CHAPTER 41

127 7 0
                                    

KEN'S POV

Ilang oras lamang ang naging byahe ko at nakababa na agad ako sa Manila.

Hinanap ko agad ang daan palabas ng airport at natunton ko naman iyon.

Habang nag aabang ako ng taxi, nakaramdam agad ako ng gutom.

Kaya pagkarating ng taxi...

"Kuya, pwede po bang pakidala ako sa isang malapit na restaurant rito?", tanong ko sa driver at nag simula naman na siyang mag drive.

Habang nasa byahe ako, nakatingin lamang ako sa bintana at tinitignan ang tanawin sa labas.

Grabe, na-miss ko ang Manila.

"Sir, nandito na po tayo", saad ni manong driver sa akin at agad naman akong nag bayad sa kanya.

Bumaba na ako ng taxi at saka nagpalinga linga ng tingin.

Hahakbang na sana ako patawid sa kabilang kalsada nang biglang may nakita akong babae na pamilyar sa akin.

Hindi muna ako tumawid at sinigurado ko muna kung siya ba iyon.

Hinintay ko siyang lumingon at paglingon niya...

Tama, si Aga nga.

Napangiti ako ng dahil dun at dali dali na akong tumawid sa kabilang kalsada at saka siya sinundan.

Napatigil lamang ako nang tumigil siya sa isang restaurant at saka pumasok doon.

Pinauna ko muna siyang pumasok bago ko siya muling sinundan sa loob.

Pagpasok ko sa loob ng restaurant, agad ko siyang nakita sa upuan doon na malapit sa bintana.

Hinintay ko munang umalis ang waiter sa harap niya at dahan dahan akong nag lakad papunta sa kanya.

Nang makita niya ako, nakita ko sa mga mata niya ang gulat.

"Kumusta?", tanong ko sa kanya habang umuupo sa upuan na nasa harap niya.

AGA EZEVRIE'S POV

"Kumusta?", tanong ni Ken sa akin habang umuupo sa upuan na nasa harap ko.

Gulat at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hays, jusko!

"A-ayos n-naman. Ikaw, k-kumusta ka na?", utal kong sagot at tanong sa kanya.

"Ayos lang rin naman ako. By the way, may kasama ka ba?", tanong niya sakin sabay linga linga ng paningin niya.

"W-wala. On the w-way pa l-lang daw", utal kong muling sagot sa kanya sabay ngiti ng peke.

Napansin kong medyo nalungkot siya at may mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata niya.

"What happened, Aga?", biglaan niyang tanong sakin na siyang dahilan para mag taka ako.

"What do you mean, Ken?", taka kong sagot sa kanya sabay taas ng isa kong kilay.

"To you. To us. Aga, diba nililigawan kita noon?", sagot niya sa'kin and yea it hits me hard.

Ang hirap.

"Sorry", tangi ko na lamang nabanggit at saka ako yumuko.

"Sorry, Ken. But I'm getting married", dugtong ko sa sinabi ko sabay pakita sa kanya ng engagement ring na nakasuot sa palasingsingan na daliri ko.

"W-what? E-engage ka n-na?", gulat niyang sabi sakin at tumango tango naman ako sa kanya bilang sagot.

"B-but... H-how?", tanong ni Ken sa akin na siyang dahilan para bumuntong hininga ako.

Umayos muna ako ng upo at saka sinimulang ikwinento sa kanya ang lahat ng nangyari, way back five years ago.

FLASHBACK...

5 years ago...

"We already talked about this Aga, right?!", galit na saad ni dad sa akin.

Napayuko na lamang ako sa kanya at muli pa siyang nag salita.

"Whether you like it or not, pupunta ka ng Sweden and you'll start a new life there! Pack up your things now. I'll get you a direct flight to Sweden at bukas aalis ka na rito sa Pilipinas", ma-awtoridad na saad ni daddy sa akin sabay labas ng kwarto ko.

Kasalukuyang kalalabas ko pa lamang ng hospital at kakauwi ko lang rin rito sa Manila.

Ang daming nagbago.

Ang phone ko, pinalitan nila at sinigurado talaga nilang hindi naka-save ang number nila Josh, Sejun, Justin, Stell pati na rin ni Ken sa phone na iyon.

Pati ang laptop ko pinalitan nila ng bago.

Lahat ng bagay na may access ako sa limang ugok, pinalitan nila.

At oo, binantaan rin nila na ako na once na nakipag kita ako kay Ken, sasaktan nila si Ken.

Kaya naman hindi ako nagtangkang makipagkita kay Ken dahil ayaw kong masaktan siya.

Lumipas ang gabing iyon at kinabukasan, binigay ni mommy sa akin ang passport ko maging ang plane ticket ko.

Kinuha ko naman iyon at hinatid ako ni mommy at kuya Ace sa airport.

"Hanapin mo lang ang tito Oliver mo doon sa airport sa Sweden ha? Siya magsusundo sayo", saad ni mommy sabay hawi sa buhok ko.

"Mag iingat ka dun, Aga. Mamimiss kita", saad naman ni kuya sa akin at saka niya ako yinakap.

Yinakap ko naman siya pabalik at pati si mommy nakiyakap na rin sa amin.

————————————————————

Pagkababa ko ng eroplano, agad kong hinanap si tito Oliver sa airport.

Agad ko naman siyang nakita at saka ako nagpunta sa kanya.

"Hi, tito", bati ko sa kanya sabay beso sa pisngi niya.

"Hello, Aga, darling", bati niya naman pabalik sa akin.

Agad na kaming lumabas sa airport at saka sumakay sa kotse niya.

Habang nasa byahe kami papunta sa bahay niya, nakatingin lamang ako sa bintana at tahimik na pinagmamasdan ang tanawin sa labas.

"Aga, we're here", saad ni tito Oliver sa akin at agad naman akong bumaba ng kotse.

Namangha ako sa kagandahan ng bahay nila kasi jusko— bahay ba 'to? Eh ba't  mukhang palasyo naman 'to sa sobrang laki at ganda?

Itinigil ko na ang pag iisip ko ng kung ano ano pa at pumasok na ako sa bahay nila.

STILL INTO YOU [COMPLETED]Where stories live. Discover now