Third Person's Point of View
Habang masayang nagtatawanan si Stell at Sejun dahil sa babaeng nakasalamuha nila kanina ay, wala naman silang kaalam-alam sa nangyayari kay Josh.
"Hindi ka magaling kumanta, tingin mo ba deserve mo ang mapasama sa grupong 'to?" Saad ng babae.
"Deserve ko miss, kasi naghirap din ako para makapasok dito eh" mahinahong saad ni Josh, ayaw man niyang patulan ang babae ay hindi narin niya naitago ang inis.
"Talaga? Alam mo kung paano gaganda ang grupong 'to?" Tumingin pa ang babae sa kanya bago ituloy ang sasabihin. "Umalis ka" ngumisi ang babae kay Josh bago ito umalis.
Sa kabilang banda, masayang masaya naman si Stell dahil sa mga regalong natatanggap niya pati na ang magagandang kumento dahil sa boses niya.
"Bagay na bagay sa boses mo ang lahat ng kanta!" Sabi ng babae habang napapapalakpak pa.
"Naku, salamat ng marami" nahihiya namang saad ni Stell dito.
Tila iba't ibang reaksyon na nga ang makikita sa mukha ng limang lalaki habang kaharap nila ang kanilang mga taga hanga. Tulad nalang ni Ken na halos mawasak na ang labi dahil sa sobrang pagkakangiti.
"Sobrang galing niyo pong sumayaw!" Saad ng babae kay Ken.
"Syempre Main dancer eh" nag pogi sign pa siya habang nakangiti. Nawala naman ang ngiti ni Ken ng mapansing wala ang atensyon ng babae sa kanya at nakatingin kay Josh.
"Pero, mas astig parin si Josh sumayaw eh." Sarkastikong tugon ng babae.
"HI! Jah!" Malakas ang boses ng babae kaya napatingin dito si Ken. At muling binalingan ng tingin ang babaeng kausap niya kanina.
Napatingin si Ken sa headband ng babae at mukhang si Josh ang Bias nun dahil sa headband na suot.
Hindi maalis ang inis sa mukha ni Ken dahil sa babae. Halatang napahiya siya dahil sa iniasta nito.
"HI! Jah!" Malakas na bati ng isang babae, napatingin naman si Ken na katabi lang ni Justin dahil sa ingay ng babae. May kausap si Ken kaya naman hindi nalang sila inintindi.
Nagtaka naman si Justin dahil sa mukha ni Ken, na mukhang naiinis sa babae.
"Ah, Hi!" Binalingan nalang ulit ni Justin ng tingin ang babae at nakipag usap dito.
"Parang ikaw talaga ang baby nila 'no, ang cute lang hehe" sambit ng babae na nakapagpatango kay Justin.
"Ini-spoiled nga nila ako eh, haha" natatawa pang saad ni Justin.
"Pero... Ako parin 'yung bully saming lima hehe" pilit ang tawang saad ni Justin. Napatawa rin ang babae.
"Anong ginagawa mo kapag nag-aaway ang mga hyungs mo?" Tanong ng fan niya.
Napaisip naman si Jah.
'sa pagkakaalam ko, hindi pa naman nag aaway sila Sejun. Bukod dun sa kahapon'. Tanging naisambit ni Justin sa sarili niya.
"Wala pa naman silang nagiging away na malala, haha" mukhang naiilang na si Justin dahil sa kuryusidad ng babae.
"Baka 'yun ang alam mo, pero... Hindi lang nila pinapakita sa'yo? Kasi ikaw nga ang bunso? Baka kasi..." Pambibitin pa ng babae at hindi na naiwasan ni Justin ang magtaka sa inaasta ng babae.
"Baka kasi... WALA kang magawa" inosenteng saad ng babae bago umalis sa harap niya.
Napapailing nalang si Justin bago tanawin ulit ang babaeng medyo malayo na at tanging likod nalang niya ang nakikita.
------------------------------------
Sejun's Point of View
"Stell, tigilan mo nga ang kakakain niyang Chocolate, may show tayo bukas sa Seoul, SoKor, baka nakakalimutan mo?" Taas kilay na tanong ko kay Stell, napatingin siya sa akin at agad na ngumuso. Tsk. Makulit.
"Baka mapaano nanaman ang lalamunan mo" seryosong saad ko. Noong isang beses kasing kumain siya ng chocolate ay napasobra ata kaya namamalat ang boses niya at hindi siya makakanta. Ayoko lang ulit mangyari 'yon, dahil bukas ay may show pa kami.
"Pwede ba?. Kaya kong kumanta kahit namamalat ang boses ko, ok?" Inis na saad niya. Napabuga nalang ako ng hininga dahil sa iniasal niya.
"Hay nako" umiiling pang saad ko. Sa pag-iling kong 'yun ay nahagip ng tingin ko si Justin na nakatulala lang sa camerang hawak niya.
"Naka on-cam ka ba, Jah?" Medyo malakas ang pagkakatanong ko kaya napakurap kurap naman siya at napailing pa ng bahagya bago tumingin sa akin.
"Ah, w-wala. I mean hindi" nakatungong sambit niya. Lumapit naman ako sa gawi niya bago ulit magsalita.
"Are you ok?" Tanong ko. Tumango naman siyang bilang sagot. 'Mukhang napagod siya'. Napatingin siya sa katabi niya. Si Josh. Nakapikit si Josh na mukhang natutulog, pero dahil sa tagal na namin siyang kasama alam naming hindi siya tulog, dahil hindi naman siya humihilik at hindi rin siya nakanganga.
"Psstt, ayos ka lang?" minulat naman niya ang mata niya ng dunggulin ko ng bahagya ang tuhod niya gamit ang tuhod ko.
Umiling naman siya.
Napaayos naman ako ng tayo, at napatingin sa kanilang lahat. Kay Justin na nakatingin sakin, si Josh na natulala naman ngayon, si Ken na kumakain ng fried chicken, at si Stell na kumakain ng Chocolates. Nahagip ng peripheral view ko ang isang malaking picture frame na nakadikit sa dingding, kaming lima 'yun, habang nakangiti, magkakaakbay at halatang masaya. 'Yun 'yung mga panahong konti palang ang fans, at konti palang din ang mga problema. 'Yung mga panahong konting views lang ay masaya na kami. Ngayon ay iba na. Ibang iba na.
Ngayon ay tahimik na ang lahat at magkikibuan nalang kapag may kailangan. Well, ayos parin naman kami, hindi nga lang tulad ng dati.
BINABASA MO ANG
GO UP : GO BACK
FanfictionAs the time passes by, a Filipino boy group will be more famous and popular internationally. Malaki ang nagbago at malayo na ang narating ng kanilang grupo. Sa kanilang pagsikat ay may pagsubok na kaakibat. Pagsubok hindi lang bilang isang grupo ku...