Sejun's PoV
"Ano pang ginagawa niyo!?" Nagugulat naman kaming lahat na napatingin sa pintuan at makitang nandun si ate che na nakakunot ang noo samin.
"10 minutes" saad niya at paalis na sana siya pero...
"Ate Che!, 'Go Up' ang ipe-perform namin ah" saad ko. Napaharap naman siyang muli samin at mukhang tututol pa samin kaya naman nagpacute sa kanya si Justin. Dahil nga malakas ang karisma niya ay napabuga nalang ng hangin si Ate Che at tumango samin. Napa 'Yes' naman kaming lahat with matching suntok pa sa ere.
"Oh! Wala ng tampuhan ah!" Pabirong saad ko, napaharap naman ang apat sa'kin. Nakita ko pa ang pag nguso ni Ken at lumapit sa'kin.
"Sorry sa lahat ng nasabi ko, sa pag a-attitude.. Sorry talaga. Hindi ko man masabi pero YOU'RE THE BEST LEADER talaga." Sinserong saad niya. Napangiti naman ako. Tumango nalang ako sa kanya at yumakap sa kanya na ginantihan naman niya.
"Oh, Justin! Huwag na umiyak!" Nangaasar ko pang baling kay Justin na nakanguso sa harap namin.
"Halika nga kayo" dinipa ko pa ang mga braso ko at umastang yayakap sa kanilang lahat. Hindi naman ako nabigo dahil yumakap naman sila sa akin.
"Huwaaaa Mommy Sejuunn" si Stell, tsk nagkasaltik nanaman. Nagtawanan naman kami dahil sa iniasta niya.
"Sorry Josh" simpleng word pero halos maiyak nanaman si Josh dahil sa sinabi ni Ken.
"Hay nako, wala ng iiyak!" Nagkunwari pa akong naiinis. Napatigil naman ang iba dahil sa inasal ko. Pero tumawa lang ako dahil sa mga mukha nila! Haha.
"Tara na" baling ko sa kanila, tumango naman sila at magkakaakbay kaming naglakad papunta sa backstage at maghintay na tawagin ang grupo namin para mag perform.
---------------------------------
Third's Person PoV
"Yeah, we gonna go up
Yeah, yeah, we gonna go up 🎶"Halatang ganado ang limang lalaki habang nakatingin sa kanilang mga taga hanga habang sila'y sumasayaw.
"WAAAHHHH"
"KYYAAAAHHH"
"SB! SB! SB19!"
"Tanging liwanag ang nakikita
Sa tuwing ipipikit aking mata
Bituin ko'y lalong nagniningning sa dilim walang makakapigil🎶"Napapailing si Justin ng maalala ang naranasan nila kani-kanina lang.
'Para akong timang, nainis pa ako sa mga kasama ko dahil wala akong kaalam alam na may gulo na palang nangyayari sa pagitan ng bawat isa, at hindi ko man lang naisip na kaya nila tinago 'yun dahil ayaw nila akong masaktan. Tsk, bunso nga nila ako. Kaya protektado ako.' napapailing pang aniya sa sarili.
"Ito'ng aking pinapangako, hinding-hindi susuko
Kahit pa 'ko'y mabigo, yeah, make me
You know I'm ready (Ready)
Come on and test me🎶"Makikita ang pag ngisi sa mga labi ni Ken habang natatawa-tawa tuwing magkakapalitan ng pwesto sa sayaw ang bawat isa.
'Bakit nga ba nakalimutan kong napakasayang sumayaw kasama ang mga gunggong na 'to. At ang nakakainis pa, yumayabang na ako ng hindi ko alam at nasasaktan na ang mga tao sa paligid ko na itinuring kong pamilya. Pero salamat kay Abigail. Para na kaming nag time travel haha'
Kahanga hangang kahit may mga iniisip sila ay nakakapag focus parin sila sa pagpe-perform.
"Yeah, we gonna go up
Ibibigay ko ang aking puso
Sa pag-abot ng pangarap, 'di hihinto
Handa akong harapin ang lahat, yeah
Kahit pa imposible 🎶"'Grabe ang pinaranas samin ni Abigail, bukod sa muntikan na akong masuka dahil sa pagpapalit-palit niya ng senaryo ay natuwa rin ako dahil nakabalik kami sa nakaraan at dahil dun ay muling nag bond ang samahan namin. At alam kong sa pagkakatong 'to... Mas matatag na ang samahan namin' napapatango pa si Josh, nakangiti parin siya at hindi mo mahahalatang may iniisip siya.
"Yeah, we gonna go up
(We go up)
Yeah, yeah, we gonna go up
(We go up)
Kahit ilang beses pang matumba
Yeah, we gonna go up🎶"'Mamimigay na talaga ako ng Chocolates sa mga kasamahan ko para hindi gagaralgal ulit ang boses ko. Aayusin ko narin ang sarili at magiging matured narin kahit konti. Shicck, ayoko ng makita ang multong 'yun. Nakakatakot!'
Tila nanginig pa sa takot si Stell ng maalala ang mukha ng babaeng tinutukoy niyang multo. Ngunit kahit ganun ay nagpapasalamat parin ito.
"Kahit anong mangyari ako ay tatakbo
Patungo sa liwanag na tanging ninanais ko
Bawat sandali turing ko ay parang huli, yeah, yeah 🎶"'Marami na nga ang nagbago at hindi namin alam na pati kami ay malaki na ang ipinagbago. Nakalimutan kung paanong sumaya sa mga simpleng bagay, siguro nga naging mataas ang tingin namin sa sarili namin at nakalimutan namin ang mga pagsubok na sabay sabay naming hinarap maaabot lang ang tagumpay namin ngayon. Nabulag man ng kasikatan, nagkalimutan man at least bumalik ang lahat sa dati, salamat kay Abigail. At alam kong sa pagkakataong 'to... mas matatag na ang grupo namin, magtutulong tulong muli na makalagpas sa pagsubok na aming kakaharapin.'
"Nowhere but up
Ibibigay ko ang aking puso
Sa pag-abot ng pangarap, 'di hihinto
Handa akong harapin ang lahat, yeah
Wala nang imposible
Yeah, we gonna go up
(We go up)
Yeah, yeah, we gonna go up
(We go up)
Kahit ilang beses pang matumba
Yeah, we gonna go up🎶"Kahit gaano kang kasikat, 'wag na 'wag kakalimutan ang mga tao o bagay kung bakit narating ang 'yong pangarap.
We go up, then go back and now, we're still going up, contented and stronger 'cause we have each other.
BINABASA MO ANG
GO UP : GO BACK
FanfictionAs the time passes by, a Filipino boy group will be more famous and popular internationally. Malaki ang nagbago at malayo na ang narating ng kanilang grupo. Sa kanilang pagsikat ay may pagsubok na kaakibat. Pagsubok hindi lang bilang isang grupo ku...