Pakiramdaman mo ang tubig na rumaragasa mula sa talon,
Ganoon kaagresibo ang aking naguumapaw na emosyon
Damhin at pagmasdan mo rin ang maliliit na paghampas ng alon
Mahinahon ang tubig, sapagkat tiyak na sa kung saan paroroon
Hindi na rin kakailanganin pang gumamit ng mga aguhon
Dahil sa'yo, naglaho na ang ibang pinag-aagusang direksyon.
BINABASA MO ANG
Daluyong ng Karimlan || tula
PoetryAng malumanay na alon ng dagat ay maaaring mabago ng panahon. ▪️ simula: May 27,2020 ▪️ highest rank: #1 tula (May 24, 2022)