CHAPTER 5

86 40 20
                                    

Chapter 5:



/Graduation/


Sydney




Kasalukuyan kaming tahimik na naghahapunan. Tanging ang tunog lang ng kubyertos at paglapag ng pinaglalagyan ng pagkain ang namumutawi sa paligid.

Bilog ang lamesa namin kaya kitang kita namin ang isa't isa. Kitang kita ko din kung gaano kadiin ang pagkakahawak sa kutsara at tinidor ni kuya at maging ang matalim na tingin ni ate. Samantalang si mama na katabi ko ay nakayuko lang at si papa naman ay mukhang walang napapansin.

"I can't believe in this joke." May diin na pagkakasabi ni kuya Harvey saka padabog na tumayo.

"Who gave you the audacity to show up here like nothing happens?" He pointed his finger at our father. While my sister just laid her back before crossing her arms like watching an interesting drama.

"Harvey, tumigil ka na." Mahinahon subalit maotoridad na pagkakasabi ni mama.

"And what? Pagkatapos ng ginawa ng hayop na yan? Baka nakakalimutan mo ma? Harap- harapan ka nyang niloko!" Napasabunot ito sa buhok bago pumameywang.

"I am still your father! Sit down." Malalim na pagbabanta ni papa.

"Yun nga eh! Your just my father! My father in documents!" bawi nito. "Anong ipinagmamalaki mo? na nadevelop ako dahil sa sperm mo?"

"SHUT UP! WALA KANG MODO!" galit na tumayo si papa at dinuro si kuya.

"Tama na!" sigaw ni mama na tumayo na din. Pero hindi natinag ang dalawa sa pagtititigan ng matalim.

"Why ma? Totoo naman diba? Bakit andito pa yan? Matapos kang lokohin ganon na lang? Matagal syang nawala ma! Ni wala nga lang yan pangangamusta kapag nandito sya." sabat ni ate at tumayo na din.

"Tapos ngayon babalik pa sya matapos natin makita ng harap-harapan ang mga panggagag* nya?!"

Tumayo na ako at inalalayan si mama ng makitang mahigpit ang pagkakakapit nito sa lamesa at tila ba ay di na makatayo ng maayos. Di ko alam kung manhid ba sila o nadala na ng galit kaya walang nakapansin.

I was about to stop them too ng bigla na namang nagsalita si kuya.

"You f*cking assh*le! talagang pinakita mo pa samin bago kayo pumasok ng kabit mo sa motel ha?! Di ka na nahiya! Di mo manlang inisip na may pamilya kang gag* ka"

"I SAID STOP---" di na natapos ang sigaw ni mama ng mapasapo ito sa dibdib at parang hirap na hirap huminga.

"MA! KUYA! PA!" Nilingon ko sila na agad din na umalalay kay mama.

Dali- daling kinuha ni kuya ang susi samantalang binuhat naman ni papa si mama papasok sa kotse.



ABOT LANGIT ang kaba ko habang nagdarasal at naghihitay sa lobby ng hospital. Pinagdadasal na wag munang kunin si mama.

Sandali pa akong napasandal at doon ko lang din naalala na graduation na pala namin bukas. Pashneams talaga.

Nakita kong papalapit sakin si ate na mahigpit na magkahawak ang kamay kaya agad akong lumapit dito para itanong kung kamusta na si mama. Ngumiti naman ito at sinabing okay na sya.

"Uwi na tayo Syd? May finals pa kasi kami tomorrow eh." Matamlay na sabi nito bago ako inakbayan.

"Paano si mama ate?" tanong ko dito.

"Nandun naman si kuya, sya daw muna magbabantay." malungkot nalang akong napatango. Paniguradong mabigat ang kalooban nun at isisisi sa sarili ang nangyari.

"Eh si papa?"

"Umalis. May urgent meeting daw sa kumpanya at baka next day pa sya makabalik." Malamig na paliwanag nito.

Di na ako nagtanong hanggang sa makauwi kami sa bahay at makatulog.

Nagising na lamang akong namumugto ang mata ng may kumatok sa pintuan ng kwarto. Pagbukas ko ay nakita ko ang ate kong nakauniporme.

"Alis na ako Syd, ikaw na bahala dito ah!" Paalala nito saka nag-abot ng isang daan.

