CHAPTER 18

148 8 0
                                    

KEN'S POV

"Siguro ayos na yung na practice ko no?", tanong ko kay Aga habang inaayos ang bag ko.

Kasalukuyang kakatapos ko lang mag practice ng chorus part ngayon at napagdesisyunan na naming umuwi na.

"Oo, ayos na yun. Chorus part lang naman eh", sagot naman ni Aga sa akin.

"Ayos na ba gamit mo? Tara na?", tanong ko sa kanya habang hinihintay siya.

"Oo, ayos na. Tara na", sagot naman niya sa akin at lumabas na kami ng recording studio.

Tulad ng kahapon, muli ko siyang inihatid sa gate ng university namin at saka na nag paalam sa kanya.

"Bye, Aga! Ingat ka", saad ko sa kanya habang kumakaway, naglalakad papunta sa parking lot.

"Ikaw rin, Ken!", pabalik na sagot na sigaw niya sa akin habang kumakaway rin.

Nginitian ko naman siya ng dahil dun at saka siya tinalikuran at hinarap ang daan na nilalakaran ko.

Tss, baka madapa ako eh.

————————————————————

Pagkarating ko sa parking lot, syempre hinanap ko ang kotse ko.

Pagkakita ko doon, agad kong binuksan iyon at saka sumakay.

Kinapa kapa ko muna ang bulsa ko para hanapin ang phone ko at nakapa ko naman iyon. Agad kong tinignan kung anong oras na at nakita kong 1:30 pa lamang ng hapon.

Hindi na ako nag taka kung bakit ang aga namin umuwi ni Aga ngayon. Syempre, chorus part lang naman ang prinaktis ko eh, two lines lang naman yun.

Bumalik na ako sa katotohanan at inistart ko na ang engine ng kotse ko at saka na nag drive pabalik sa dorm namin.

Ilang minuto akong nag drive at nakarating naman na ako agad sa dorm.

Nang nai-park ko na ang kotse ko sa parking lot, nag taka ako nang makita kong wala pa doon ang kotse ni Sejun.

"Diba ako dapat ang mahuhuling umuwi kasi nag practice ako? Eh ba't nauna pa ako sa kanila at wala pa sila?", nagtataka kong tanong sa sarili ko.

Umiling iling na lamang ako at saka sinimulan nang umakyat sa dorm namin.

Pagpasok ko sa dorm, agad akong pumasok sa kwarto ko at saka nag bihis.

Inihiga ko ang sarili ko sa kama ko at nagpahinga.

Hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

JOSH'S POV

"Nandito na kaagad si Ken? Ang bilis naman?", saad ni Stell sa amin ng makita naming nandito na sa parking lot ang kotse ni Ken.

"Aba, malay natin. Magkakasama tayo, diba?", prangkang sagot ko kay Stell.

"Tss. Magsitigil na nga kayo. Tara na't akyat na tayo sa dorm, nagugutom na ako", seryosong saad ni Sejun sa amin at sinunod naman namin siya.

Pagkapasok namin sa dorm namin, agad kong napansin na medyo nakaawang na bukas ang pintuan ng kwarto ni Ken.

Nang masilip kong mahimbing na natutulog si Ken, nakaisip ako ng nakakatuwang bagay kaya naman tinawag ko si Justin.

"Justin, tara", tawag ko kay Justin habang naglalakad ako papunta sa sofa.

"Bakit, Josh? Miss mo na ko agad?", saad naman ni Justin sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Tss. Manahimik ka nga", inis kong sabi sa kanya.

"HAHAHAHAHAHA! Ano ba kasi yun?", muli niyang saad sa akin.

"Nakaawang kasi ang pintuan ng kwarto ni Ken. At nakita kong mahimbing siyang natutulog. Samahan mo kong guluhin siya tapos daganan na rin natin para masaya", saad ko kay Justin sabay ngisi ng nakakaloko.

"Sige, sige. Gusto ko yan! Tara umpisahan na natin", sagot naman sakin ni Justin pero nagulat ako ng bigla siyang hilahin ni Stell pabalik sa sofa.

"Mamaya niyo na siya guluhin. Hintayin niyo munang matapos ko 'tong niluluto ko bago niyo siya gisingin", biglaang saad ni Stell sa amin.

"Sige, sige", tangi na lamang naming nasabi at saka siya hinintay na matapos na mag luto.

JUSTIN'S POV

Ilang minuto  pa kaming nag hintay ni Josh bago matapos si Stell na mag luto ng lunch namin.

"Oh, sige. Gisingin niyo na. Maghahain lang ako", saad ni Stell sa amin na siyang dahilan para mag tinginan kami ni Josh.

Agad kaming tumayo ni Josh at saka dahan dahang binuksan ang nakaawang na pinto ng kwarto ni Ken.

"Ken?", mahinang tawag ni Josh kay Ken.

Pero hindi umimik si Ken.

"Ken? Yoohoo?", muli pang tawag ni Josh kay Ken pero wala pa rin talaga.

Pero, jusko! Napakalakas pala humilik nitong si Ken.

————————————————————

Bago pa makaramdam si Ken na nandito kami ni Josh sa kwarto niya, agad na kaming nag bilang ni Josh ng 1 to 3 gamit ang mga daliri namin.

"1, 2, 3", bilang namin ni Josh at saka namin full force na dinaganan si Ken na nananahimik na natutulog.

KEN'S POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may dumagan sa akin at sa tingin ko ay dalawang tao ang dumagan sa akin.

Mula sa pagkaka-dapa ko sa kama ko, tinignan ko kung sinong baliw ang nandagan sa akin.

Pagkatingin ko kung sino ang mga yun, nakita kong si Josh at Justin pala yun.

Medyo nakaramdam ako ng inis dahil sa totoo lang ay ayaw ko talagang ginugulo ako pag natutulog ako.

"Ano ba?! Tss, yan nanaman kayo eh! Alam niyo namang natutulog yung tao eh!", inis kong sabi sa kanila.

"Kain na daw tayo sabi ni Stell", sabay nilang saad na dalawa sabay peace sign sa akin.

"Oo na! Susunod ako!", inis kong sagot sa kanila.

Pero grabe, yung dalawang ugok di pa rin umaalis sa likod ko. Partida hinigaan pa ko.

"Di kayo aalis  d'yan?", banta ko sa kanila.

"Eto na nga aalis na",  saad ni Justin sabay alis sa likod ko.

"Sunod ka ha?", painosenteng saad ni Josh sa akin sabay tapik sa likod ko.

Tuluyan na silang umalis sa kwarto ko at ako nama'y muling ipinikit ang mga mata ko.

Pero sa kasamaang palad, nawala na yung antok ko na siyang kinainis ko.

"Aish! Bwisit!", saad ko sabay tayo na ng higaan ko at saka pumasok sa cr.

STILL INTO YOU [COMPLETED]Where stories live. Discover now