Ang pain, versatile yan. Kahit san mo ilagay, makahahanap pa rin yan ng oras para sa'ting lahat. Kahit gaano ka pa kahirap o kayaman, di niya pansin ang status mo.
Di niya pinalalampas kada panahonna makikita nihya. May schedule din ang pain parang isang college student- pagkatapos ng happiness o bago ang happiness.
May sinusunod na batas ang pain eh. Isang batas na nagsasabing bawal magtagal sa isang tao ngunit pwedeng balikan ang taong iyon.
Ang pain, famous yan kasi yung mga taong nasasaktan, mas ine-exaggerate pa nila ang pain kesa sa pagpapasalamat sa happiness sa buhay nila.
Tulad ko.
Naisusulat ko ang nobelang ito dahil gusto kong ibahagi ang sakit na iniinda ko ngayon dahil ayaw kong ibahagi ito nang personalan sa ibang tao.
Ewan ko kung ang pain ba na ito ay mawawala nang bigla at susunod sa batas o yung mas masakit, magtatagal at lalabag sa batas o di kaya, ako lang ang gumagawa ng mga pasakit sa buhay ko.