CHAPTER 30

138 5 0
                                    

AGA EZEVRIE'S POV

Maaga akong nagising ngayon kaya naman maaga rin akong nakarating rito sa university ngayon.

Hindi ko alam kung anong event ang gaganapin ngayon pero sana mag enjoy ako.

————————————————————

Pagkarating ko sa university, agad akong dumiretso sa room para tignan kung nandun ba yung limang ugok.

Pero pagkarating ko doon, wala sila.

Agad ko naman silang hinanap sa pwede nilang pag tambayan rito sa university, pero wala talaga sila.

Kaya naman naisipan ko na lamang na ichat si Justin para tanungin kung nasaan sila.

:Justin?
:Nasaan kayo?
:Di kayo papasok?

Sunod sunod kong chat kay Justin.

Pagtapos kong ichat si Justin, tinignan ko naman kung nag reply si Ken sa chat ko kahapon.

Pero pagkatingin ko, naka-seen lang ang chat ko. Agad naman akong napabusangot ng dahil dun at saka pinatay ang phone ko.

KEN'S POV

"Justin, nasaan na yung gunting?", tanong ni Josh kay Justin habang may hawak na colored paper.

Nandito kaming lima sa dorm namin, at oo, hindi kami pumasok.

Napagpasyahan kasi namin na huwag na lang pumasok para mapaghandaan namin ang gagawin namin para kay Aga bukas

Habang busy ang apat na ugok sa pag gawa ng props eme eme para bukas, ako nama'y nandito sa kwarto ko at nagpapractice.

Napag-desisyunan ko rin na gumamit ng gitara bukas para kahit papaano ay maging komportable ako sa stage.

————————————————————

Ilang ulit pa ng pag papractice ang ginawa ko at napag pasyahan kong lumabas na muna sa sala para i-check yung apat na ugok.

JOSH'S POV

"Oh ano? Okay na ba lahat?", tanong ni Sejun sa amin.

"Mukhang ayos naman na lahat", sagot ko naman sa kanya.

"Tara, kain na muna tayo", biglaang saad ni Ken sa amin na nasa likuran lang pala namin.

Agad naman na kaming pumunta sa kusina at saka kumain.

Pagkatapos naming kumain, iniligpit na namin ang mga pinagkainan namin pati na rin ang mga kalat namin.

Hinayaan na rin lang namin si Ken na mag kulong sa kwarto niya dahil syempre kailangan niyang mag practice.

"Grabe 'no? Ang bilis", biglaang saad ni Stell.

"Oo nga eh. Tapos eto na pala, mag liligawan na yung dalawa", sagot ko sa kanila at nag tawanan na lang kaming apat.

KINABUKASAN...

"Huy, ano na? Ready na ba lahat ng gamit?", kabadong tanong ni Ken sa amin.

"Oo, okay na", sagot naman ni Sejun sa kanya.

"Eh 'yang puso mo? Ready na ba?", biglaang saad ni Justin at naka tanggap naman siya ng batok kay Ken.

"Let's go!", sigaw ni Josh at tuluyan na nga kaming umalis ng dorm.

————————————————————

Pagkarating namin sa university, agad kaming nakita ni Aga at nginitian niya kami habang kumakaway kaway.

Pero hindi namin siya pinansin, kunwari ay hindi namin siya nakita.

Dumiretso na kami sa theater ng university namin pero hindi pa kami umupo agad.

Nag stay  pa muna kami ng pansamantala sa likod para tignan kung saan banda uupo si Aga.

AGA EZEVRIE'S POV

Hindi ko alam kung maaasar ba ko o magagalit na sa kanila kasi kanina pa ko kumakaway sa kanila pero hindi nila ko pinansin.

Nilagpasan lang nila ako. Tsk!

Tapos si Justin hindi man lang nag reply sa akin tapos si Ken naman naka-seen lang talaga yung chat ko sa kanya.

Ano na? Mawawalan nanaman ba ako ng kaibigan? Ha? Tsk!

————————————————————

Kesa mag isip pa ako ng kung ano ano't mag overthink, dumiretso na lamang ako sa theater nitong university namin at saka nag hanap ng mauupuan.

Pagkarating ko doon, luminga linga ako para hanapin ang apat na ugok pero wala sila. Mukhang nasa back stage sila, kasama si Ken.

Napagdesisyunan ko na lamang na maupo sa bandang gitna para kahit papaano ay kita ko si Ken.

Pagkaupo ko doon, ilang minuto pa akong nag hintay bago nag simula ang program.

STELL'S POV

"Ayun na si Aga oh", mahina kong saad sa kanila sabay turo kay Aga na nakaupo ngayon sa bandang gitna rito sa theater.

"Tara na. Baka mamaya maunahan pa tayo sa upuan", sagot naman ni Sejun at sumunod naman kami sa kanya.

Umupo kami sa bandang likuran ni Aga ng hindi niya napapansin.

Kailangan naming maging tahimik para hindi niya mapansin na nandito kami sa likod niya.

Basta, kasama 'to sa plano.

————————————————————

Ilang minuto pa kaming nag hintay hanggang sa maya maya pa, nag simula na ang program.

"Good day, students! Now, we are here to witness the amazing talent of our three contestants that've passed the audition last month.", panimulang saad ng emcee sa stage.

"So, to start this program, let's call on our first contestant, Ms. Joshiepine Delos Santos!", saad ng emcee at pumalakpak naman kami ng dahil dun.

Nag simula nang mag perform yung first contestant at kaming apat rito sa likod ni Aga ay mukhang mga ewan.

Pano ba naman kasi, nag sesenyasan kami kasi natatakot kami na baka pag nag salita kami ay baka mapansin kami ni Aga at malaman niyang nandito lang kami sa likod niya.

Kaya instead na mag salita kami, nag sesenyasan na lamang kami. Kaso mukha kaming may mga kapansanan HAHAHAHAHA!

AGA EZEVRIE'S POV

Nag simula na ang program at unang nag perform ay yung Joshiepine daw.

Habang nag peperform siya, hindi ko maiwasang mapalinga linga para hanapin ang apat na ugok.

Pero hindi ko talaga sila makita. Kaya naman napabuntong hininga na lamang ako sa asar at lungkot dahil sa totoo lang,  nakakatampo na sila.

STILL INTO YOU [COMPLETED]Where stories live. Discover now