Melizza as Elesa Jane / Miranda
Ken Suson as Felip Jhon Suson /Patricio and Eduardo Suson
Year 1900
"Patriciooooo! Tulungan mo akong makawala dito huhu ayaw ko pang iwan ka !" Sigaw ko ng may halong paghikbi , ginapos ako ng walang hiya kong madrasta dahil ayaw niya kami magkita ni Patricio .
"Mahall!!! Saglit lang hinahanap na kita . San ka banda ?!" Sigaw na tanong nito sa akin nasa tuktok ako ng tore sa kagubatan kung saan ako kinulong ni Mama este ng Walang hiyang Matilda na iyon. Nalaman niya kasing umiibig ako sa isa lamang daw anak ng magsasaka at Indio. Mahal na mahal ko si Patricio kahit na magkaiba kami ng katayuan sa buhay at lahi kaya gagawin ko ang lahat para makasama siya.
"Mahaaaaaaal!!! Nasa toree akooo " dahil sa lakas ng boses ko ay napatingin sa itaas ang pinakamamahal ko na si Patricio
"Sandali lang mahal aakyat na ako " tuluyan na siyang pumasok sa tore at narinig ko ang malalakas na yapak ni Patricio habang paakyat sa tore. Palapit ito ng palapit hanggang sa may narinig ako malakas na kaldabog sa pintuan . Nagulat ako na sinipa ito ni Patricio dahil mahirap itong buksan. Dali dali siyang lumapit sa akim at niyakap ako ng mahigpit.
"Mahal ko! Tatakas na tayo ayaw kong makita kang naghihirap dahil sa akin!" Napatingin ako sa kamay niya dahil may kinuha ito sa bulsa ng pantalon niya. Susi! Paanong nakuha niya ang susi sa toreng ito??
"Mahal paano mo nakuha yang susi sa tore ? Ang hirap pa namang isahan si Matilda lalo nat napakatuso nun " ngumiti ito sa akin na siyang nakapagalis ng kaba ko sa dibdib
"Mamaya ko na ikwento sa yo mahal ang mahalaga makaalis ka sa gapos na ito " tinanggal niya ang kadenang nakagapos sa paa ko gamit ang susi ng madrasta ko. Niyakap at hinalikan ko siya sa tuwa , aalis na sana kami ng humangin ng malakas.
"Akala niyo maiisahan niyo ako mga hangal" nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang tinig ng napakasama kong madrasta
"Matilda! Walang hiya ka bakit mo ako kailangang pahirapan ng ganito? Nagmamahalan naman kami ni Patricio maari mo namang hindi idaan sa ganitong paraan " sinamaan ako ng tingin nito at nabaling naman kay Patricio na siyang ikinataranta ko.
"May usapan tayo na lalayuan mo na si Miranda at magpapakasal sa katulad mong Indio. Pero sinuway mo ako ! Dahil sa katigasan ng ulo mo mawawala na sayo ang minamahal mo na si Miranda HAAHAHAH " tumawa eto ng parang demonyo at bigla niyang nilabas ang kanyang baril at tinutok niya ito sa akin pinaputok niya ito . Sa bilis ng pangyayari biglang humarang si Patricio sa harapan ko . Tumalsik ang dugo nito sa mukha ko at natumba .
"Ma--hal! Huhuhuhu hindi maari ! Magpapakasal pa tayo huhuhu magtatanan pa tayo hindi pw---deeee PATRICIOOOOOOOOOOOO ! HAYOP KA MATILDAAAAAA " lumakas lalo hikbi ko ng biglang tumingin sa akin si Patricio na ngayon ay duguan ang tiyan.
"Maa--hal *ehem * ehem pangako mo sa akin ! Hindi mo ako ka--kali--mutan *ehem *ehem pa--ta---" at tuluyan nang napikit ito at nalagutan ng hininga . Ngumisi ng malademonyo si Matilda sa akin at binalibag ang isang tampipi na may laman na aking talalarawan at pluma (feather ) at tinta
"Nalaman ko lahat ng plano mo Miranda kaya ko ginawa sayo to ! Hindi ako papayag na makakatuluyan mo ang taong walang alam sa pamamalakad sa gobyerno. Gusto kong magkaroon ng kapamilyang mayaman para mas lalong lumakas ang ating kapit" nangilid ang luha ko ng malaman ko ang masakit na katotohanan. Na salapi lamang at kapangyarihan ang mahalaga sa aking pamilya.
"Isang kang gahamang ina Matilda akala ko mabuti ka ! Akala ko hindi na ako mangungulila muli. Lumayas ka na sa paningin ko bago kita patayin" tumawa ito ulit at may kinuha siya sa bulsa ng kanyang saya . Isang posporo at maliit na bote na ang laman ay parang langis. Ang sama niyaa !balak niya pang sunugin ang Tore na ito.
