Malakas ang buhos ng ulan habang naglalakad kami patungo sa bus stop ng aking kaibigan na si Jane.
"Kumusta na ang inaanak ko? Napaka kupal nga naman ng asawa mo." Wika ni jane sa akin na may halong panunumbat dahil sa nakita niya ito noong isang araw na may kasamang ibang babae.
"Jane hayaan mo na. Tatanggapin ko kung ano yung desisyon nya. Ayokong mag stay sya sakin dahil lang naaawa sya samin mag ina."
"Ewan ko ba sayo. Una pa lang sinabihan na kita e." Ramdam ko nag inis sa akin ni jane dahil sa kanyang pananalita
May humintong kotse sa harap namin at sumakay na dito si Jane. Nang magbaba ito ng bintana ay namataan ko na si Julius ito, yung boyfriend nyang pulis.
'Pulis nya'
May naalala tuloy ako bigla.
Nagpaalam na sa akin ang dalawa at naglakad na ako patungo sa bust station.
Inalok naman nila akong isabay ngunit ayoko ng maka abala pa kung kaya't tumanggi ako sa mga ito.
Narating ko na ang istasyon ngunit mas lumakas lang ang buhos ng ulan kung kayat sa palagay ko ay mas mag tatagal pa ang dating bus.
Nursing student ako. Malas nga at may pang 6-7 pa akong klase. Yon lang aksi available na time
Nahuli lang ako ng isang taon dahil sa panganganak kay Paula pero di ko naman pinagsisisihan ang pagkakaroon ng isang anak. Sa katunayan itinuring ko pa itong biyaya sa akin ng Panginoon.
Pinak ekis ko ang aking braso ng sumimoy ang malamig na hangin. Pasado alas otso na din ng gabi kung kayat madilim na ang paligid.
Lumingon ako sa aking kanan at aking namataan na may lalaking humahangos dahil sa lakas ng ulan.
Sa palagay ko ay mag aabang din ito ng bus pauwi.
Matangkad ito na na sa 5"11 ang kanyang height,maputi ang kanyang kutis att may malapad na pangangatawan kaya mas lalong bumagay sa kanya ang kanyang uniporme na sa tingin ko ay pang Pulis.
Tungkos niya ang isang maliit na bag na sa palagay ko ay naglalaman lamang ng isang panulat at kwaderno.
Habang papalapit ng papalapit ang lalaki ay aking namataan kung sino ito. Bumalik ang mga ala ala ng sakit ng kahapon. Mga ala ala na pinilit kong ibaon sa limot dahil sa kahihiyan.
"Kumusta ka na? Mukhang nag aaral ka na talaga ng mabuti ngayon ah.?" Panimula kong salita sa kanya na mayroon pang kaunting pagkailang.
"Kailangan e. Para sa pamilya hahaha. Alam mo naman ang panganay, tatlo pa yung kapatid ko na pag aaralin ko.. Ikaw,.. kumusta na kayo ni Jandrick?" Napatingin ako sa kanyang mata at sinuri kung may halo pa bang sakit at pait sa kanyang pananalita.
"Wala na." Maikli kong sagot at napayuko nalang. Nagsisisi ako na naging desisypn ko nang panahong iyon. Nilukob nanaman ako ng kahihiyan dahim dito.
"Pano ang bata?" Sagot nito sa akin.
"Itataguyod ko si Paula ng sarili ko. Sorry nga pala sa mga nagawa ko dati.. di ako nakapag isip ng tama, Pero alam ng Panginoon kung gaano ako nagsisi noon dahil sa ginawa ko sayo"
"Wala na yon sa akin.. matagal na yung nangyari. Tinanggap ko naman na sa sarili ko na kahit ako yung nauna pwede pa din magbago yung nararamdaman ng isang tao. Syempre masakit sakin kasi tropa ko yon e, tayo non tapos sasabihin mo sakin nabuntis ka ni Jandeick. Masakin Ferhie Ginago nyo ako parehas e. Pero napatawad ko naman na kayo. Masaya na ako ngayon. At sana ikaw din. Yon lang naman hiling ko e. Maging masaya ka. " wika nito ng diretso sa akin.
Siguro nga at paghihilumin na din ng panahon ang mga pangyayari. Minahal ko si Edward. I really did. Ang tanga ko lang kasi nagpadala ako sa tawag ng laman kay Jandrick. Di ko naman alam na di niya ako paninindigan.
"Salamat sa lahat Edward" ko.
"Thank you din, Ferhie" ko.
"And Sorry Edward for everything that i've done.." Matagal na din noong huli ko siyang tinawag ng pangalan nya.
At sobrang namiss ko yon.
Sobrang namiss ko sya.
Namimiss ko na yung Edward ko. Akin ka dati e pero niloko kita.
Akin ka dati e pero ginago kita.
Siguro kung tayo pa ngayon edi saka may matatawag pa din ako na 'Pulis ko'
-----------a/n----------
Eto yung closure part nung love story nila kuya saka yung first girlfriend nya. Sobrang iniyakan ni kuya yon. Sinusuntok nya yung pader sa bahay kasi di nya talaga matanggap. Pero ngayon masaya naman na sya sa gf nya. :))
Happy Dreaming mga Honey ko!
![](https://img.wattpad.com/cover/226355100-288-k852335.jpg)
BINABASA MO ANG
What If It's Real?
Non-FictionShort Story. Mabilis lang. Kasisimula pa lang, natapos na agad. Sa sobrang ikli di mo namalayan yung sandali, yoon na yung huli.