Chapter Two

12 8 0
                                    

"Ang bagal mo talaga Dania! Bilisan mo naman diyan! Baka maabutan pa tayo ng gabi eh!"

Napatingin ako kay Izza na mabilis na naglalakad sa harapan ko. Bakit kasi hindi niya ako hintayin para hindi siya mag reklamo?

"Bakit ba kasi tayo pumayag? Hellooo? Bloody Academy? Hindi ka ba natatakot Yzza? Ang creepy kasi ng name," ani ko kaya napatingin siya saakin.

She smirked. "Natatakot ka ba Dania? Kaya nga tayo mag-e-enroll kasi ang creepy ng name. Napaka-unique ng school na 'to. Parang exiting! Ang challenging!" aniya at patuloy naglkad.

Oo nga, sobrang unique! Nandito kami ngayon sa gubat at hinahanap ang school na 'yon. Bakit ba nandito ang school na 'yon? Sa gubat talaga? Ang creepy!

"Bilisan mo na Dania Joson!" sabi niya at tiningnan ang mapa na ibinigay saamin ng matanda.

Hindi ko nga alam kung bakit sumama pa siya eh. Mayaman naman siya at kayang lumipat sa mas matinong school. Kung may pera lang sana ako ay hindi na ako pupunta sa creepy na school na 'yon.

"Izza, 'wag kang lalayo saakin. Baka may lumabas na snake o kaya naman aswang!" natatakot ko pa na sabi sa kanya.

Tumigil naman siya sa paglalakad at nakangiting hinawakan ang kamay ko.

"Wag kang matakot Dania. Meron akong asin at bawang sa bag ko para ready tayo kapag may aswang na lumabas." aniya at mahinang tumawa.

Napa-pout na lang ako dahil sa sinabi niya. "Sige. Ikaw na ang bahala saakin dahil natatakot talaga ako!"

Napatawa siya dahil sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kapag may aswang na lumapit saamin, siya ang pakakainin ko!

"Tara na!" aniya at patakbo akong hinila.

"Teka nga, sure ka ba sa dinadaanan natin?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Baka kasi naliligaw na kami eh.

"Oo naman! Ako pa ba? Mas matalino kaya ako sa mapa!" mayabang na sabi niya pa.

I rolled my eyes. "Ang yabang mo bestie!" sabi ko pa kaya napatawa siya.

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad at nag-focus sa dinadaanan namin.

...

"Ano best? Tutuloy pa ba natin 'to?" tanong ko kay Izza. Nagtatayuan ang mga balahibo ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Nasa harap na kami ngayon ng Bloody Academy. Napaka-creepy! Para siyang hunted house! Paano 'to naging eskwelahan? May mga matitino pa ba na estudyante ang nag-aaral dito?

"O-Oo best! Ang astig 'no? Mas lalong nagiging challenging!" aniya kaya napakunot ang noo ko.

"Seryoso ka ba Izza? Ang creepy kaya!" sabi ko pa sa kanya pero parang wala lang ito sa kanya. Ang sarap niya sampalin para magising siya eh!

"Pasok na tayo," aniya pero agad na hinawakan ko siya. Tumingin siya saakin at umiling naman ako.

"Natatakot ako..." ani ko.

Napakunot ang noo niya. "'Di ba gusto mong patunayan sa papa mo na makakapagtapos ka kahit na hindi ka niya sinosuportahan? Dania, eto na ang chance mo! Ayaw mo pa ba talaga?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama siya. Gagawin ko ito para sa kinabukasan ko! Makakapagtapos ako dito! Malay naman natin, baka maayos ang loob ng school na ito.

"Si...Sige," sabi ko kaya napangiti siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok sa malaki at nakakatakot na school na ito. Nakakapagtaka nga lang dahil walang tao sa labas. May tao pa ba dito?

Kahit kinakabahan ay pinilit ko pa rin ang sarili ko. Nakakatakot talaga. Parang may mga matang nakatingin saamin kahit na wala.

Tuluyan na kaming nakapasok sa entrance ng school. Isang babae naman ang bumungad saamin na para bang hinihintay ang pagdating namin.

"Welcome to Bloody Academy! Young ladies!" sabi niya saamin. Malakas ang aura niya at mukhang mayaman dahil sa kanyang porma. Pero hindi bagay sa kanya ang eskwelahan na ito. Bakit kaya siya nandito?

"Uhm, ako po si Izza Bersalona at siya naman po si Dania Joson," sabi ni Izza sa babae.

"Welcome, Izza and Dania. Ako si Madam Hermita. Ako ang principal ng school na ito." nakangiting sabi niya pa.

Napatingin ako kay Izza. Nakangiti din siya kay Madam Hermita.

"Mag-e-enroll kayo?" tanong ni Madam Hermita.

"Yes Madam, may nakapagsabi po kasi saamin na libre po dito ang lahat. Totoo po ba 'yon?" tanong ni Izza.

Tumango si Madam Hermita. "Oo. Ang kaylangan niyo lang ay sundin ang mga rules dito," aniya.

"Ano po ba ang mga rules dito?" tanong ni Izza.

"Malalaman niyo iyon kapag nakapasok na kayo sa inyong dermitoryo." aniya.

"May papapirmahan kami sa inyo. Birth certificate copy lamang ang kaylangan niyong ibigay saamin para makapasok kayo dito,"

Tumango kami sa kanya at ngumiti. Ibinigay namin sa kanya ang birth certificate copy namin at pinirmahan ang pinapirmahan niya. Para itong contrata.

"Follow me," sabi ni Madam Hermita. Sinundan naman kaagad namin siya papunta sa kung saan.

Habang naglalakad kami ay may mga nadaanan kaming mga estudyante. Parang gulat at nagtataka sila habang nakatingin saamin. Nakapagtataka, bakit kaya ganon ang reaksyon nila.

Tinangal ko na lamang 'yon saaking isipan at patuloy na naglakad.

"Eto ang susi ng dormitoryo niyo. Kayong dalawa ang magka-roomate," sabi niya sabay bigay saamin ng susi. "May pupuntang estudyante dito para ibigay ang uniform, schedule, school supplies at iba pang pangangaylangan niyo. Hintayin niyo na lang siya. Mauna na ako dahil may kaylangan pa akong gawin,"

"Salamat po," sabi namin. Muli siyang ngumiti at naglakad paalis.

Pumasok kami sa dorm namin. Malaki ito at may dalawang kama. Color Violet ang wall nito at malinis itong tingnan.

Lumapit si Izza kama na nasa kaliwa at humiga.

"O 'diba Izza, hindi naman creepy 'diba?" tanong niya at mahinang tumawa.

Tama siya. Mukhang sa labas lang naman ng school ang creepy.

"In fairness ah, bakit kaya walang bayad dito? E napakaganda ng loob ng school na ito. Bakit kaya hindi ko alam ang tungkol dito?" tanong niya pa at umupo.

"Baka kasi nasa gubat," ani ko. Lumapit ako sa kama na nasa kanan at umupo. "Pero bakit kaya nasa gubat ang school na ito?" tanong ko pa.

Magsasalita pa sana siya nung biglang may kumatok sa pintuan.

"Siya na yata 'yung sinabi ni Madam Hermita,"

Tumango ako kay Izza. Linapitan niya naman agad ang pintuan at binuksan ito.

"Hi," sabi nung babaeng pumasok.

Lumapit siya sa kama ni Izza at inilagay doon ang mga dala niya.

"Andito na ang lahat ng kaylangan niyo," sabi nung babae. Tumingin siya saakin pero agad din nag-iwas ng tingin.

"Bakit kayo pumasok sa lugar na ito?" tanong niya saamin kaya napakunot ang noo ko.

"Para makapag-aral?" patanong na sabi ko pa.

Tumingin siya saakin na parang nababahala.

"Masisisi kayo..." aniya kaya mas lalo akong nagtaka.

Lalabas na sana ako pero agad akong tumayo at hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Napatingin naman siya saakin dahil dito.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago mag salita.

"Magsisisi kayo dahil pumasok kayo dito..." aniya kaya mas lalo akong nagtaka. "This school is a hell," pabulong na sabi niya saakin.









Bloody AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon