Chapter 9:
/Rescue/
Sydney
Sabay kaming napalingon sa likod at nakitang nakaupo din ito katulad ng sa amin. Nakasuot sya ng hoodie at may hawak hawak na rubics cube.
"Oh, look whose doing the same thing." Tanging nasabi ko.
"Galit na galit ka pa rin pala hanggang ngayon." Tumatawa itong tumayo.
Nang makitang wala na 'yong tinitignan namin ay tumayo narin kami at pinagpagan ang mga pantalon.
"Bakit ka nandito?" Matapang kong tanong. Napangisi lang ito bago ipinasok ang mga kamay sa bulsa.
"Sinusundan mo ba kami?" Dagdag ko pa dahilan upang kumawala ang pinipigil nitong tawa.
"No." Natatawa itong umiling bago itinuro ang di kalayuang palikuran sa gilid namin.
"Okay." Isinukbit ko ang kamay ko sa braso ni Hannah saka hinila na sya paalis.
"You're still the same Syd." Rinig ko pang pang-aasar niya bago pa man kami makalayo.
"At nakakabwisit ka pa rin, Vince." Huli kong sinabi bago dinala si Hannah sa canteen.
"Gurl sino yun?" Takang tanong nito pagkaupo.
Sasagutin ko palang sana iyon ng makita kami ng naglilibot na guard at pabalikin sa kanya-kanyang klase. Kaya wala kaming nagawa kundi ang sumunod.
Sakto namang walang teacher at natutulog lang ang karamihan ng makapasok ako.
"Oo p're! Alam mo ba nakakabwisit nga eh kasi akala nila sila lang laging iniintindi." Rinig kong reklamo ng isang lalaki mula sa likod ko.
May iilang nagkumpol doon at nagkwentuhan. Puros mga lalaki.
"Tangina p're! Mahihilig mag demand na kailangan daw silang irespeto, igalang. Puro kagaguhan tapos di sila marunong rumespeto sa'ting mga kalalakihan?"
"Oo nga lagi nila tayong nilalahat tapos lalandiin tayo pag bored sila!"
Sa totoo lang ay mukha silang mga tangang mag-aalsa laban sa pamahalaan. May pataas-taas pa ang mga ito ng mga kamao. Muntanga naman.
"Pwede bang pakihinaan ang boses nyo?" Sigaw ng babaeng katabi ko. Tinaggal nito ang suot na earphones at ibinaba ang hoodie.
"Bakit mahina lang naman boses namin ah!" Palabang na sabi nung payatot.
"Pakihinaan pa." Malumanay na sabi nito bago bumalik sa pagkakasubsob sa lamesa.
Binalewala lang ng mga iyon ang sinabi nito at nagpatuloy sa malakas na pagtawa.
"Ano ba ha!" Padabog na tumayo ang babae dahilan para bumagsak ang cellphone nya sa sahig. Di nya naman iyon pinansin at diretso lang ang tingin sa mga lalaki.
"Problema mo ha?" Sigaw pabalik ng payatot na malapit lang sa kanya.
"Pwede namang magkwentuhan ng mahina lang ang boses diba?" Sagot nito, medyo nakatingala syang tumingin.
"Pwede namang matulog ka nalang ng walang reklamo diba!" Ganti pa nito.
"Wow ha? Hihinaan nyo lang naman mga boses nyo mga dong!"
Akmang tatayo na yung pinakaleader nila, yung nabangga ko kanina, ng biglang may pumasok na teacher sa loob.
"Anong nangyayari dito!?" Sigaw ng teacher.
"Ikaw na naman mr. Romualdo!?" Aniya pa ng makita ang lalaki sa likuran ko.
"Sir sya po ang may kasalanan!" Depensa nito at tinuro pa ang katabi ko.