Sa susunod na titignan ko ang iyong repleksyon,
Sisiguraduhin kong hindi na ako magpapalamon sa aking emosyon,
Sisiguraduhin ko ring hindi na tatangayin ang iyong ngiti ng alon.
Hindi ka na muling mawawala, kahit ikaw ay bunga na lamang ng imahinasyon.
Sa susunod, muli tayong pagtatagpuin ng ating nangaubos na panahon.
BINABASA MO ANG
Daluyong ng Karimlan || tula
PoetryAng malumanay na alon ng dagat ay maaaring mabago ng panahon. ▪️ simula: May 27,2020 ▪️ highest rank: #1 tula (May 24, 2022)