8

56 1 1
                                    

Sobrang tagal ko talaga pinag isipan 'to. Medyo nag aalangan talaga ko kung dapat ko pa bang ikwento o itago nalang sa sarili ko pero anyways hopefully magustuhan niyo.  Happy Dreaming, Honey!

-----

"Hoy lilian, nakita niyo na ba yung pari natin?" Tanong ng kapitbahay naminn na si Maura kay mama.  Si Lola Maura, inteimitida yan pero kahit ganyan yan mabait na kapit bahay yan. Lagi kasi nila kami binibigyan ng ulam. Actually yung anak niyang si Joy. Culinary kase yon kaya masarap magluto.

"Ay hindi pa nga ho, e nag aaya nga itong anak ko bukas, balita ko ho ay kapatid yon ni Fr. Marlou  sa Sta. Elena." Sagot ni mama habang nag didiliog ng halaman sa harap ng bahay namin habang si Aling Laura naman ay nakatambay na sa tindahan nila kahit ka aga aga.

"Ay oo. Naging pari din yung Marlou na yon dito. Naririnig ko nga.  Masungit ata yon kaya pinaalis sa parokya" bida ni Aling Maura kay mame.

"Naku, e sana nga ho magaling maghomiliya yon. Nakaka antok ho kasi minsan lalo na pag mahaba"  dagdag pa ni aling Maura at tinanong na ang bibilin ko sabay pasok sa tindahan nito.

Kagigising ko lang kasi at pupungas pungas akong nagtungo dito sa tindahan. Di na ako nag abala pa na mag bra at tinakpan ko nalang ito ng buhok ko. Kapag umaga kasi ay laging may dating na bagong tinapay dito si Kuyang Jojo kaya nakasanayan na namin na yoon ang bilin tuwing umaga. Malayo kasi ang panaderya dito,  pupunta ka pa sa kanto.

Maaga ako nahiga sa aking kama.  Iniisip ko kasi, pano kaya kung masungit nga yung pari na napunta sa amin?  Andami pa namang bagong recruit na choir ngayon na puro bata. Minsan makikita mo nagbubungisngisan, nagkakaladyaan sa harap jusko. Ewan ko ba kay Lola Wite. Sa bawat magsisimba kinukuha niya yung mga bata at isinasama sa choir kaya ayon madami na yung mga bata naming kasama. Kahit ala na sa tono sige lang,  nakakatuwa lang kasi kahit bata pa lang namulat na sa siimbahan.

Ipagpapanalangin ko nalang din siguro na sana mabait yung pari na mapunta sa amin. Sana mas madami pa siyang maibahagi sa amin na salita ng Diyos. Hindi ko alam kung saan natapos ang pag mumuni muni ko dahil tuluyan na akong dinalaw ng antok.

Maaga ako ginising sa tapik ni mama sa akin at kasunod pa nito ay tilaok ng panabong  ni Papa.  Ewan ko ba  kung bakit di pa din binebenta yung mga manok na yon e di naman ipinang lalaban. Kinukundisyon pa daw.  Nagpost pa nga ako minsan noon sa buy and sell tapos 500 lang nilagay ko na price. Hindi ko alam kung bakit andaming mamanabong na nag comment. Nagtatanong ng location  namin kukunin na daw yung manok. Nagalit non si Papa sakin kasi  2k pala halaga ng isang panabong hehe.

Habang naliligo si mama ay nag simula ako maghalughog  sa Cabinet ko.  Bumungad sa akin ang mga tee-shirt ko at mga pantalon.  Minsan talaga napapaisip ako kung babae ba talaga ko kasi di ako mahilig magsusuot ng mga dress na yan.  Magkokolehiyo na ako pero di pa din ako napipilit nila mama na magsuot ng mga ganon. Ang kati kasi sa katawan tapos kasikip pa.

Nakarating ako sa kalahati ng aking mga shirts at hinablot ang nasa una. Ito yung unang t shirt ko as a youth leader. Napangiti ako ng tipid  at isinuot na ito.  Kulay Royal Blue ito na may lining sa puti sa kohelyo at magkabilang ladlaran ng manggas at may nakaprint na logo ng Parokya. Habang sa likod naman ay nakaprint ay "youth leader". I grabbed my denim pants pati na din ang Vans ko na kulay mint green. Sampung minuto lang ang itinagal ko sa paliligo at nagbihis na din. Hinayaan ko nalang nakalugay ang buhok ko dahil basa pa ito.  Pinatuyo ko lang sagling ang moisturizer sa mukha ko at nag apply ng kaunting lip gloss. Nagbabalat kasi minsan yung labi ko pagdry na  dry kaya kahit parang may langis na malagkit yung labi ko ay pinagt-tyagaan ko na.

Nagulat pa ako ng makita ko si Mama na naka blouse at palda na puti. Yoon nga pala yung uniform nila ng mga lectors at commentators.

Sumakay na kami sa  kotse at dumiretso na sa simbahan. Pagbaba namin ay madaming tao na ang dumadating kahit pasikat pa lang ang araw.  Nacucurious din siguro sila sa bagong pari. Nagkalat din ang mga bata na  nag lalaro sa garden area. Nauna pa magising tong mga bata na ito sa akin, grabe, nahiya naman yung pagiging tamad ko gumising ng maaga. Nang matanaw ako ni Dea ay itinuro na ako nito ay kumaway sa akin, agad na sila pumasok sa loob ng mapansin na busina mula sa pulang Inova na bumusina at dahan dahang pumasok sa entrada ng simbahan.

What If It's Real?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon