CHAPTER 2

102 47 22
                                    

Chapter 2:

/Hanged/

Sydney

Biyernes ngayon at ICL namin kaya walang gaanong teacher ang nagkaklase.

Nakapalibot kami ngayon sa tv na hiniram namin sa faculty habang nanonood ng 'Every Child is Special' na palabas ng isang sikat at magaling na indianong direktor at aktor na si Aamir Khan.

Ang iba ay tuwang-tuwa na nanonood samantalang ang iba naman ay nakatulog na o di kaya ay nagcecellphone nalang habang nakikinig.

"Syd! Punta tayong C.R.!" Bulong ni Estella na nasa gilid ko. Tinanguan ko na lang ito at tumayo na.

Pagkarating pa lang sa bungad ay nagtaka kami. Hindi uso ang bullying sa school namin... abangan lang sa gate o sa kanto.

Bukod doon ay wala kaming artistang schoolmate o di kaya naman ay wala namang sense kung magkukumpulan ang maraming tao sa harap ng palikuran. Kaya kataka-takang madaming tao dito.

Bigla akong hinila ni Estella at nakisingit papunta sa harapan para makita kung ano ba yung pinakakaguluhan nila. Naintriga din siguro sya.

Nang malapit na kami ay bigla kong narinig ang mga teacher na pinapabalik ang mga studyante sa kanya-kanya nilang klase. Hindi natinag ang kasama ko hanggang sa marating namin ang harap ng banyo ng mga lalaki. At lubos na kinagulat namin ang nasaksihan.

May lalaking nakaunipormeng pang estudyante ang nakabigti... Dilat ang mata nito at tila ba ay nakatingin sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko sanang isipin na baka may ginagawa na naman silang movie o di kaya naman ay nampaprank lang pero hindi!

Mula sa distansya namin ay kitang kita ko ang pamumutla ng balat nito at ang lupaypay na katawan. Lumobo na ang ulo nito, labas ang dila at hindi manlang gumagalaw ang lubid, patunay na kanina pa ito nangyari.

Natauhan lang ako ng maramdaman ko ang nanlalamig at nanginginig na kamay ni Estella sa braso ko.

"Syd." mahinang usal nito habang nakatulala parin sa bangkay ng lalaki.

"Sydney! Estella!" rinig kong may tumawag sakin pero di ko magawang lingunin.

"Sydney!" rinig ko ang pagaalala sa kaklase ko bago nya tinakpan ang mata ko. "Wag mo nga tignan!"

Di ko alam pero parang doon lang bumalik ang katinuan ko. Pero patuloy ko paring naaalala ang kalunos-lunos na itsura ng lalaki.

"Kailo! Tara na!" rinig kong sabi ng isa ko pang kaklase, si Penelope.

Naging usap usapan sa buong campus ang nangyari. Ayon sa mga kaklase ko ay Grade 12 student na ito. Ang sabi pa nila ay nagpakamatay daw ito dahil di na kinaya ang depresyon. Ang sabi naman ng ilan ay nagpakamatay dahil nakipagbreak ang girlfriend nya.

Ewan, tuwing naririnig kong sya ang pinaguusapan di ko mapigilang maalala yung itsura nya, yung mata nyang nakatingin sa akin. At tila may ipinapahiwatig sa akin.

"Syd?" tawag sakin ni Kailo pero di ko na sya pinansin at nanatiling tulala.

Natauhan lang ako ng biglang may tumugtog ang musikang Bestfriend ng Rex Orange County sa headphone na hindi ko namalayang isinuot nya sakin.

Tiningnan ko sya at ngumiti lang sya bago nakapisil ang labing bumalik sa pagdodrawing.

Napangiti nalang ako sa kanya habang pinagmamasdan ko sya sa kanyang ginagawa.

May kaputian ito at matangos ang ilong. May kasingkitan din ang mata nito at bagsak ang pino at itim na itim nitong buhok. Medyo may kapayatan at katangkaran din. Mapapansin din na hindi mawawala sa kanang kamay ang isang baller at itim na g-shock naman sa kaliwa.

"Maganda ba Syd?" tanong nito habang pinapakita ang gawa. Narinig ko naman kasi papatapos nadin ang kanta.

Editorial Cartoonist ito at umaabot sya hanggang ibang level, at ngayong taon ay umabot pa itong National.

"Kailan ka ba nagkaroon ng pangit na gawa?" Tanong ko pabalik dito. Napatingin sya sa taas na para bang pinagiisipan ang isasagot.

"Nung dinrawing kita!" Abot tengang ngiti nito at halos di na makita ang mata.

"Eh paanong hindi panget eh stickman na mukhang witch ang dinrawing mo!" Inis na sigaw ko dito saka hinampas ng notebook ko.

"Bakit? Ganoon naman talaga mukha mo ah!" Asar nito bago nagmamadaling tumakbo papalabas.

Pweh! Akala nya hahabulin ko sya? Pwes manigas nya!

Umayos nalang ako ng upo saka kinuha ang cellphone ni Kailo at namili ng ipapatugtog. Ngunit kakapili ko pa lamang ng may kumatok na pulis sa pintuan ng classroom namin.

"Sino dito si Ms. Madrigal at Ms. Morales?" Tanong nito ng makitang wala naman kaming teacher.

"Bakit po ser?" Usisa ng kaklase ko sa harapan.

"Kakausapin lang namin sila."

Halos sabay kaming tumayo ni Estella at nagkatinginan pa kami. Nagaalinlangan man ay lumapit kami rito at sumama papuntang guidance office.

"Ney-ney!" tawag ni Kailo sakin pagdating namin sa room. "San kayo galing? Ba't bigla kayong nawala?"

"May kinausap lang." mahinang sabi ko dito habang sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko.

"Ano? May pupuntahan ka pa ba?" Muling tanong nya sakin matapos isukbit ang isang strap ng bag. "Tara na!"

Tinanguan ko nalang ito at inaya na din si Estella na tuliro pa rin.

Kahit pa nakabike kaming tatlo ay pinili nalang naming maglakad at hawakan nalang ang mga ito para makapagkwentuhan. Para panandaliang maalis sa isip namin ang mga nangyayari.

MADALING-ARAW na pero pakiramdam ko gising na gising pa rin ang diwa ko. Di manlang ako nakaramdam ng antok kahit pa mag lilimang oras na akong nakahiga sa kama.

Patuloy kong iniisip ang mga nangyari ngayong linggo at maging ang mga napagusapan namin kanina.

"Ms. Madrigal at Ms. Morales, sa totoo lang ay kayo na ang huli naming kakausapin." panimula ng guidance counselor ng school.

"Alam naming nabigla din kayo sa nangyari at nakita ninyo pero maaari nyo bang ilarawan kung ano ang naabutan nyo noon?" malumanay na pananalita ng isang babaeng pulis.

Inilarawan naming dalawa ang nakita, mula dahilan ng pagpunta namin hanggang sa paghila sa amin ng mga kaklase namin.

Napatango nalang ang mga pulis sa loob at maging ang counselor saka kami sinabihang kakausapin nila ang parents namin at ipapakonsulta sa isang psychiatrist.

Pagkalabas namin ay rinig naming nagusap usap muli ang mga pulis.

"Hindi parin namin sinasantabi ang anggulong may foul play na nangyari." Litanya ng isang lalaki.

At doon ay muli kong naisip, kaya ba nila nasabi iyon ay dahil may bakas ng dugo sa sahig?

O dahil nakita nila ang kakaibang sulat sa pader at salamin?

#

xXx

Thank you so much <3

What lies aheadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon