Chapter 10

3.4K 78 6
                                    

ANG buong akala ni Maebelle ay okay na sila nang binata no'ng gabing 'yon pero nagkamali siya. Lumipas na lang kasi ang isang linggo ay gano'n pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Napakacold at distant.

Kakatapos niya lang kausapin ang anak through video call nang biglang pumasok si Lander galing sa trabaho.

Dire-diretso lang ito sa paglalakad, ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Lander wait." Tawag niya rito. Tumigil naman ito at tinignan siya ng walang kahit anumang emosyon sa mukha.

"Yes?"

"Kumain ka na ba?" Hindi 'yan ang gusto niyang sabihin pero 'yon ang lumabas sa bibig niya. Gusto niyang itanong kung ano ang problema nito at bakit gano'n na lang ang pakikitungo sa kanya. Pero kapag nakikita niya ang itsura nito, umuurong na lang bigla ang dila niya o di kaya iba ang nasasabi.

"Yes. I had dinner with my client." Bored na sagot nito.

"Ah gano'n ba?" She sounds so hesitant kaya mabilis na nagsalubong ang kilay nito.

"Do you want to say something else?" Tanong nito.

"H..ha?" Medyo nabigla siya sa sinabi nito pero agad ding umiling. "Nothing."

"Okay." Tipid nitong sagot bago umalis at umakyat na sa kwarto nila. Nakatingin lang naman siya sa likuran nitong papalayo.

"Can't you just say you're sorry?" Para na siyang baliw at pinapagalitan ang sarili.

"Arrghh!" Inis na pasalampak siyang naupo sa sofa at nang medyo kumalma ay padabog siyang naglakad papuntang kusina. Mag-isa na naman siyang kakain. Sana pala hindi na niya hinintay ang binata. Ano ba naman kasi ang aasahan niya eh sa nakalipas na linggo, ganito naman na talaga ang nangyayari. Parati siyang mag-isang kumakain.

"You didn't eat yet?"

Napatigil siya sa pagsubo nang marinig ang boses ni Lander. Tiningala niya ito at nakitang titig na titig ito sa kanya.

Tumikhim siya at tinuon muli ang tingin sa kinakain bago sumagot. "Kumain na ako kanina. Nagutom lang ulit ako." Pagsisinungaling niya. Hinding-hindi siya aamin na hinihintay niya ito. Baka kung ano panh isipin ng gago.

Hindi ito umimik at naglakad na lang papuntang ref saka kumuha ng tubig at dinala paalis.

Umismid siya at tinignan ng masama ang likod nitong papaalis. Naiinis na siya sa inaakto nito sa totoo lang.

Natapos na naman ang isang araw pero hindi pa rin sila okay.

Naghanda na naman siya kinaumagahan ng pagkain nila. Araw-araw ganito ang ginagawa sa nakalipas na linggo at araw-araw ding tinatanggihan ng binata. Katulad na lamang ngayon.

"I'm running late for my meeting. I don't have time for breakfast." Pagkasabi nito niyon ay basta na lang ito umalis.

Napahilamos na lang siya ng mukha. "Bahala ka na nga sa buhay mong lalake ka. Napakaarte mo!" Galit na aniya at padabog na nagtungo sa kwarto para kunin ang mga gamit. Kailangan na rin niyang pumasok.

"Ma'am tumawag po si Ms. Villafuerte. Yong gown daw po ng anak niyang magdedebut. Pinaparush po 'yong design. Kailangan daw nilang makita bukas." Kararating pa lang niya sa opisina ay ito na ang binungad sa kanya ni Zia.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Madami pa siyang gagawin na ibang designs. "Okay." Yon na lang ang sinagot niya. Tumango naman ito at nagpaalam na paalis. Mukhang gagabihin siya sa dami ng tatapusin.

At tunay ngang ginabi siya. Nakaalis na lahat ng kasama niya at siya na lang ang natira.

"Grabe nakakapagod." Nag-inat siya bago inayos ang mga gamit. It's past 8 pm already. Kailangan na niyang umuwi.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon