nanghihina ang tuhod ko, kahit long test lang naman 'to.

Importante pa rin sa akin na makakuha palagi ng mataas na grades dahil dean's lister ako simula noong first year.

Kailangan 2 consecutive sems na wala akong grade na mas mababa sa 2.0 kung hindi ay ligwak!

Napapikit ako at napathank you nalang sa itaas pagbuklat ko ng test paper.

44/50. Pwede na! 6 mistakes won't hurt naman siguro, right? Matapos tingnan kung anong mga items at nasagutan ko ng mali ay itinago ko na sa bag ko ang test paper.

"Villavicencio." Sumunod naman na pagtawag ni Ma'am.

"Ma'am absent!" ako na ang sumagot para sa kaniya.

First period pa lang 'to kaya hindi siguro napansin ng mga kaklase ko kaya't tumingin sila sa akin pagka-announce ko na absent si Chyle.

"Wow! May pa-update nang nangyayari!" Tumawa si Raf na nasa likuran ko.

"Sana all sinasabihan kapag mawawala!" Natawa kami sa hugot ni Jill.

Sa sobrang solid ng section namin, we know what's happening to each other's lives. Kaya naman hindi lingid sa kaalaman nila na na-ghost itong kaibigan ko.

"Speed bes! Paturo!" pangangantyaw pa ni Kevin. Hindi ko na sila pinansin nang si Ma'am na ang magsalita.

"Excuse letter?" tinaasan ako ng isang kilay ni Ma'am, nakalahad ang kamay at hinihintay akong tumayo at may i-abot. Kaso wala.

"Ma'am wala pong iniwan, nagtext lang po siya kagabi eh." pagpapaliwanag ko.

"Edi ikaw na may ka- late night talk!" Pang aasar ni Blake, kaya I mouthed a 'gago' sa kaniya.

"According to him Ma'am, may aayusin daw po siya today sa CAL, hindi niya po ini-specify kung ano, I'll tell him na lang po to provide an excuse letter tomorrow." Dire-diretsong sabi ko para hindi na makasabat si Ma'am at siguradong hahaba na naman ang usapan.

"Sure, thanks. Sino bang friend ni Chyle dito? Give his paper to him na lang." Hawak ni Ma'am ang test paper at ipina-abot sa nakaupo sa harap upang ipasa kung sino ang magtataas ng kamay.

Nagtaas naman ng kamay si Jeff, "Si Cat po Ma'am!"

"Excuse me?" Nakakarami na 'tong si Jeff malapit ko nang isipin na pati papa niya hindi siya mahal.

Fuck, Marry, or Kill?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon