CHAPTER 6

194 9 0
                                    

Ilang araw ang lumipas...

KEN'S POV

"Keeeeen!! Anong oras na, tumayo ka na dyaaaaan!!", sigaw ni Stell sa tenga ko.

"Aish!! Ano baa?!!", inis kong sigaw sa kanya.

"Tumayo ka na daw dyan sabi ni Sejun", saad naman ni Josh. Tss silang tatlo pala ang nandito.

"At bakit ako tatayo ng gan'to kaaga? Wala naman tayong lakad ah?", sagot ko sa kanila sabay higa ulit at nagtalukbong.

"Ken, pasukan na ngayon. Ngayon na first day of school natin. Ano? Wala kang balak?", prangkang sabi sakin ni Justin.

Sa sinabing iyon ni Justin, agad akong napatingin sa phone ko para tignan kung anong araw ngayon.

"Takte, Lunes na nga ngayon!", biglaang sambit ko sa sarili ko.

"Maligo ka na, bago ka pa namin iwan", saad ni Sejun habang nakadungaw sa nakaawang na pinto ng kwarto ko.

Naglabasan na ang tatlo kasama ni Sejun at ngayon ko lang napansin na naka-uniform na pala silang lahat.

Pagkalabas nila ng kwarto ko, agad na kong pumasok sa cr para maligo, magsipilyo at gawin lahat ng bagay na kailangan kong gawin.

Pagtapos kong maligo, isinuot ko na ang school uniform ko at saka tinignan ng saglit ang sarili ko sa salamin.

"Ken, for Pete's sake! Wag ka na munang magkakagusto sa babae. Mag focus ka muna sa pag aaral mo, lalo na't 4th year college ka na. Kaya mo yan, Ken! Fighting!!", mukhang ewan kong saad sa sarili ko at nagulat na lamang ako ng may narinig akong nag tawanan sa likod ko.

"HAHAHAHAHA! Grabe, LT ka Ken!", kantyaw sakin ni Josh habang tumatawa't  pumapalakpak.

"Wag ka muna magkakagusto sa babae— HAHAHAHAHA takte ka Ken!!", kantyaw rin sa akin ni Justin habang humahagalpak sa tawa.

"Kaya mo yan, Ken! Fighting!!", gaya ni Stell sa sinabi ko kanina habang tumatawa rin.

"Takte kayo! Kabagin sana kayo", saad ko sa kanila at saka sila iniwan sa kwarto ko.

Paglabas ng tatlong ugok sa kwarto ko, nagsumbong ako kay Sejun.

"Sejuuuuun! Inaaway nila akoo!!", sumbong ko kay Sejun habang nakaturo sa tatlong ugok na nang aasar sakin kanina.

"Tss", tanging sagot ni Sejun.

"FIGHTING!!!", sabay sabay na sigaw nung apat kaya naman napa-pout na lamang ako at saka sumigaw.

"Mamaaaa!! Inaaway nila koooo!", inarte kong sabi habang pumapadyak ang mga paa.

Iniwan ko na sila sa loob ng dorm at nauna na kong bumaba at nag punta sa parking lot.

Maya maya pa, narinig kong nagbukas na ang kotse ni Stell.

"Tara na", sabi ni Stell sabay sakay sa driver's seat.

Agad naman na tumabi sa kanya si Sejun habang kaming tatlo nila Justin at Josh ay naupo sa likod.

Nang masiguro na ni Stell na ayos na ang lahat, inistart na niya ang engine ng kotse niya at saka nag simulang nag drive.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe papuntang school, biglang nagpatugtog si Sejun.

She be my queen, since we were sixteen
We want the same things, we dream the same dreams

"Alright", sabay ni Josh sa kanta.

"Alright", sabay na kanta ni Josh at Justin.

I got it all, 'cause she is the one
Her mom calls me, "love"
Her dad calls me, "son"

"Alright", sabay nanaman ni Josh at Justin sa kanta.

"Alright", kanta ulit nila.

I know, i know

"Ano? Alright lang alam niyong lyrics sa kantang yan?", natatawa kong tanong sa kanila.

"Wag kang mang basag ng trip", sabi ni Josh.

I know for sure

"Oo nga. Makisabay ka na lang rin", dagdag pa ni Justin.

"Everybody wanna steal my girl, everybody wanna take her heart away. Couple billion in the whole wide world, find another one 'cause she belongs to me", sabay sabay na kanta namin nila Justin at Josh.

"Everybody wanna steal my girl, everybody wanna take her— hala", sabay sabay naming kanta at saad noong pinatay ni Sejun ang tugtog.

"Ba't mo pinatay? Buksan mo ulit!", angil ni Justin sabay pout.

"Oo nga! Buksan mo ulit!", dagdag pa ni Josh sabay gaya kay Justin na nag pout rin.

"Manahimik kayo! Ang iingay niyo! Mag ayos na kayo, nandito na tayo oh", saad ni Sejun samin sabay turo sa labas.

Oo nga, nandito na kami.

Agad namang bumaba sila Justin at Josh at sumunod naman ako sa kanila.

"Tss, mga isip bata talaga", bulong ko saking sarili at di maiwasang mapa-ngiti.

Pagkababa naming lahat sa kotse ni Stell, ipinarada na ni Stell ang kotse niya sa kung saang space na meron dito sa parking lot at saka siya hinintay.

Nang nai-park na ni Stell ang kotse niya, sinimulan na naming maglakad papunta sa school habang inaayos ang sarili namin.

"Ito na yun. Kaya mo 'to, Ken. Wag ka muna mag gigirlfriend ha?", saad ko sa isip ko. Sa isip ko na lang baka mamaya asarin nanaman nila ako eh. Ang dami pa namang tao.

Nang makapasok na kami ng tuluyan sa school, agad na bumungad sa amin ang isang stage na maraming estudyanteng nanonood at nakikinig.

"Good morning, students! Welcome to PAUVESTER UNIVERSITY! Feel free to your second home and we wish you a very good luck—", saad ng emcee doon at di na kami nagtagal doon. Umalis na kami agad.

Agad naming hinanap ang classroom namin sa list na nakapaskil rito sa bulletin board.

"Ayun, Ajero! Nasa Building 4 Room 20 ang classroom ko", biglaang saad ni Stell nang mahanap niya ang pangalan niya sa listahan.

Kaya naman hinanap na rin namin ang pangalan namin sabay...

"Ajero, Stellvester. De Dios, Justin. De Luna, Aga Ezevrie?", banggit ni Sejun sa pangalan namin mula sa listahan at nagulat kami ng may ibang pangalan siyang nabanggit.

"Huy, ba't nangbabanggit ka na kaagad ng ibang pangalan dyan? Pangalan muna natin hanapin mo", saad ni Josh sa kanya.

"Hindi— teka, ang unique kasi ng pangalan niya", pag defend ni Sejun sa sarili niya.

"Tss, alis nga d'yan. Ako na maghahanap", saad ni Justin sabay punta sa harap ng bulletin board.

"Building 4 Room 20", panimulang sabi ni Justin.

"Ajero, Stellvester. De Dios, Justin. Nase, John Paulo. Santos, Josh Cullen. Suson, Felip John", sunod sunod na saad ni Justin.

"So, paano ba yan? Magkakaklase tayo. HAHAHAHAHA!", saad ni Josh sabay tingin samin.

"Tara na, baka ma-late pa tayo", saad naman ni Sejun at sinimulan na naming mag lakad para hanapin ang classroom namin.

STILL INTO YOU [COMPLETED]Where stories live. Discover now