CHAPTER 12

206 10 0
                                    

KEN'S POV

Lumipas ang isang buwan mula noong sumapit ang unang araw ng pasukan.

Kasalukuyang July na ngayon at nandito kaming anim sa dulo ng classroom namin— kasama si Aga, dahil maghapon na wala kaming prof.

Habang naglalaro kaming anim ng UNO, bigla kaming napatigil nang biglang may nag salita sa speaker rito sa loob ng classroom namin.

"Good day, students! We are here to announce you all that we are searching for applicants or students who wants to audition for Singing Contest for our program this upcoming Intramurals to be held on August 19-23, 2019. For more infos about this contest, you can see it on our Facebook Page and it is also displayed in the main bulletin board of our university. Once again, good day, students! Thank you!", saad ng isang babae mula doon sa speaker.

Agad naman akong tinapik ni Sejun at biglang namang nag salita si Stell.

"Ken, sali tayo!", saad ni Stell sakin habang naeexcite.

"Pag iisipan ko pa", wala kong ganang sagot sa kanya.

Ewan ko pero wala ako sa mood sumali sa mga ganyan ngayon.

"Ikaw, Aga? Baka naman maganda boses mo, sali ka rin", agaw atensyon naman ni Justin kay Aga.

"Jusko, HAHAHAHA! Wag na. Baka pag kumanta ako, di niyo gustuhin. Baka bumagyo pa", sagot ni Aga kay Justin.

Napatawa naman kaming lahat ng dahil dun.

Naputol ang pagtawa naming lahat ng biglang...

AGA EZEVRIE'S POV

"UNO!", sigaw ni Josh habang nakatingin sakin.

Pagtingin ko sa card na hawak ko, nanlaki ang mga mata ko. Jusko, isa na lang pala card ko. Di ko napansin iyon kaya naman naunahan ako ni Josh na sumigaw ng uno.

"Aish! Ano ba yan!", inis na natatawa kong saad habang kumukuha ng cards.

Nagpatuloy pa ang paglalaro namin mg UNO ng biglang nag aya si Sejun na magpunta sa bulletin board para tingnan ang informations patungkol doon sa Singing Contest na gaganapin daw sa Intramurals namin.

Agad naman naming niligpit ang UNO cards at lumabas na kami ng classroom. Agad kaming nag tungo sa bulletin board rito sa university at agad na hinanap ang announcement na patungkol sa Singing Contest.

KEN'S POV

Pagkarating namin sa bulletin board, agad kong nakita ang announcement na patungkol sa Singing Contest.

WHAT: Singing Contest
WHEN: August 23, 2019
WHO: Those students who can sing
WHERE: At Pauvester University's Theater
WHY: To showcase the pure and beautiful talents of our precious students
HOW: Just go to the faculty office on July 20 for audition

Note: Just keep pursuing your dream
Good luck! 😊

Basa ko sa announcement sa isip ko.

"Should I join?", mahina kong tanong sa sarili ko.

"Sumali ka, Ken", saad ni Aga at bahagya akong nagulat sa biglaang pagsasalita niya.

"Paano kung di ako makuha?", worried kong tanong sa kanya.

"Its okay, Ken. Atleast you tried. Diba?", sagot niya sakin sabay ngiti.

Napangiti rin ako ng dahil dun at nakapagdesisyon na ko. Oo, nakapagdesisyon na ako agad agad.

"Stell, tara sali tayo", saad ko kay Stell habang nakangiti.

"Ikaw na lang, Ken. Nagbago na isip ko. Support ka na lang namin", sagot ni Stell sa akin at saka tinapik ang balikat ko.

"Kaya mo yan, Ken. Support ka namin from the start 'til the end", saad pa ni Sejun at saka ako nginitian.

Nginitian ko rin sila pabalik at saka sila yinakap.

"Thank you, guys! Kaya mahal na mahal ko kayo eh", pabiro kong saad sa kanila na siyang dahilan para mapahiwalay ang apat na ugok sa pagkakayakap namin.

"Yak, Ken! Stop it", pag iinarteng saad ni Josh sa akin.

"Tss", nakangisi kong sagot sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHA!", rinig naming tawa ni Aga.

Napatingin kaming lima sa kanya at saka siya nginitian.

"Ang cute mo talagang tumawa", biglaan kong saad at hindi ko alam kung saan nagmula ang salitang iyon para masabi sa kanya.

"Yieeee! Mukhang nade-develop ka na kay Aga, Ken ah", kantyaw sakin ni Justin pati na rin nila Stell, Josh at Sejun.

"M-manahimik nga k-kayo. Ang i-issue n-niyo", utal na saad ni Aga habang namumula ang pisngi niya.

"Sus, HAHAHAHAHA! For sure sa dulo, kayo magkakatuluyan, yieeeeee!", gatong pa ni Josh sa pangangantyaw samin.

"Ano ba! Kinikilig ako!", pang aasar rin ni Stell gamit ang pang-baklang boses.

"Tss", tangi ko na lamang naisagot at saka ako nag walk out.

Napakama-issue talaga kahit kailan.

AGA EZEVRIE'S POV

Medyo ang awkward ng atmosphere rito sa amin ngayon. Sunod sunod na nangantyaw ang apat na ugok samin ni Ken at inaamin ko, oo. Kinilig ako doon sa sinabi ni Ken sa akin kanina.

Nagulat na lamang ako ng biglang nag walk out si Ken.

Agad naman siyang sinundan nung apat na ugok habang ako nama'y inayos ang pagkakasukbit ng shoulder bag ko sa balikat ko at napagpasyahan nang maunang umuwi. Pwede naman na kasing umuwi agad kasi nga wala ni isang prof ang papasok samin ngayon.

At isa pa, nag aya ng family date sila mommy, daddy at kuya kaya siguro, ichachat ko na lang sila mamaya pag nakarating na ko doon sa meeting place namin nila mommy.

————————————————————

Paglabas ko ng university, agad kong nakita si Kuya Ace sa labas at kumaway pa siya sa akin.

Agad naman akong tumakbo palapit sa kanya at saka siya yinakap.

"I miss you, kuya!", saad ko habang yakap yakap siya.

Ngayon ko na lamang ulit nakita si kuya dahil masyado siyang na-busy sa trabaho niya.

"I miss you too, Agatotskie", sagot naman sakin ni kuya at saka siya humiwalay sa yakap.

"Kuya naman! Tss", inis kong sabi sa kanya at saka siya inirapan.

"Napaka-attitude mo talaga! Tara na nga, papunta na raw sila mommy dun sa restaurant na pagkakainan natin", saad naman niya at saka pumasok sa kotse niya.

Agad naman akong sumunod sa kanya at pumasok na rin ako sa kotse niya.

STILL INTO YOU [COMPLETED]Where stories live. Discover now