CHAPTER 2 -Si Felip Jhon

8 1 0
                                    

Chapter 2

FELIP JHON POV

Kagabi naglakas loob akong magcomment sa post ng aking long time love interest na si Elesa. Grabe ang ganda kasi ng stories na ginagawa niya sa wattpad. Tapos nakakarelate pa ako sa mga stories na ginagawa niya. Nakakabwisit lang na laging umeepal sa amin yung muse kuno ng Tourism na si Coreen Trinidad. Binabash lagi works ni Elesa which is hindi na makatarungan. Kahit na marami na siyang readers na almost 600k plus. Palibhasa kasi puro paganda lang at pagpapabebe alam ni Coreen. I heard some rumors na nagpapabayad siya sa mga prof namin kapag bagsak siya. Alam niyo bayad niya? No hindi pera kundi katawan daw. Hayss kung totoo man nakakahiya siya hindi siya marunong mageffort sa pagaaral. Hindi katulad ng Langga ko na si Elesa. Hayss kapag talaga malapit na yung Graduation Farewell Party namin don ako maglalakas loob umamin sakanya . Sa harapan mismo ng mga batchmates namin ko ipagsisigawan na MAHAL na MAHAL ko si Elesa Jane. Habang nagmumuni muni ako ay biglang tumunog yung phone ko. Nakita ko yung pangalan ni Elesa at napangiti ako. Pipindutin ko na sana nang biglang nagring cellphone at tumambad sakin yung pangalan ng bestfriend ko na si Austin. Hay nako wrong timing naman at sinagot ko na tawag niya baka mahalaga.

"Hello dre? Napatawag ka ano kailangan mo ?" Cold ko na tanong sakanya .

"Grabe naman dre ? Parang ayaw mo ako makausap . May mahalaga kasi akong sasabihin sayo. Sorry ah kung naabala kita , ganto kasi yon may Dance contest. Alam ko namang dancerist ka at magaling. Baka naman gusto mo sumali Dre? " nagliwanag mukha ko nung minention nya yung dance fest dahil nga next week foundation week na .

"Dre ! Sorry sa tono ng boses ko. Pero G sali tayo mamaya magaudition na tayo " excited ko na sagot kay Austin. Naguilty tuloy ako nung naging cold pagsagot ko. Pero sanay na yan sa topak ko kaya love ko din yan eh.

"Sus ! Wala yon hintayin nalang kita sa corridor ng Architecture building ah? O siya magaalmusal pa kami sige dre bye " at tuluyang binaba ni Austin ang kanyang cellphone . Bago ako maligo ay tiningnan ko muna yung notification ko galing kay Elesa.

Elesa Jane Real replied to your comment on her post

Elesa Jane Real :Thank you Jon ! Much appreciated 😍 .

Waaaaah kakainis kalalaki kong tao marupok ako. Hayss kung alam mo lang Lesa mahal na mahal kita. Yun lang tagal na akong torpe baka kasi mamaya ireject mo lang ako. Pero ngayong malakas na loob ko tatiming na ako para magpakilala sayo .

Napagisipan ko nang maligo para maaga ako makapasok para magreherse sa audition mamaya. Hinubad ko na ang aking pangitaas at tuluyan nang pumasok sa cr. Bago ako maligo ay tumingin muna ako sa salamin naming medjo malaki. Pansin ko na nawawala na abs ko kaya balak ko bukas na magwork out.

Pagkatapos kong magsalamin ay hinubad ko na pangibaba ko at naligo. Mabilis akong natapos ngayon dahil sa sobrang excited ko na magaudition at makita si Elesa. Pagkaligo ko at binalot ko ang twalya sa pangibaba ko at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto ko. Ako lang magisa sa amin at yung lolo at ako ko ay nasa CDO sa probinsya. Natatawa ako kay Lolo hanep ! Ang sinuggest na pang display na hall ng condo ko ay mula pa sa ninuno namin as remembrance daw. Which is weird kasi mula sa descendants namin hanggang sa generation ng parents ko . Ang pinaka nakatatak sa isip ko yung picture ng great great grandfathers ko na kambal sa side ni papa. Kamukhang kamukha ko sila mula mata hanggang labi. Ang names pala nila ay si Eduardo at Patricio na namatay at hindi nagkapamilya. Ang tragic ng naging kapalaran ni Lolo Patricio ko. Buti naman ay nagkapamilya si Lolo Eduardo which is kami yung ascendants niya. Sayang naman kung hindi maglalaganap ang lahi naming gwapo. HAHAHAH char lang hindi naman ako GGss ano lang confident. Pero minention sakin ni Lolo Felipe na pinatay daw si Lolo Patricio sa hindi malamang dahilan at sadly hindi pa din kilala kung sino yung culprit. Kasama niya ding namatay ang nobya nitong si Miranda na magiging lola ko sana ngunit hinihinalang patay din daw.

Ink of Blood ||An Sb19 Horror Fan Fiction||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon