Maaga akong nagising dahil sa biglang pagpatay ng kuryente sa aming lugar.
Tiningnan ko ang orasan at namataan na alas singko pa lang ng umaga.Di pa man sumisikat ang araw ay ramdam ko na ang init. Tulog pa sila mama kaya napag pasyahan ko na mag init muna ng tubig at mag saing sa rice cooker. Alas singko y media ng natapos ako at napag pasyahang mag-jogging sa labas gayong maaga pa.
Nagbihis ako ng akmang damit. Sports bra at leggings saka ako nag pusod ng isa. Sinuot ko na din ang aking running shoes nang sa ganon ay makapag jogging ako ng maayos.
Paglabas ko ng aming tahanan ay naglakad lakad ako sa gawing bukid. Sementado naman na ang daanan kung kaya't komportable na din ako sa aking pag lalakad.
Nakalulungkot mang isipin ay darating din ang araw na ang mga ektaryang palayang ito ay tatayuan na din ng mga gusali at mga bahay. Tulad nalang ng subdibisyon sa kabilang ektarya ng palayang ito. Tanaw na tanaw ko mula rito ang magagandang bahay na bagong tayo lang noong ikalawang buwan. Di pa din tapos ang pinaka pader o barrier nito na nag sisilbing hati sa palayan at subdibisyon.
Sabi ng iba ay maganda daw ang pagkakagawa ng disenyo at materyales na ginamit dito. Kung kayat kahit katatayo pa lang ay madami na ang naninirahan.Sinuot ko ang aking earphones at nagsimula ng mag jogging.
Natatandaan ko nung bata ako ay kasama ko pa sila kuya sa pag punta dito sa bukid at sa dulo nito ay mayroong isang ilog. Umakyat ang kuryusidad ko sa aking isipan at nagsimulang landasin ang daan patungo rito.
Hinahabol ko ang hininga ko sa paktakbo kung kaya't napagpasyahan ko na timigil muna. Tanaw ko na mula rito ang ilog na iyon kung kaya't bimalik ang pamnanabik sa aking puso na makita ito. Ibang iba talaga ang pakiramdam ng probinsya. Sariwa ang hangin at di mo dama ang polusyon dito. Minsan nga naisip ko nalang na dito nalang magtrabaho at iwanan yung work ko sa Manila.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang mapansin ko ang isang pamilya.
Nagtatawanan ang mga ito na parang walang problema. Hawak ng lalaki ang isang kamay ng bata habang ang isa naman ay hawak ng babae.
Habang mas lumalapit ako sa kanila, unti unti kong nakikilala kung sino iyon.
Matangkad at may makisig na papangatawan. Naka shots lang sya na black at white shirt na hapit sa katawan kaya mahahalata mong fit yung pangangatawan niya.
Napatingin sa akin ang babae at lalaki. Nginitian ako ng mga ito.
Sa sandaling magtama ang aming mga mga bumalik ang aking mga ala ala nang nakalipas na dekada
Tumakbo palayo ang bata at sinundan ito ng kanyang ina kung kaya't kaming dalawa nalang ni Ron ang naiwan sa ilog.
"Kumusta ka na?" Panimula kong tanong sa kanya na hindi makatingin sa mga mata niya.
"Masaya..." Nanatili ang katahimikan sa aming dalawa at tanging huni lamang ng mga ibon at agos ng tubig ang maririnig.
"Sorry kung nasira ko yung pangako ko sa iyo na ikaw lang ang dadalin ko dito.." nanatili lanag akong nakikinig.
"Best friends tayo e, pero natakot ako dati na baka ako lang yung nahulog. Natakot ako na baka pag nalaman mo lumayo ka kaya hanggat kaya ko pa ako na ang lumayo." Nakatingin sya sa akin subalit ang mga mata ko ay nanatiling nakatanaw sa ilog.
Natatakot akong sabihin sa kanya na sa tinagal tagal ng panahon ay nananatili pa din ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas pinili ko nalang na magsawalang kibo
Walang akong lakas ng loob.Pero ngayon,
Ngayong nagkausap na kami,
Gusto ko nang palayain ang sarili ko."Ron.. masaya ako na naka ahon ka na sa pagkakahulog. At sana paglipas ng panahon kayanin ko na din. Masyado atang malalim yung pagkahulog ko."
Nilingon ko siya at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata ng mamataan niya na nang gigilid na ang aking mga luha. Niyakap ako nito at inalo.
"Im telling you this not because i want you back. Gusto ko lang palayain ang sarili ko Ron."
Nginitian lang ako nito at nag lakad patungo sa isang puno ng mangga. Nakita ko ang heart shape na pagkakaukit dito at nakasulat ang pangalan namin at napaloob sa heart ay ang word na 'best friends'
"Siguro nga sina Kelzie at Ron ay best of friends lang." Tulad ng inukit ni ron dati dito.
-----
A.N.
I..
I had a friend.
I liked him before pero i didnt even had a chance to tell him kasi natatakot ako.
Pero we're in good terms naman :))Happy Dreaming, Honey!
![](https://img.wattpad.com/cover/226355100-288-k852335.jpg)
BINABASA MO ANG
What If It's Real?
Non-FictionShort Story. Mabilis lang. Kasisimula pa lang, natapos na agad. Sa sobrang ikli di mo namalayan yung sandali, yoon na yung huli.