"Ayan pambili ng pagkain" sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makababa ng hagdan at marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto.

Napabuntong hininga nalang akong napaupo sa kama at muling naalala ang nangyari kagabi. Kinuha ko agad ang phone ko sa gilid ng unan at akmang tatawagan si kuya ng mapansin ko ang missed calls ni Kailo at Estella. Maging ang mga text nila.

Pagbukas ko ay halos puro "Sydney nasaan kana?" O di kaya naman ay "Syd magsisimula na yung program!" na nakacapslock pa.

Kunot-noo kong binasa ang iba pang mensahe hanggang sa maalala kong graduation pala namin ngayon!

Pasado alas-diyes na samantalang alas nueve y media ang start ng ceremony.

Dali-dali akong tumakbo patungong banyo at mabilis na naligo. Pagkatapos ay dinampot ko ang nakaready na puting dress sa clothing rack at ang nakasampay kong toga. Kinuha ko din ang backpack ko at ibinuhos ang laman sa higaan saka mabilis na inilagay ang wallet ko at pouch na may lamang make up. Naglagay din ako ng towel at suklay.

Dinampot ko nalang din ang isang stiletto heels na kulay teal habang hawak ang cellphone bago nakapaang tumakbo hanggang sa labas ng gate namin saka pumara agad ng tricycle.

Pashneams na yan! Wala naman akong balat sa pwet ah?! Isinuot ko ang sapatos saka kinuha ang towel sa bag para punasan ang buhok bago suklayin.

Pucha pakibilisan naman kuya! Para akong naiihi sa kaba habang panay ang lingon sa harapan namin.

Nang makarating ay inabot ko dito ang hawak kong isang daan saka tumakbo na papasok. Takte yung sukli!!! Aisshh hayaan na nga pucha.

Habol ang hininga akong nakarating sa tapat ng gymnasium. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang nasa labas pa ang mga studyante at naghahanda palang papasok.

"SYDNEY!" tawag ni Estella habang kumakaway para makuha ang attention ko.

Lumapit ako sa kanila at nakisingit sa harapan ni Estella.

"Oh gurl? Anong nangyari sayo? Kanina pa kami dito! Buti nalang di pa nagsisimula susko!" Nagtataka nitong tanong agad.

"Mukha ka pang stress! Namamaga yang mata mo oh! Atsaka sinong aattend sayo ba't parang wala ka namang kasama?" Tanong nito saka lumingon lingon.

"Pucha oo nga pala!" Napasapo ako bigla sa noo ko. "Di bale na wala namang available."

Magsasalita pa sana sya ng maalala kong ang losyang kong tignan kaya nilabas ko ang makeup kit na dinala ko at nagpalagay sa kanya nito.

Sakto naman ng matapos ito ay umusad na din ang pila papasok. Pagkatapos magmarch at umakyat sa stage ay umupo na kami sa designated area namin.

May mga nagsalita pa ng kung ano-anong mahahabang speech na parehas lang naman ang ibig sabihin bago tawagin ang mga studyante isa-isa.

Nang kami na ang susunod ay pumila na kami sa may hagdan sa gilid ng stage. Lahat sila may  kasamang parents, yung iba ay dalawa pa nga. Samantalang ako tamang tingin tingin lang sa paligid.

Lumapit din yung mama ni Estella sakin at tinanong kung bakit  wala si mama. Sinabi ko na lang na may emergency sa bahay para hindi na ito mag-tanong pa.

Nag-alok din sya na sya nalang ang aakyat para magsabit sakin ng medal. Agad akong napangiti at napatango, kesa naman mag-isa akong umakyat diba? Ano ako loner?

Nang nasa stage na ako ay bigla kong nakita si ate na tumatakbo papalapit habang suot ang uniporme. Nakita din ito ni tita kaya ngumiti syang gumilid at inabot kay ate ang isasabit. Sa huli ay nagpapicture kaming tatlo.

Akala ko kamalasan lang para sa akin araw na 'to. Di na rin pala masama.

#

xXx

Thank you so much for reading✊

And to all the Graduates of batch 2019-2020 out there, Congratulations kahit walang naganap na graduation💖😂

What lies aheadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon