two: let your hair down

57 6 4
                                    

Parang nag slow motion lahat sa paligid ko pagpasok ni Chyle, my eyes were glued only to his face. My lips slightly parted dahil sa gulat.

Ang gwapo, shet.

Tumigil yata ang mundo, o ako lang? Dahil napapikit ako nang biglang may yellow paper na humampas sa mukha ko,

"Ay! Sorry. Napalakas." dali dali kong inilipat ang tingin ko kay Hannah.

"Aray ko, ha." pabebeng sagot ko na nagpatawa naman sa mga kaklase ko na nakarinig.

Hindi naman ganoon usually ka low pitch akong magsalita, pero nasa harap ko crush ko kaya syempre talagang liliit boses ko 'no!

"Hi ulit." nahihiyang sabi ni Chyle, napakamot pa sa batok niya.

Ano ba kasing ginagawa nito dito? Dapat nasa langit siya ah? Pero bakit siya ngayon nasa harap ko?

"Ay kuya. Wrong room po ata kayo?" pagtataka ko. Kuya daw ba eh, para 1 year lang naman ang tanda niya sakin, kaya pwede namang baby. Charot! Hindi ko sure, pero higher year level kasi siya kaysa sakin.

"Ay hindi ba 'to BSTM 2E?" malumanay na tanong niya.

Langhiyang boses 'yan! Ang sarap marinig paggising mo sa umaga.

"2E nga pre, bakit? May ligaw ka ba dito?" Pang-aasar ni Alex.

Nakatingin na ngayon sa amin lahat ng mga kaklase ko. Lalo na yung mga babae. Mga haliparot! Pero hindi ko naman sila masisisi 'no! Agaw pansin naman talaga sa kagwapuhan si Chyle! Pero wag nila masyado tingnan, alam naman nilang akin na 'to eh.

"Ah 'di pre. Tama lang pala. Ako nga pala si Chyle, shifter." gasps that came from different directions filled the classroom. Shifter?!

"Uhm, ikaw ba yung president?" binalik niya ang tuon niya sa akin.

Hindi ako agad nakapag react dahil sa gulat. Shifter?! Anong ibig sabihin nun? Bakit siya nagshift dito?! Sinusundan niya ba ako? Char.

"Oo yan president namin! Sobrang bait n'yan!" sigaw ni Gidya mula sa upuan niya.

"Maganda pa!" dagdag ni Raf.

"Matalino!"

"Single din yan!" Kevin said, which caused me to stop them na. Nakakahiya na.

Walanghiya 'tong mga kaklase ko, napakasupportive sa kalandian ko.

"2E!" saway ko sakanila. Nag ayie naman ang mga hayop.

"2E." pag-ulit ko. Parang nananaway lang ng mga elementary students, pero effective naman.

"Ah yes, ako president. Ano pong surname mo?" tanong ko, since alphabetical ang arrangement, kailangan maiayos ko na ang seat plan bago dumating si Ma'am.

"Villavicencio."

Pucha! Lord naman, bakit? Bakit letter V rin? Eh ako lang ang bukod tanging letter V sa klase, at Z na yung kasunod!

Kahit long time crush ko siya, hindi ko pa rin alam ang whole name niya. Bukod tanging Chyle lang ang alam ko.

When I first saw him, 2nd year na siya that time at ako naman incoming freshman, enrollment nung time na 'yon. Nakapila ako sa cashier tapos dumaan sila ng tropa niya.

Nagstand out agad siya para sa akin, dahil mukha siyang tahimik. Yun pa naman ang mga tipo ko. Ang gwapo niya kasi, matangos ang ilong. Maayos ang buhok. Matangkad pa.

Hindi ko agad nalaman ang name niya that time though. Nalaman ko lang dahil kay Jill.

First year first sem noon nang maka-close ko ang mga kaibigan ko. Tapos palagi ko silang niyayayang dumaan sa may lovers' lane, yung sikat na tambayan at daanan papunta sa main gate. Doon ko kasi madalas si Chyle atsaka yung mga kaibigan niya, sa tindahan ng siomai doon.

Fuck, Marry, or Kill?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon