"Okay, class dismissed."
Agad nagtayuan ang mga kaklase namin dahil sa narinig. Hindi ko mapigilan na mapatulala. Bloody Friday na ngayon, hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran namin. Mabubuhay pa ba kami?
"Tara na Dania." sabi ni Izza.
Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. Hindi pa rin kasi kami mapakali. Natatakot pa rin kasi kami ngayon.
"Huwag tayong maghihiwalay. Proprotektahan natin ang isa't isa. Proprotektahan kita Bestie, ako naman kasi ang nagdala sa'yo dito." sabi saakin ni Yzza at yumuko.
"Huwag mo nang isipin 'yon. Makakalabas pa tayo dito." sabi ko sa kanya kaya napangiti siya.
Magkasama kaming lumabas ng classroom. Lunch break na. Hindi namin mapigilan mapatingin sa mga estudyanteng nadadaanan namin, baka kasi isa sa kanila ang pumatay saamin. Pero tulad namin, halatang natatakot sila sa mga pwedeng mangyari.
"Izza! Dania! Dito kayo!"
Napatingin kami kay Gina. Kumakaway siya saamin. Sinenyasan niya kami na makisalo sa kanya sa pagkain.
Hindi naman kami nagaalangan na makisalo sa kanya. Dito sa school na ito, siya pa lang ang mapagkakatiwalaan namin. Pero meron siyang kasamang tatlong lalaki sa lamesa-- Isa sa kanila ay si Joseph, yung lalaking katabi ko sa klase. Hindi ko alam ang pangalan ng dalawang lalaki pero alam ko na kaklase din namin sila.
Kung si Gina ay mapagkakatiwalaan namin, ewan ko lang sa tatlong lalaking ito. Baka kasi habang kumakain kami ay bigla nila kaming saksakin sa likod.
"Ano sa tingin mo?" tanong saakin ni Izza.
Nagkabit-balikat ako. "Ewan,"
Napakunot naman ang noo niya na para bang nagiisip.
"Sige na nga. Kasama naman natin si Gina."
Pumunta kami sa lamesa nila at inilagay ang tray doon. Tumabi naman si Yzza kay Gina at habang ako ay nakatabi sa isa pang side ni Izza. Bali pinagigitnaan namin ni Gina si Izza. Nasa harapan naming tatlo ang tatlong lalaki.
"Sila si Ian,Kenneth at Joseph. Mga kaklase din natin sila." ani Gina habang tinuturo isa-isa ang mga lalaking nakaupo sa harapan namin.
"Hi nice to meet you," sabi namin ni Izza pero wala sa kanila ang nagsalita.
"Uy, nice to meet you daw! Sagutin niyo naman, 'wag kayong snobber!" sabi ni Gina sa kanila.
"Seriously Gina? Bakit ba pinasabay mo pa ang dalawang 'yan? Hindi ka nag-iingat, baka mamaya niyan ay saksakin ka nila habang nakatalikod ka." sabi ni Joseph habang kumakain ng lunch niya.
Napakunot naman ang noo ko. Anong akala niya saamin, mamatay tao?
"Excuse me? Hindi kami mamamatay-tao noh!" mataray na sabi ni Izza.
Tama. Hindi kami mamamatay tao. Hindi namin kayang pumatay! Kahit anong mangyari ay hindi kami papatay! Proprotektahan namin ang isa't isa na walang pinapatay! Makakalabas kami dito na walang pinapatay na kahit na sino.
Napatawa si Joseph ng bahagya. Tawang nakakaasar pero nakakatakot.
Ngumisi siya. "Lahat ng taong nakapasok dito ay mamamatay tao. Kayong dalawa, magiging mamamatay tao din kayo para protektahan ang sarili niyo," madiin na sabi ni Joseph.
Nagkakamali ka.
"Hindi namin gagawin 'yon." madiin na sabi ko sa kanya.
Mas napangisi pa siya dahil sa sinabi ko. "Ganon? Tingnan natin kung hanggang kaylan niyo maiisip 'yan."
BINABASA MO ANG
Bloody Academy
Mystery / ThrillerSi Dania Joson ay isang mahirap na babaeng gustong makapag-aral ngunit walang pera. Isang araw ay may isang matandang nag-sabi sa kanya tungkol sa isang paaralan kung saan lahat ay libre. Libre ang pagkain, gamit, dormitoryo at lahat ng pangangayla...