CHAPTER 4

27 10 0
                                    

Sejun's PoV

Kasalukuyan na kaming nasa dressing room, at alam kong maya maya lang ay tatawagin na ang pangalan ng grupo namin para mag perform. Kaninang madaling araw kami bumyahe papunta dito. At ngayong hapon na ang show namin. Parang mini concert pala ang gagawin namin mamaya kaya sobrang excited na kami. Mini Concert daw. Kung tutuusin ay parang guesting nga lang.

"Ano Stell? Sinabi na kasi sa'yong tigilan mo na ang kakakain ng chocolates kagabi eh!" naiinis na saad ko kay Stell na nakaupo sa isang tabi at may iniinom na kung ano sa tasa na hawak niya.

Mukhang napuruhan nanaman ang lalamunan ni Stell dahil sa chocolates. Tsk.

"Pwede ba? Wala ka ng magagawa kasi, ito na! Ganito na ang boses ko!" Hiyaw ni Stell sakin na ikinagulat namin. Kahit hindi ganun ka-klaro ay naintindihan parin namin.

"May magagawa ka sana! Kung nakinig ka sakin!" Sigaw ko rin sa kanya, naiinis na ako. Kanina lang ay ako nanaman ang napagalitan.

"Masama bang kainin 'yung chocolate na binigay sakin ng FAN ko?" Pagdidiin pa niya sa salitang 'fan'.

"Walang masama dun! Pero alam mo namang, hindi ka pwedeng sumobra!" Nagsisigawan na kami ngayon dito, alam kong hindi tama pero wala akong magagawa, naiinis na ako. Naghahalo halo ang emosyon ko, lalo na kanina ke aga-aga sigaw ng manager namin ang bumungad sakin, dahil ganito na pala ang boses ni Stell. Syempre ayaw naming mapahiya, Main Vocalist pa naman namin si Stell. May mga high notes siya na, siya lang ang nakakagawa.

"Tama na nga 'yan! Tigilan mo na Sejun" mahinahong saad ni Josh. Natahimik narin ako, dahil nakaramdam ako ng hiya, nakalimutan naming nandito ang mga make up artist namin.

"Oh? Bakit mo pinapatigil Josh? Eh 'yan naman ang naunang sumigaw ah?!" May inis paring saad ni Stell.

"Ikaw! Hindi na nga maayos 'yang boses mo, sigaw ka pa ng sigaw!" Sigaw din ni Josh sa kanya.

"Josh! Tigilan mo na nga 'yan na parang alam mo ang lahat!" Napatingin ako kay Ken ng sigawan niya si Josh.

"Enough!" Sigaw ko. Napatahimik naman silang lahat.

"Stell, as I've said earlier, hindi masama at walang masama sa pagkain nun pero alam mo namang bawal kang sumobra sa pagkain, tingnan mo. Kaliit-liit na bagay pinagaawayan pa natin" mahinahon ko ng saad. Bilang isang leader, kailangan ko silang intindihin bago ako.

"Ako kasi ang napagalitan kanina, nag init lang ang ulo ko. Sinisisi nila ako kung bakit ganyan ang boses mo ngayon, bilang isang lider daw kasi ay dapat ako ang umaagapay sa mga miyembro ko. Ngayon sa ganyang boses mo alam kong hindi ka nanaman makakakanta ng maayos." Malumanay na ang pagsasalita ko.

"So ano? Ako ang sinisisi mo kung bakit ganito ang boses ko, eh kinain ko lang naman 'yung bigay ng fan ko!" May inis parin sa boses ni Stell. Pinipigilan kong 'wag sumabog ang inis ko.

"Hindi mo kasi naiintindihan si Stell, kasi wala ka namang taga hanga" gulat akong napatingin kay Ken, na kasalukuyan ding nakatingin sa akin. 'Anak ng!'

"Oo nga wala, kaya magpasalamat ka't mayroon kang ganun, kahit madalas nakakalimutan mo ang choreography. Dahil mahina ang kokote mo" alam kong natigilan siya sa sinabi ko.

AT MASKI AKO AY NATIGILAN DIN!! ANO BANG SINABI KO. SHHICK.

"Mahina ang kokote ko? At ano! Ikaw matalino?!" Sigaw ni Ken sakin, namumula ang buong mukha niya, pati si Stell namumula narin dahil sa sobrang inis.

"Oo matalino siya! Wala ka ngang matulong eh! Puro ka CHICKEN!" Hiyaw rin ni Josh. Lumapit sa kanya si Ken at dinuro.

"Hoy! Mahina lang ang kokote ko pero may maipagmamalaki ako! Magaling akong sumayaw kesa sa'yo! Mas magaling si Stell kumanta kesa sa'yo! Naiintindihan mo?. Mas doble ang hirap mo, para makapasok dito!" Sigaw ni Ken kay Josh, hindi ko na napigilan ang inis na may kasamang gulat at naitulak ko nalang si Ken papalayo kay Josh.

"Mayabang ka! Porket ikaw ang lider!" Sigaw ni Ken sa pagmumukha ko. Lintek na.

"S-Sejun" biglang nawala ang inis at galit na unti unti kong naramdaman, para akong nag 'ice bucket challenge' dahil sa panlalamig ko, natitigilan kaming napatingin sa may pintuan.

"J-Justin" tanging naiusal ko. Kung may tao mang hindi dapat makakita ng pag aaway na 'to ay si Justin 'yon!

"G-Ganito pala kayo mag away, TAPOS WALA AKONG ALAM!!!" Niyanig ng boses ni Justin ang buong dressing room namin. Unti unti siyang pumasok sa dressing room. Parang nanginginig pa ang mga bibig niya. Siguro ay natakog siya.

"Kulang nalang ay magsuntukan kayo" mahinahon siya pero may inis sa mga mata niya.

"Hindi ito 'yung grupo na binuo natin, hindi 'to 'yung grupo na nagpatibay sa loob ko nung mga panahong ako 'yung niraratrat ng bashers, hindi 'to 'yung SB19 na nakilala ko, at nakilala ng lahat. Akala ko walang nagbago, pero SOBRANG laki pala ng ipinagbago. I'm very disappointed." Humakbang narin siya papaatras. Parang pumunta lang siya dun para sabihin 'yon.

Magsasalita pa sana ako ng may boses babaeng nagsalita sa likuran ko.

"Buti naman at nasabi niyo na sa isa't isa ang sama ng loob niyo, hindi ko lang nagustuhan dahil pati si Jah ay nadamay" malungkot na sabi niya.

Siya 'yung babae na naka all black!

"Anong ginagawa mo dito?!" Natatakot na sigaw ko sa kanya. Bigla bigla nalang sumusulpot eh, parang kabute. Nakakatakot siya.

GO UP : GO BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon