»»----- Karagatan ng Kasinungalingan -----««
Sa bawat salitang binitawan
Na hindi na dapat pinakinggan,
Sa bawat salitang tumatak sa isipan
Na nararapat nang kalimutan,
Mga salitang puro kasinungalingan
Na nagdulot ng sandaling kasiyahan,
Mga salitang bumihag sa puso't isipan
Na hindi na kailanman malilimutan;
Kung hindi lang sana pinakinggan,
Tiyak wala nang masasaktan
Kung hindi rin naman paninindigan,
Bakit kailangan pang sabihan?
Nalunod tuloy sa karagatan
Karagatan ng kasinungalingan
Inanod ang nagbulagbulagan
Walang bangkay sa kailaliman
---
Tula sa taong 2018
BINABASA MO ANG
Daluyong ng Karimlan || tula
PoetryAng malumanay na alon ng dagat ay maaaring mabago ng panahon. ▪️ simula: May 27,2020 ▪️ highest rank: #1 tula (May 24, 2022)