Chapter 7:
/Zero/
Sydney
Ilang araw na ang lumipas mula ng umalis ng wala man lang paalam si Kailo. Hindi na din ako tumuloy sa school ng araw na iyon at pinili nalang magmukmok sa loob ng kwarto.
Niisang message ay hindi nya manlang ibinigay sakin. Sinubukan ko din itong kontakin subalit laking gulat ko nalamang ng mapagalamang binlock nya pala ako sa lahat ng social media account nya. Sinubukan ko ding imessage yung mga magulang nya, nagbabakasakaling sumagot. Ngunit maging ang mga ito ay hindi manlang sineen ang message ko.
Bukod doon ay hindi na rin muling tumawag si Estella o nagmessage manlang kung bakit ganoon.
Feeling ko mag-isa nalang ako. Iniwan na nila akong dalawa ng wala manlang paalam. Inis kong ibinato ang unan ko sa katapat na paded bago nagpakawala ng sigaw.
Napahinto nalang ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko.
"Sydney, anak?" Mahinahong tawag ni mama mula sa labas.
"Po?" Tanging sagot ko. Tinanong nyakung anong nangyayari kung kaya't sinabi ko nalang na wala lang iyon.
Baka magalala pa sya ay makaapekto sa puso nya. Mula ng madischarge ito sa ospital ay kaliwa't kanan ang paalala ng doktor dito. Naging maingat nadin sina ate at kuya samantalang si papa, pinili ng sumama sa kabit nito at nagpapadala nalang ng sustento.
Ayaw pa nga sana itong tanggapin ni kuya pero buti nalang at nakumbinsi namin sya na obligasyon naman nya iyon. Bukod pa don ay kailangan din namin ng pambili ng gamot ni mama.
Nung nakaraan ay huling araw na ng enrollment. Hindi nadin ako pumunta at nagsakit sakitan para si ate nalang ang magenroll sakin.
Sa totoo lang ay parang biglang nawalan ng kulay ang paligid ko. Hindi ko parin lubos maisip kung anong dahilan bakit nila ako iniwan. At wala manlang paalam.
Ilang araw pa ang lumipas at bukas ay pasukan na. Ayaw ko pa sanang lumabas subalit sinabi ni ateng may nagaantay daw sa akin sa sala. Kahit impossible man ay dali dali kong pinuntahan iyon sa pag-asang nandito pa sya.
Pero labis ko lang iyong ikinadismaya. Agad na napawi ang aking katiting na pag-asa ng makita kong pinsan nya iyon. Nagaalin langan itong ngumiti at tumayo para salubungin ako sa pagbaba ko sa hagdanan.
"Pasensya na at ngayon ko lang maibibigay sayo 'to" nahihiyang sabi nito saka inabot sa akin ang isang manipis na kahon.
"Pasensya narin kung hindi na nakapagpaalam si Kailo." Tipid nyang sabi saka nagpaalam at umalis. Tinitigan ko lang ang hawak ko bago malamyang bumalik sa silid.
Agad ko itong nilapag sa lamesa saka tinitigan.
'May rason ang bawat pagalis Syd. Hindi naman lahat maari lang manatili sa tabi mo.' Naalala kong minsan nya iyong sinabi nung bata pa kami dahil namatay ang alaga kong aso.
Siguraduhin mong maganda ang irarason mo Kailo. Idagdag mo pa ang pambablock mo sakin.
Napabuntong hininga ako bago dahan dahang tinanggal ang takip ng kahon.
Pagkakita ko pa lamang ay gusto ko ng maiyak dahil portrait ko ang nakalagay dito.
Dahan-dahan kong idinampi ang nanginginig kong daliri at dinama ang bawat stoke ng brush sa pagpinta nito. Malungkot akong napangiti. Matagal ko ring kinulit si Kailo para lang ipinta ako o isketch manlang. Pero sa huli ay lagi nya lang itong tinatanggihan at ginagawan ng kalokohan.
Dahan- dahan ko itong inalis at maingat na inilapag sa kabilang parte ng lamesa. Sumunod ko namang nakita ang isang sulat. Maganda ang papel subalit mukhang kinalahig ng manok ang sulat nito. Kapansin pansin din ang paggamit nito ng correction tape.
Pumikit pa ako saglit at hinanda ang sarili. Nang maramdaman kong okay na ako ay binasa ko na ito ng masuri.
Matapos kong basahin iyon ay hindi ko na napigilang mapangiti. Kahit kailan talaga Kailo.
Maingat kong ibinalik ito sa kahon saka itinago sa pinakababang drawer kung saan ko inilalagay ang mga naiipon kong bagay. Samantalang kinuha ko ang isang picture frame na nakasabit sa pader saka tinanggal ang graduation pic ko dito. Doon ko nilagay iyong portrait ko.
Hindi ko alam pero parang nabunutan ako ng tinik kahit papaano. Kahit na hindi ko man lubusan na maintindihan ang lahat ng ginawa nya.
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga para makapaghanda na. Hindi ako excited pero hindi rin naman ako tinatamad. Sakto lang. Pantalon at tshirt palang ang suot ko dahil nasa patahian pa yung pinagawa naming uniporme. Pwede naman yun sa first month.
"Sydney sumabay kana sakin!" Sabi ng kuya ko bago humalik sa pisngi ni mama. Tumango nalang ako at inubos na yung kinakain ko saka nagtoothbrush.
"San ka punta kuya?" Sa kabilang direksyon kasi ang lugar na pinagtatrabahuhan nito.
"May kailangan lang asikasuhing papeles dyan sa kapitolyo. Napatango nalang ako at hindi na nagtanong pa.
Nang makarating ay agad na akong nagpaalam dito at pumasok na. Dito parin ako nagenroll sa school ko nung junior. Mas maganda daw kasi ang turo dito at madaming magagaling na teacher.
Tulad ng tipikal na unang araw, ay madaming estudyante ang nagkalat sa paligid. Ang iba ay nagkakamustahan samantalang yung iba naman ay abala sa paghahanap ng pangalan nila sa nakapaskil sa papel sa pintuan.
Nang makitang unti nalang ang tao sa parteng senior high department ay mabagal na lang akong naglakad. Hinahanap ko kasi yung cellphone ko para magpatugtog sana.
Nagpatuloy lang ako hanggang sa muntikan na akong matumba at gumulong sa hagdanan. Subalit sa hindi inaasahan ay may isang braso ang pumigil dito. Agad akong napaayos ng tayo atsaka nilingon iyon para magpasalamat.
Napatingin ako sa isang lalaking nakapantalong itim at nakahoodie. Nakakapit pa ito sa hawakan na sa tingin ko ay kinuhanan nya ng pwersa para di kami mahulog dalawa.
Nagpasalamat ako dito at tumango naman ito saka nakapamulsang nagpatuloy sa pagakyat.
Mahina ko namang kinurot ang kamay saka nagpatuloy na din. Tanga-tanga mo Sydney!
Di pa man tuluyang nakakahakbang sa huling baitang ang lalaki ay agad na napahinto ito dahil sa malakas na pagtawag.
"Zero!!!" Ani ng nagmamadaling lalaki saka umakbay.
Napakunot naman ang noo ko. Zero? Pamilyar. Pero agad din akong natauhan.
Wait! Sya si Zero???
#
xXx
See you at the next chapter!