Chapter 3 -Dance Auditions

4 0 0
                                    

Chapter 3

ELESA POV

Natapos ang amin klase at tuluyan nang nagpaalam ang aming last subject teacher. Buti nalang inaayos nalang namin yung last requirements tapos pwede na magcelebrate. Bale isang linggo yung foundation week namin at after the foundation week may dance contest. Sana matanggap yung bff ko na si Manissa or Issa para hindi mahaba. Well magaling din siya at maeffort sa rehersals sa studio sa bahay nila. Excited din akong mapanood si Felip mamaya . Hayss ansaya lang kanina kasi first time kong makasama ng matagal si Felip. Yun nga lang umepal si Coreen nakakainis , kung makaasta siya parang boyfriend niya si Felip . Nang palabas ako ng classroom namin ay nakaabang na don si Issa.

"Hi bessy ! Dahil maaga kami natapos ikaw nalang inantay ko " saad niya sakin nangiti ako ng halong hiya

"Ehh hindi ba nakakahiya imbes na ako maghintay sayo eh ikaw naghintay sakin? " ngumuso ito at umiling

"Maaga kami atsaka ayos lang yun , tara na nagaayos na sila " hinila na niya ako pababa ng building which is nasa third floor kami. Nageffort pa siyang sunduin ako eh magkikita naman kami sa baba. Ang layo pa naman ng room nila. Bale si Issa kasi tourism student katulad ni Coreen. Ang malas pa eh kaklase niya iyon . Kaya todo iwas siya don eh , at alam lahat non nangyayari kay Coreen. Ngunit dahil ayaw niya ng away hindi nalang siya nagsasalita ng masama about kay Coreen.
Nang makababa kami sa building ng English major ay nagulat kami na andaming estudyante ang nakaabang sa Gym. Nakita ko dun ang mga dancers na barkada namin ni Issa na sila Leila ,Ash at Edilane . Napatingin ako sa gawi nila Felip at Austin. Nakita ko kung paano magperform si Jake , grabe ang angas. Halatang nageffort magpraktis si Jake at for sure matatanggap to. Bale may 2 categories female group at male group. Individual yung audition at ang nakakatuwa kayo pipili ng gusto niyong grupo. Ang advance nga nila Leila eh nagusap na sila nila Issa at ng iba naming kabarkada. Kaya todo dasal ang mga kaibigan ko pati ako na makasali sila at matanggap.

"Besssyykellsss ! Sana matanggap tayong lahat " naggroup hug kaming magbabarkada ng sinabi yon ni Ash

"Oo nga eh kinakabahan ako , sana magbunga yung effort ko at sainyo man" sabi samin ni Issa na may halong pagkabahala

"Oo yan Issa kaya niyo yan guys ! Fight fight fight ! " cheer ko sakanila at naggrouphug kami uli at pinagpatong pataong namin ang aming kamay at tinanggal ito. Napatingin samin sila Felip at ngumiti ito sakin ng pagkatamis tamis. Espiritu ng karupukan layuan mo muna ako !

"Hi Elesa , wish me luck isa ka din sa mga inspirasyon I mean when it comes to determination lalo na sa passion mo" ngiti nito sakin na medyo nahihiya. Kinilig ako sa part ng inspirasyon hayss kakatouch lang.

"Hellloo Felip ! Goodluck sainyo nila Austin ,alam kong matatanggap kayo lalo na nakita ko yung effort niyo sa pagpapraktis " ngumiti din si Austin samin at lumabas ang gummy smile niya. Na siyang kinakilig ni Issa dahil crush na crush niya ito.
Sa bilis ng pangyayari hindi ko namalayan na niyakap ako ni Felip ng mahigpit . Ganon din ang ginawa ko sakanya , at pumiglas na ako dahil baka andyan mga fangirls niya. Buti kami lang ng mga barkada ko at niya ang nandon dahil tapos na yung iba magaudition .

"Yieeeh bessy type ka ni Oppa Felip! Tingnan mo minsan pag malayuan sinisilayan ka niyaaa " asar sa akin ni Edilane . Totoo kaya yun ?ayaw ko kasi magassume kahit na alam kong lagi niyang nakikita itong si Felip dahil kaklase niya ito. Lumapit ako dito at bumulong sa kanyang tenga.

"Gaga ka ba? Walang malisya lang yung hug baka kabado lang kaya niyakap ako bigla" pero aminado ako nagustuhan ko yakap niya

"Yieeeeh " pangaasar sakin ng mga barkada ko.

"Tse! Uuwi na ako hige ang gagaso niyo kasi eh" pananakot ko at kunwari uuwi na ako dahil maglalakad ako gawing corridor ng pigilan ako ni Felip.

"Elesa ! Paano kami ? Dito ka muna walang aalis hanggat hindi pa kami nakakapagaudition " tumigil ako at ngumiti sakanila

Ink of Blood ||An Sb19 Horror Fan Fiction||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon