CHAPTER 1

36 11 0
                                    

Sejun's Point of View

"Ahh, nakakapagoood" walang kagatol gatol na saad ni Ken habang humihiga sa mahabang sofa.

'Ang sapatos niya hindi niya pa hinuhubad!. Madudumihan nanaman ang sofa. Tsk.'

"Ken, ang sapatos mo." Hinuhubad ko ang jacket na suot ko ng sawayin ko siya. Alam kong narinig niya 'yun at alam na niya ang ibig sabihin nun. At hindi ako nagkamali. Hinubad niya agad ang sapatos niya at ibinato 'yun sa kung saan.

Katatapos lang ng performance namin kanina at hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala dahil sa layo na ng narating namin. Kung dati ay sa buong pilipinas lang pero ngayon hindi na. Kung dati ay masikip na ang schedule namin ngayon ay mas sumikip at nagsusumiksik pa.

"Boys" napatingin kaming lahat sa pintuan ng bumukas iyon. Bumungad dun si Cherie. Ang isa sa mga staffs.

Ang nakaupong sina Justin at Stell sa kabilang sofa ay napaharap din samantalang si Josh ay napamulat ang mata, pustahan inaantok nanaman 'yan. Nang makasiguradong lahat naman ay makikinig na ay bumaling na ako kay Ate Cherie.

Pero hindi parin siya nagsalita, kaya naman inilibot ko ulit ang tingin sa mga kasamahan at bahagyang kumunot ang noo ko ng makitang si Ken ay hindi manlang umayos at nanatiling nakahiga.

"Ken, may ia-announce ata... Tumayo ka diyan" isa sa mga tinuro sa amin noong trainee pa kami ay ang magbigay respeto at gumalang sa mga taong nasa paligid namin.

"Nakikinig ako" kaswal niyang sagot.

"Pero tumayo ka parin" saad ko.

"Tsk" kunot noo at inis siyang bumangon habang nakangusong bumaling din kay ate Cherie.

"Hmm... Tomorrow afternoon may fan sign event kayo sa Moa Arena" nakangiting saad niya.

Teka?. M-Moa Arena?!. Anlaking arena nun!.

"W-What?! 'Yun palang ata ang first arena na pagdadausan ng fan signing event namin ah?" Nanglalaking mata na tanong ni Stell. Si Justin ay hindi na makapagsalita.

"Bakit ikaw ang nag announce samin ate?" Tanong ni Josh. Usually kasi ang managers and ang boss ang nag a-announce nun. Kaya nagtataka kaming lahat ngayon kung bakit siya ang nandito ngayon.

"Marami pa silang ginagawa, andaming nagpapareserve ng appointments sa inyo at isa pa... Marami ang nagpapadala ng invitations para maging guests kayo sa show nila" nakangiti si Ate Cherie. Napangiti kami.

"Teka, baka jinojoke time niyo lang kami ate Che ah!" Natatawa tawa pang saad ni Stell. Natawa naman si ate Che at nagtatakang tumingin kay Stell.

"What? About sa Moa Arena?. Akala ko ba aware na kayo kung gaano na kayo ka bigtime ngayon? Tapos magugulat pa kayo." Iiling iling pang tugon ni ate Che sa amin.

"Anong oras daw 'te Che?" Tanong ni Ken na ngayon lang ata nagsalita.

"2 pm" nakangiting saad ni 'te Che.

"Kung wala na kayong tanong, aalis na ako" tumango lang ako. Paniguradong siya lang ang nag announce sa 'min nito ngayon pero mamaya ay kakausapin na kami ng manager namin.

"Makikita ko nanaman ang mga A'tin" nakangiting saad ni Justin. Sa aming lahat, siya ang mas madalas na makipag usap sa A'tin gamit ang social media.

A'tin ang tawag namin sa mga humahanga sa amin. Natutuwa ako dahil na a-appreciate nila kami. Nakakataba naman ng puso dahil nagiging inspirasyon nila kami at kami... Bilang idolo nila ay nagiging inspirasyon din namin sila para mas lalong magpursigi para mapasaya namin sila.

"Sejun, 'yung bagong kanta nga pala. Nagawa mo na?" Tanong ni Ken na ngayo'y nakasandal na sa sofa.

"Hindi pa, pero malapit na" saad ko habang pinupulot sa lapag ang mga nagkalat na mga plastics ng pinagkainan namin kanina.

"Antagal na nun ah?" Hindi ko alam pero, parang may pagkainis ang tono niya.

"Busy tayo, i a-arange nalang naman 'yun eh" kunot noong saad ko, at itinapon ang last na plastic sa trash bin sa gilid.

Pinagpagan ko ang mga kamay ko at kumuha ng alcohol para malinis ang kamay ko kahit papaano.

"Eh anong petsa mo balak tapusin 'yon?" Naiinis na ako pero kailangan kong ikalma ang nararamdaman ko.

"Bakit hindi mo ko tulungan? Puro ka demand" kunot noong saad ko. Hindi 'to ang unang beses na mangyari 'to, kadalasan tuwing sasabihin ko 'yan ay mananahimik na siya. Pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo galing sa pagkakaupo niya.

"Ano?! Nagmamayabang ka ba? Porket composer ka? Huh!" Sigaw niya. Gusto kong matawa dahil nagulat si Josh nang sumigaw si Ken, kaya napatayo rin siya sa upuan niya. Pero hindi 'yun ang oras para tumawa. Seryoso akong tumingin kay Ken na kunot na kunot ang noo habang nakatitig din sa akin.

"Hindi ako nagyayabang ok?" Gusto kong batukan ang sarili, ang lakas kong sumagot at mainis kanina pero ako rin pala ang titigil.

"Eh sa nayayabangan ako eh! Anong gusto mong palabasin? Ikaw lang ang naghihirap?! Naghihirap din ako!" Sigaw nanaman niya. Napatingin nanaman ako sa iba. Gulat ang makikita sa mga mukha nina Stell at Josh. Hindi ko sila masisisi, ngayon lang ginawa 'to ni Ken, ang sigawan ako, at ngayon niya lang pinakita ang ugali niyang 'to. Kakaiba.

"Tumigil ka na" usal ni Stell sabay lapit kay Ken at binigyan ng bottled water, kaya napatingin ako.

Napatingin naman ako kay Justin, tulala siyang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang i approach o ano. Ngayon niya lang kasi nakitang ganito ang ugali ni Ken, siya ang bunso at ayoko siyang matakot.

GO UP : GO BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon