CHAPTER 6

58 40 12
                                    

Chapter 6:

/Farewell/

Sydney


"Ate akala ko ba eh finals nyo ngayon?" Takang tanong ko kay ate Cath habang inaantay namin yung van.

After the ceremony kasi ay nag aya si Tita Vanessa, which is yung nanay ni estella, na magcelebrate sa kanila. Farewell party na din daw bago sila lumipat sa States.

"Eh tumawag kasi si kuya kanina sakin. Pagkagising daw ni mama ay hindi sya mapakali kasi inaalala yung graduation mo." paliwanag nito tsaka inipit ang takas na buhok sa kaliwang tenga.

"Sakto naman na vacant ko kaya ako na ang pumunta since di pa pwede si mama madischarge at kailangan syang bantayan ni kuya."

Napatango nalang ako saka bumaling sa kabilang side kung saan nandun si Kailo at Estella. Si tita naman ay nasa likuran habang may kinakausap sa cellphone.

"Estell, kailan alis nyo?" Malungkot kong tanong sa kaibigan ko.

Hays di ko parin talaga maiwasan malungkot lalo na't sila lang naman ang kaibigan ko tapos mawawala pa ang isa.

"Baka next week na." Pilit itong ngumiti. "Sabi kasi ni dad para daw makapagadjust na ako kahit papaano."

"Aysus sisiw lang yan sayo Estell! Dito pa nga lang ay spowkening dolyares ka na dun pa kaya?" Taas ang kaliwang kilay na sabi ni Kailo.

"Magi ka! Eh yung mga nandon ambibilis magsalita tapos with accent pa!"

"Oh edi papabaonan ka namin ng madaming tisyu!" Asar ko dito.

Nagasaran lang kami at di kalauna'y dumating na din ang itim na van. Sumilip si tito Ivan, daddy ni Estella, at sumenyas na sumakay na kami. Bumaba din si manong Oscar para pagbuksan kami ng pinto.

Pinauna na namin si tita Vanessa at ate saka kami sumakay sa likod.

"Kuya, daan muna tayo sa Wilkinson University ha?" Paalala ni tita.

"Di ka sasama ate?" Tanong ni Kailo saka hinawi ang buhok palikod. Pacute pa di naman nakikita pwe!

Nitong bakasyon lang namin nalaman na crush pala ni Kailo si ate Cathy. Kung hindi pa namin natalo sa chess ---which is nadaan namin sa dayaan ni Estell, para madare sya na aminin kung sino yung crush nya.

Kaya ayon, tuwing pupunta sila sa bahay ay parang di na sya mapakali. Lalo na pag bigla nalang kaming tatawa ni Estella o di kaya naman ay makikita namin si ate tapos titignan namin sya. Minsan pabiro ko din na tinatawag ang pangalan nito kahit na alam ko namang wala sya sa bahay.

"No na, I have my exams pa eh." mahinahong sagot ni ate kaya naman mas lumaki pa ang ngiti ni Kailo kung saan lumitaw ang dimples nito.

"Kailo mukha kang manyak stop na!" Bulong ni Estella at bahagyang nakadukwang. Nasa gitna kasi nila akong dalawa nakaupo.

Bigla naman nawala ang ngiti nito saka matalim na tumingin.

"Wag ka magalit totoo naman kasi!" Angil ko dito kaya napairap nalang sya at nagcross arms na tumingin sa labas ng bintana.

"Bading!" Asar ni Estella.

"Sorry na bebe Kailo!" Pakunwari ko itong niyakap.

"Bati mo kami o sasabihin naming crush mo si ate?" Bulong ko dito. Agad naman syang napaupo ng maayos at napatingin saming dalawa.

"Happy kayo?" Seryosong tanong nito habang nakataas ang kaliwang kilay.

Nagpatuloy ang asaran naming tatlo sa likod. Hindi naman na kami sinita sa ingay. Iniisip nalang siguro na ito na ang huli naming kulitan kaya ganoon.

What lies aheadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon