Chapter 4

3.9K 83 8
                                    

NAGISING si Maebelle na parang may kung anong mabigat na nakadagan sa kanya. Iminulat niya ang mga mata at nagulat ng makitang nakayakap sa kanya si Lander. Ang naalala niya kasi sa couch siya natulog kagabi.

Pinagmasdan niya ang binatang mahimbing na natutulog. Ang gwapo rin talaga ng lalakeng 'to. Parang hindi man lang nagbago ang itsura sa pitong taong nakalipas. Mas lalo pa yatang gumuwapo.

Inangat niya ang kamay at pinaglandas ang daliri sa mukha nito. Tulog naman ang binata kaya dapat samantalahin na niya. Pagkakataon na niya at minsanan lang naman 'to mangyari. Una niyang hinawakan ang mata nito pababa sa matangos nitong ilong at huli ang mga labing masarap humalik. Naalala na naman niya bigla ang paghalik nito sa kanya kahapon kaya uminit na naman ang pisngi. Para naman siyang teenager na nagbablush pa.

"Ba't ang gwapo mo?" Tanong niya habang titig na titig dito. Kahit hindi naman talaga siya masasagot dahil ang himbing ng tulog. "Buti na lang sa'yo nagmana ng kagwapuhan si Lucas."

"At last you admitted that he's my son." Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong sumagot.

Sinubukan niyang bumangon para sana umalis at magtago sa kahihiyan pero mas nauna siya nitong nahila pahiga kaya dumiretso siya sa dibdib nito.

"Aray naman." Hinampas niya ito pero tumawa lang ang gago habang nakapikit pa rin.

"I'm still sleepy miss." Sagot nito at mas niyakap pa siya ng mahigpit.

"O edi matulog ka." Inis na aniya at sinubukan muling bumangon pero hindi siya pinakawalan.

"Hindi ako makakatulog kapag may nakatitig sa kagwapuhan ko." Mayabang na sabi nito kaya napaismid siya at tinignan ito ng masama.

"Masyado ka pong feeling. Bitiwan mo na nga ako. At teka nga? Ba't ba nandito ako? Ang naalala ko sa couch ako natulog kagabi." Tanong niya rito.

Nagmulat ito ng mata at tinignan siya. "Naawa ako sa'yo baka mahulog ka. At dahil gentleman ako, binuhat kita papunta rito." At kinindatan pa siya na akala mo talaga napakaganda ng ginawa nito.

"Gentleman your face." Inirapan niya ito. "Bitiwan mo na nga ako. Kailangan ko ng mag-ayos. Papasok pa ako."

"Can't you take a leave today? Para naman makapagbonding tayong tatlo." Seryosong saad nito.

"Hindi pwede. At isa pa, may pasok si Lucas."

"Sunday ngayon miss."

Bigla siyang natahimik. Hindi talaga umuubra ang mga palusot niya. Hindi niya rin naman kasi talaga alam na Linggo pala ngayon.

"Hindi ako pwedeng magleave. Marami kaming nirarush na mga damit." Sagot na lang niya.

"I'm taking my leave today just to be with the both of you and now you tell me you can't?" Ang sama na ng tingin nito sa kanya.

"O di kayo na lang dalawa magbonding. It's your time to know more about him."

Napabuntong-hininga na lamang ito. "Fine."

"Ayos na? Pwede mo na akong bitiwan?" Umiling lang ito at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. "It's too early."

"Anong it's too early? Mag-aalas sais na. Wala akong nakitang katulong kaya sinong magluluto?" Inirapan niya ito. "Kaya mabuti pa bitiwan mo na ako ng makapaghanda na ng almusal."

Mahina itong natawa at muling pumikit pero hindi pa rin siya binitawan. "Manang Lydia is already at the kitchen cooking, for sure. Hindi siya nagi-stay in kaya hindi mo siya nakita kagabi."

Inis niya itong tinignan ng masama kahit hindi siya nakikita. Langya! Hindi niya talaga nalulusutan ang lalakeng 'to.

Ilang minuto silang walang kibuan at nang tapikin niya ito sa pisngi at hindi nag-react, napangiti siya. Mukhang tulog na naman ulit ang binata at makakaalis na rin siya sa yakap nito.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon