Sejun's Point of View
Matapos ang nangyari ay nagkaayos din naman kami ni Ken, wala namang dapat isaayos dahil wala namang gulo kung tutuusin.
Kasulukuyang katatapos lang ng performance namin para sa opening at para tuluyan ng maumpisahan ang Fan signing event.
Hindi naman nagtagal at pinapila narin ang karamihan sa isang linya at paisa isa silang lalapit papunta sa amin.
"Hi kuya Sejun!" Agad na bati sa akin ng isang babae. Nakangiti akong tumingin sa kanya.
"Hi!" masiglang bati ko, ako ang nasa pinakadulo ng lamesa sa kaliwa at ako rin ang unang pupuntahan ng mga A'tin namin.
Nakipag high five naman ako sa babae, nahihiya naman siyang napapatungo, itinuon ko muna ang pansin ko sa pipirmahan ko, at nang matapos ay bumaling ulit ako sa kanya.
"How are you feeling?" Tanong ko sa kanya. Mukha siyang nagulat pero agad din 'yung nawala at napalitan ng nahihiyang ngiti na sinabayan ng namumula niyang mukha. Super cute!.
"M-Masayang masaya, kasi nakita at nahawakan ko na po ang kamay niyo" pahina ng pahina ang kanyang pagkakasabi, magsasalita pa sana ako pero pinausog na agad siya papunta kay Josh. Ito ang nakakainis sa fan signing, kinakausap mo pa pero kailangan ng umalis, pero naiintindihan ko naman dahil may time limit nga pero hindi ko parin maiwasan ang malungkot.
"Hi!" Masaya parin akong bumati sa bagong babae na nasa harap ko ngayon.
"Sobra ka naman atang natutuwa?" Napakunot ang noo ko, mataray ang pagkakasalita niya.
"'Wag kang matuwa! Hindi ka bagay sa grupong 'to. Naiintindihan mo?" Umirap pa siya sa akin. Gandang bungad naman nun!.
"Thank you for supporting our group" masaya parin akong ibinigay sa kanya ang pinirmahan kong parang magazine ata. Basta pictures namin ang nasa loob. Umismid lang siya sa 'kin. Napailing nalang ako. Minsan makakatagpo talaga tayo ng mga taong rude, lalo na sa industriyang 'to. Wala naman akong magagawa kung ganyan ang ugali nila eh. Edi pakisamahan nalang natin ng maayos.
"Hi!" Bati ko ulit, tulad kanina ay masaya at malawak parin akong ngumiti. Hindi naman ako medyo naapektuhan dun sa babaeng rude kasi hindi lang naman siya ang A'tin eh.
"Hi kuya Sejun!" Masayang bati sakin ng babae, natuwa naman ako dahil dun. Agad kong kinuha ang pipirmahan ko at agad na pinirmahan 'yun.
"Ahm, kuya sana magustuhan mo 'to" inilapag niya ang isang box sa harap ko, nacurious naman ako sa laman nun dahil maliit lang 'yung box.
"Hmm? Ano 'to?" Tanong ko. Itinango lang niya ang ulo niya na para bang nagsasabing 'buksan mo na'. Kaya naman binuksan ko na 'yun, bumungad sa mata ko ang isang silver necklace at may pendant na 'S'. Stands for 'Sejun' of course.
"Wow" tanging naiusal ko. Napatingin pa ako sa babae.
"That's my gift for you kuya Sejun, your songs is great enough para magpatuloy ako sa buhay ko. I'm suffering from my depression nung nakilala ko ang grupo niyo, at naging inspirasyon ko kayo para magpatuloy. Thank you very much" nakatungong paliwanag niya, gusto kong maiyak dahil sa sinabi niya. Sa daming fans signing event na napuntahan namin. Siya lang ang may pinakamagandang nasabi. Masyadong lumambot ang puso ko.
Nag apir kami pagkatapos nun.
"Maraming Salamat" usal ko sa kanya at lumipat sa gawi ni Stell na katabi ko.
Muli akong bumaling sa panibagong babae na papunta sa harap ko.
"Oh! Ba't parang maiiyak ka na kuya Sejun?" Tanong ng babae, agad naman akong napapunas sa mata ko. Tumawa naman siya at parang naaawang tumingin sakin.
"Para dun lang sa ginawa ng babae... Naiyak ka na? Baka lalo kang maiyak sa sasabihin ko sa'yo" nakangising saad niya. Isang rude ulit na fan. Ok lang. Sanay na sanay na ako.
"Ang panget mo! Hindi ka bagay sa grupong 'to!, kung hindi ka lang magaling magsulat ng kanta, hindi ka mapapasama dito!" May diin sa pagkakasabi niya. Alam kong hindi nakakatuwa ang sinabi niya pero hindi din naman maiiwasan ang maka encounter ng bastos na katulad niya. Nasanay nalang ako.
"Ok ka pa ba? Nadinig ko 'yung babae, super road" napatingin naman ako kay Stell.
"Anong road pinagsasabi mo?" Nakakunot noong saad ko sa kanya. Agad naman siyang humalakhak habang pumipirma. May saltik nanaman siya. Tsk.
"Daanan 'yun eh" nauubusang pasensyang saad ko, napahalakhak narin ang dalawang babae na nasa harapan namin.
Mabilis na tumakbo ang oras at iba't ibang regalo na ang natanggap ko. Iba't ibang tao narin ang nakasalamuha ko. May bastos, may SUPER ang pagkafangirl, may mabait, may mahinhin at may sobrang high ang energy.
"Hi kuya Sejun!" Masiglang bati niya.
"Hello!" Kumaway pa ako bago kunin sa kanya ang album na pipirmahan ko.
"Kuya Sejun! Anong umpisa ng 'Lupang Hinirang?" Napatigil ako sa pagpirma at napatingin sa babae. Hindi ko naman na kailangan mag isip dahil lahat naman tayo ay alam ang sagot 'dun napatingin naman ako sa kanya para alamin kung seryoso siya. At mukhang seryoso naman siya dahil parang magiging isang malaking question mark na ang mukha niya.
"Bayang magiliw~" kinanta ko pa ang sagot ko. Napahalakhak naman ang babae na ikinakunot ng noo ko.
"Sabi ko umpisa ng 'Lupang Hinirang'" napapatango naman ako, samantalang siya ay umiiling.
"Edi 'L'" napapahalakhak niyang sagot, napatawa narin si Stell dahil mukhang narinig niya rin ang mapagbirong A'tin.
Napapailing naman akong nag thank you sa kanya at umalis narin siya sa harap ko habang kumakaway.
BINABASA MO ANG
GO UP : GO BACK
FanfictionAs the time passes by, a Filipino boy group will be more famous and popular internationally. Malaki ang nagbago at malayo na ang narating ng kanilang grupo. Sa kanilang pagsikat ay may pagsubok na kaakibat. Pagsubok hindi lang bilang isang grupo ku...