Mahal kong Patricio tila hindi ata tayo magkakasama sa langit . Gusto ko pang maghiganti sa kahayupang ginawa satin ng aking madrasta. Tiningnan ko siya ng masama at sinimulan na niya ang pagsaboy ng langis sa aking saya . Sinindihan na niya ang palito at tinapon ito sa sahig. Nagumpisa nang sumiklab ang apoy at bago ako tuluyang mamatay ay nagiwan ako ng mga salita .
"SINUSUMPA KO NA ANG SINUMANG MAKAKUHA NG AKING TALALARAWAN AT PANULAT AY MAGDURUSA TULAD KO. SA BAWAT PAGSULAT NITO AY KAPALIT AY KAMATAYAN. KAPAG GALIT ITO AY MAISUSULAT NIYA ANG NASA LOOB NG KANYANG ISIPAN. BABALIK AKO SA SUSUNOD UPANG MAGHIGANTI WAAAAAAAAAAAAAH" at tuluyang nang kumalat ang apoy sa buong tore.
Third Person POV
Tuluyan nang kumalat ang apoy sa Tore na kung saan ginapos ni Matilda si Miranda. Mabilis kumalat ang apoy sa paligid kaya napadali ang pagkamatay ni Miranda. Tila totoo ang sumpa dahil ang naiwan lamang na buo ay ang tampipi nito na naglalaman ng talalarawan ng binibini at pluma Nagiba din ang ihip ng hangin habang naglalakad si Matilda palabas ng tore. Napakalakas nito at isama mo pa yung powerful na kulog at kidlat na nakikita mo sa mga horror movies. Habang humahangin ng malakas ay biglang may babaeng sunog ang balat na nakasaya ang tumambad sa harapan ni Matilda. Kaloka! ang kaluluwa ni Miranda ay nagKatawang tao at oo nga ! Nagkatotoo ang sumpa ng babaita."Akala ko patay ka na!" Gulat na saad ng tanders kay Miranda
"AKALA MO LAMANG IYON! AT NGAYON ORAS NA PARA IKAW ANG MAWALA SA MUNDONG ITO HAAHAHHAHAHA " Yikes tumawa ng malademonyo si Ate mong Ghorl at humangin ng malakas at may puno ng Acacia ang matanda na natumba sa echoserang madrasta nito. Unti unti nang nalagutan ng hininga ang tanders na siyang kinatuwa ni Miranda.
"Hinding hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakapaghiganti ! Gusto kong mamatay ang taong makasarili at jung sino man ang makapulot ng tampiping ito ay ang kanyang susi sa aking paghihiganti HAHAHAHAHAH " tuluyang naglaho ang Binibining nakaloka na nagsakop na sa demonyo.
PRESENT DAY 2019
"Magbabalik ako MUHAHAHAHA" sigaw ng isang babaeng sunog ang balat. Napatili ako at nagising bigla ng humuhulas . Hanep ! Akala ko totoo yung lahat kakatakot naman ng panaginip ko. Nang magising ako ay chineck ko ang cellphone ko . Nalungkot ako kasi another notif about sa pambabash sa works ko. Isa na dong mga bullies sa school.
Coreen Trinidad commented on you post
Coreen Trinidad
Ano ba yan naging author ka pa! Eh ang cliche at panget ng plot mo.Tumulo luha ko nang makita ko comment ng bullies ko sa school. To be honest I'm still learning as a writer ,good thing may prof ako na English teacher na tinutulungan ako. Isa ko pang inspiration ay ang aking crush na si Felip Jhon AKA Jon- Jon. Isa siya sa mga nakakaappreciate ng stories ko sa Fb at Wattpad. Through shares and reacts eh napapakilig na niya ako. Bali si Jon architecture student at ako ay english major. Graduating na kami parehas na siyang kinaexcite ko dahil ilang months nalang graduation na namin. I forgot to mention ang estudyanteng Summa Cum Laude na award ay maghohost ng aming farewell graduation party. Mamaya pang hapon ang schedule ng pasok kaya humilata muna ako saglit para magcheck ng notifications . Hindi ko ineexpect na nagcomment si Jon sa post ko. I heard mahiyain ito pero napakakalog kasi may time na magkasama sila ni Austin De Dios eh nakatawa ito at maingay. Kaya ko siya nagustuhan dahil sa ugali niya hindi dahil sa gwapo at sikat siya sa school namin.
Jon Suson commented on your post
Jon Suson : I saw the last story you updated on your wattpad account. Btw ang ganda kakaiba yung plot twist nakakakilabot. Sana manotice mo ako future writer 😍.
Hanep kakakilig yung may heart eyes emoji. Haysss Jon -Jon huwag ka namang pafall oh . Nangiti lamang ako at saglit na natulala sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Ink of Blood ||An Sb19 Horror Fan Fiction||
HorrorKapag hindi mo mapigilan ang iyong galit dadalhin mo ito hanggang sa iyong kamatayan. Dahil sa nakaraan ay maapektuhan din ang kasalukuyan.Lalo na kung hindi mo pinalampas ang isang bagay na nagdudulot sa iyo ng sakit. I don't believe in ghosts of t...