"MA'AM nandiyan po si Ms. Samantha." Mabilis niyang inangat ang tingin mula sa dinedesign na damit papunta sa secretary.
"Bakit daw?" Kunot-noong tanong niya.
"Hindi ko po alam."
"Let her in." Sagot niya.
Bigla siyang kinabahan kaya ilang beses siyang huminga ng malalim. Nalaman na kaya nito ang nangyari kahapon?
Biglang bumukas ang pintuan kaya napaayos siya ng tayo.
"Good morning Ms. Samantha." Nakangiting aniya at tumayo.
"Good morning." Bati naman nito.
"Have a seat." Aniya na mabilis naman nitong sinunod.
"What brought you here? Is this about the design? May idadagdag ka pa ba?" Dire-diretsong tanong niya.
Umiling naman ito. "I heard what happened yesterday."
Napalunok siya sa narinig. "Oh? About that. I'm so sorry."
"No. I should be the one saying sorry. Sorry for his bad manners. Gano'n talaga ang lalakeng 'yon. And if it's not too much to ask, can I have a favor with you?"
Makakahinga na sana siya ng maluwag dahil mukhang wala naman itong kaalam-alam sa nangyari pero ba't bigla siyang kinabahan sa huling sinabi nito.
Pero kahit gano'n pa man pinilit niya pa ring ngumiti. "Sure. What is it?"
"Can you to his office para doon mo na siya sukatin. Ayaw niya kasing sumama sa'kin. Ang hirap talagang pilitin ng lalakeng 'yon."
"Ha?" Umawang ang labi niya. Langya! Hindi pwede. Baka katayin siya nito dahil sa ginawa niya kagabi.
"Please Ms. Marquez. I'll give you additional payment for this." Pagmamakaawa nito.
"I'll send someone to do it. Busy kasi ako ngayon." Nakangiting sagot niya.
"No." Mabilis naman nitong kontra kaya nagtataka siyang napatingin dito. "I mean pwedeng ikaw na lang. I want it to be perfect baka hindi masyadong kabisado ng papupuntahin mo." Sagot nito.
"Hindi. Magaling si Zia. Kapag wala ako siya ang nagsusukat."
Hinawakan nito ang kamay niya na ikinagulat na naman niya. "I'm sorry if this might offend your employee but I only trust you when it comes to this. So I'm begging you to do it instead."
Napabuntong-hininga na lamang siya bago tumango. "All right."
Amg lawak naman ng ngiti nito. "Thanks.Here is the address." Alam naman niya kung ano ang address ng opisina ng binata pero hindi na lang niya sinabi at baka magduda pa ito. "Yon lang naman ang pinunta ko dito. I'll go ahead. Bye" Masayang paalan nito.
Tumango siya. "Bye."
Nagpakawala siya ng malalim ng hininga pagkalabas nito. Pumikit siya ng mariin pagkatapos para pakalmahin ang sarili.
Binabalak niyang utusan na lang si Zia pero baka makarating kay Samantha na hindi siya tumupad sa usapan. Nakakahiya naman.
Kaya pinakalma niya muna ang sarili bago napagdesisyonang puntahan ito.
"Kayo na muna ang bahala dito. May pupuntahan lang akong kliyente." Bilin niya sa mga kasama.
"Okay po ma'am." Mabilis namang sagot ng mga ito.
Lumabas na siya ng shop at nagtungo na sasakyan saka minaneho papunta sa opisina ni Lander.
Ilang oras din ang biyahe niya bago nakarating.
BINABASA MO ANG
Love Will Lead You Back [COMPLETED]
Ficción GeneralEngr. Lander Paul Bautista is a very serious person. He is so silent that you can't even talk to him unless it's an important matter. It's very rare of him to smile and his silliness only comes out if he's with his friends. Because of this attitude...