CHAPTER 3

81 46 24
                                    

Chapter 3:


/Masked/


Sydney


Kinabukasan ay pumasok ako ng walang tulog. Tinangka akong pigilan nila mama dahil nalaman na nila ang nagyari pero nagpumilit pa rin ako.

Ayoko naman na maburden lang dito sa bahay mas maigi ng madistract ako sa pag-aaral. Bukod doon ay sayang din ang baon ko.

"Boo!" Panggugulat 'ata' ng kararating lang na si Kailo. Psh! Akala nya siguro magugulat ako kasi nakatulala ako.

"Ayy woow! Strong ka ngayon ah!" Manghang sabi nito saka umupo sa upuan sa tabi ko. "Di ka na magugulatin gurl?"

Inirapan ko na lang ito na ikinatawa nya lang.

Sumulyap ito sa relo saka sumilip sa katabi ko pang upuan."Magtatime na wala pa din ba si Estella?" Tanong nito.

Nasanay na din kasi kaming siya ang nagbubukas ng pintuan at kailan man ay hindi pa ito nalalate o umaabsent man lang kahit may sakit. Pero ngayon yung isang susi sa ilalim ng paso ang ginamit namin kanina.

Chineck ko ang message inbox atsaka messenger ko pero wala naman syang paabiso na aabsent o malalate manlang sya.

Dumating nalang ang teacher namin pero wala parin. Baka napuyat din sya kagaya ko.



RECESS na at lahat ng kaklase ko ay bumili ng kani-kanilang pagkain. Naiwan naman ako dahil bukod sa nagtitipid ako ay may baon din akong dala.

Kakainin ko palang sana ito ng biglang nagring yung cellphone ko. Napakagreat timing talaga.

"Hello? Sino po 'to?" tanong ko dahil number lang ang nakalagay sa caller's ID.

[S-Sydney? Help me...] nanginginig na sabi ng babae sa kabilang linya. Pamilyar?

"Estella? Hoy ikaw ba yan?"naguguluhan kong tanong dito.

[Syd! Help me! I don't know what to do anymore. I'm so scared...] halos hindi na maintindihan ang sinasabi nito dahil sa paghikbi.

"Teka nga! Anong pinagsasasabi mo? Ano bang nangyayari ha? Nasaan ka?" sunod-sunod kong tanong dito at nagsimula ng iligpit ang gamit ko.

[I f-found something, S-syd. Please come here---]

"Oy! Estella?" Takang tanong ko ng biglang tumahimik sa kabilang linya. At pagtingin ko ay pinatay na pala ang tawag.

Buong recess akong hindi mapakali at nginangatngat ang kuko ko habang nagiisip ng mabuti.

Minsan lang magbreakdown ng ganoon si Estella, tuwing may mga bagay lang na alam nyang di nya kayang gawin. Posible kayang napansin din nya yung sulat?

"Hoy bat mukha kang inasinang bulate jan?" Sigang tanong sakin ni Kailo. "Anong meron?"

"Hindi ako mapakali! Feeling ko kailangan kong puntahan si Estella." Pinaliwanag ko dito ang naging usapan namin kanina at makikitang unti-unti na din itong na bahala.

Ilang sandali pa ay inanunsyo ni Penelope, na syang presidente ng klase, na wala daw ang teacher namin. Di na kami nagdalawang isip pa't dali-daling umalis at nagbike papunta sa bahay ng kaibigan namin.

Pagkadating ay agad kaming sinalubong ng kasambahay nila at pinadiretso sa kwarto nito.

Pagkabukas ay nadatnan naming medyo may kadiliman ang paligid at ang tanging pinagmumulan lang ng liwanag ay ang kaunting siwang ng kurtina nito.

What lies aheadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon