Chapter 7

3.5K 75 5
                                    

NAGULAT si Maebelle nang may biglang tumabi sa kanya habang nanunuod siya sa sala.

"Ang aga mo yata?" Tanong niya habang tinitignan ang oras. Alas singko pa lang kasi ng hapon. Usually kasi mga 7 or 8 na ito dumarating galing trabaho. Hindi kagaya niya na alas kwatro pa lang nakauwi na.

Nilingon siya nito. "Magpapa-inom daw si Ranz. Magiging tatay na kasi ang loko."

"Talaga? That's good to hear." Aniya habang nakangiti.

Ilang segundo itong hindi kumibo at nakatitig lang sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. "What?"

"Ikaw? Wala ka bang balak sundan si Lucas?"

Mabilis na kumunot ang noo niya sa tanong nito. "Sundan? Bakit? Uuwi naman siya sa linggo di ba? And besides, nando'n naman siya sa bahay ng mga magulang mo. Wala namang masamang mangyayari do'n."

Napahilamos ito ng mukha. "Damn it. That's not what I mean."

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "Ha? Eh ano?"

"A little version of you." Seryosong sagot nito.

Hindi pa niya nagets no'ng una pero nang kinalaunan at malaman ang gusto nitong ipahiwatig, mabilis niyang tinignan ng masama.

"Ano ka sinuswerte? Maghanap ka ng babaeng bubuntisin mo."

Tumaas ang kilay nito. "E di hindi na 'little version of you' kapag gano'n."

Inirapan niya ito. "Oh e di 'little version of maharot' ang hanapin mo. Problema ba 'yon."

"Ayaw mo talaga?" Seryosong tanong nito.

Tumalim naman ang tingin niya rito. "Bakit ko gugustuhin? Excuse me pro nasa tamang pag-iisip pa ako para tanggihan 'yang nakakadiring offer mo."

Sumama ang tingin nito. "Nakakadiri talaga? Ang naalala ko tatlong beses na'ting ginawa ang pinandidirian mo ng gabing 'yon."

Mabilis niya itong nahampas. "Ang bastos mo."

"Aray naman." Hinawakan nito ang braso at tinignan siya ng masama. "Ba't ka ba nananakit? I'm just stating facts."

Mas lalo namang nalukot ang mukha niya. "Facts mo mukha mo. Umalis ka nga sa tabi ko. Baka hindi ako makapagpigil at masapak ko na 'yang pagmumukha mo."

"Woah!" Tinignan siya nito ng hindi makapaniwala. "Ipapaalala ko lang miss na bahay ko 'to."

"O tapos?" Tumaas ang kilay niya. "Ipapaalala ko lang din po kuya na kayo naman po ang may gustong tumira kami dito so I'm sorry. Pero kailangan mong pakisamahan ang ugali ko."

"What happened to you? Hindi ka naman ganyan noon." Kunot-noong tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. "Well, wala naman talagang nagbago sa'kin. Sa'yo lang naman kasi ako ganito. Pinapalabas mo 'yong demonyo sa kaluluwa ko."

"Damn. I really want to see the devil side of yours in bed. Let's go and make it quick. We still have time until the party. It's still early." Nakangising sagot nito at kinindatan pa siya.

Nanlaki ang mata niya at mabilis itong sinapak. "Napakabastos mo talagang lalake ka." Naiinis na aniya.

Tumawa naman ito. "Ano bang bastos do'n miss? Hindi kita hinubaran ha para sabihin mong bastos ako." Halata ang aliw sa mukha nito kaya mas lalo siyang nainis.

Kinuha niya ang throw pillow saka ito hinampas sa mukha ng binata. "Walanghiya ka." Gigil na aniya.

"Ouch. The hell." Tinignan siya nito ng masama habang hawak ang ilong. "Ba't ka ba nananakit?"

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon