WRITING CONTEST AT SIMULA NG SUMPA
ELESA POV
Mondaaaay naaaa waaaaah start na ng foundation week namin hihi. Nakakatuwa dahil maaga ang mga estudyanteng nagprepare sa foundation week. Naalala ko nung last friday naghanda na pala sila . Tapos nung sabado may pasok kami nun eh. Ayon habang nagaaudition sila Issa at Felip may nabayos na sa "The Great Oval" dahil sobrang lawak nito parang kalahati ng PHILIPPINE ARENA. Oh diba ? ganon kalaki ang school namin partida oval palang yan ah. Doon naggaganap ang aming activities like mga palaro , contests like yung dance na sa next week pa . Singing which is mamaya na din kasabay ng writing contest . Tapos may battle of the bands at cheers each courses . May parade pa ng DIY recycled filipiniana gowns na pakulo ng Fine Arts students tapos booths syempre hindi mawawala yun hehe so eto ako ngayon maagang gumayak papasok sa school. Sobrang excited ko na kasi atsaka magpapapraktis pati ako. Dapat mabilis kang makaisip ng plot line sa contest dahil ang time ay 15 mins. Bali ang gagawin namin ay short story at bubunot kami isa-isa sa fish bowl na naglalaman ng iba't-ibang genre. Nagpaalam na ako kay mama at naisipang dumiretso sa campus. Nauna ngayon sila Felip, barkada niya at mga barkada ko na sila Issa. Dahil may rehersals daw sila at mamayang hapon ang break nila. Sakto sa oras ng aming writing contest which is at 2pm . Madali akong nakasakay ng jeep at buti nalang mabait at hindi ako nilagpas. Bumaba na ako sa jeep at naisipan ko munang silipin sila Issa at Felip upang malaman kung ano lagay nila. Halos lahat ng estudyante ngayon ay nakacivilian. May mga conservative ang pananamit like may nakita akong estudyante na lagpas tuhod ang damit. Tapos meron ding sobrang revealing to the point kita na yung kaluluwa. Yan tuloy pinauwi ni kuya guard dahil kahit sa State university kami nagaral ay mahigpit ang aming dress code . Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa Dance studio ay nakasalubong ko grupo nila Gabriela at Coreen. Nagulat ako sa mga kasuotan nila lalo na kay Coreen. Ang hanep naka fitted na cropped tube top yung parang kay Nadine Lustre na checker board na uso ngayon. Hindi naman bagay sakanya kahit maganda siya dahil unang una malaki hinaharap niya. Tapos naka track pants na adidas na green at white sketchers D'lites . Bawal samin nakatube siguro ay madiskarte lang sila kaya nakapagdamit sila ng bawat. While si Gabriel naman ay naka white crop top na fitted at litaw ang kaluluwa niya. Tapos hindi pa nakuntento nakamini skirt pa na pink at naka D'lites na black like nung kay Coreen. Inirapan ako ng ibang barkada ni Coreen at bigla itong lumapit sakin with matching taas ng kilay.
"Well well ! Looks who's here , isang manang na naglalakad papunta sa Dance Studio. Balak atang landiin bebe mo sis " sabi ni Gabriela sakin with matching taas kilay din ay at ngiting nakakaasar . Hayss kakacringe gaya gaya siya ng style at ugali kay Coreen.
" No no no! Hindi ako makakapayag na mapunta sakanya si Oppa Felip ! Sakin lang siyaaaa and lalo na hindi ako papayag na mananalo siya sa writing contest mamaya dahil kasali din ako . I should be the one who will win " confident na saad nito . Pinakita kong inirapan ko silang lahat at nagsalita na ako for the first time.
"Paano mo nasabi na ikaw ang karapat- dapat manalo? Bakit kaya mo bang umisip ng plot line ng 5 mins lang ?at magsulat ng 10 mins. Mahiya naman sayo yung mga ibang professional na writers . Eh ni isang piyesa nga di ka makapagisip agad paano pa kaya mamaya gagawa tayo short story. Bago ka magyabang make sure na naisampal mo sakin yung awards na Best in Journalism award . I heard wala ka pang experience sa mga writing contest at hindi ka pa highly skilled lalo na't mababa yung languange proficiency sa entrance test mo dati. DON'T . MESS. WITH. US. WRITERS. lalo na sa Editor in chief na katulad ko kaya Ciao !move away " hindi ko sinasadyang magyabang sakanila dahil hindi ko na kayang nananakit sila ng kapwa babaeng estudyante dahil sa obsession nila kila Felip . Tinaboy ko sila at nagwalkout ako nang umalis ako ay nga nga silang lahat . Yes totoo yung sinabi ko na editor in chief ako sa school namin at nilalaban din ako sa journalism. This is the last time na magjojoin ako sa contest dahil end of school year at graduating kami.
BINABASA MO ANG
Ink of Blood ||An Sb19 Horror Fan Fiction||
TerrorKapag hindi mo mapigilan ang iyong galit dadalhin mo ito hanggang sa iyong kamatayan. Dahil sa nakaraan ay maapektuhan din ang kasalukuyan.Lalo na kung hindi mo pinalampas ang isang bagay na nagdudulot sa iyo ng sakit. I don't believe in ghosts of t...